5

758 19 19
                                    






"Medyo mainit sa bahay namin, Ethan. Electric fan lang gamit namin. Sa lapag lang din ako natutulog kaya mag-hotel ka nalang kung gusto mo... Wala rin ako ma-ooffer sa 'yo-"



"You don't have to worry about me. I'm fine with anything. Can I hold your hand?" I was shocked when he asked that. He doesn't need to ask for it!



I gave him my hand and he covered it with his in an instant. Ethan with his smallest gestures... Now, I just realized that there were so many 'first' with him. With him, I've experienced the things I've always wanted to experience.



True to his words, we got there before sunrise. Dumiretso na kami sa hospital kung saan naka-admit ang kapatid ko. I had a weird feeling... It was as if something's bothering me. Si Ethan na ang nagtanong sa information desk kung ano ang room number ng kapatid ko. I saw how his forehead creased while talking to the woman.



I went near them and raised a brow. Ethan held my wrist and pulled me with him. Nagpabigat ako nang mapagtantong palabas kami!



"Ethan, what's happening? I need to see my brother! Bakit tayo aalis?" He looked at me and shook his head.



"Your brother's not here. We're going to your house, Aia-"



"He's here! Si Nanay ang nagsabi! Hindi sinungaling ang pamilya ko, Ethan." I saw how his eyes darkened as he licked his lower lip. I could already feel his anger but that didn't stop me. I just hate how he sounded like he doesn't trust my family!



"Aia, I don't want to think that they're lying to you because they are your family. I don't want to have bad thoughts about them. But I already lost a large amount of money... Ni isa, walang nabigay sa 'yo na proof kung saan napunta ang pera. Look, I can give you all my money but not in this way. I'm still a student. I'm depending on my family's businesses. In just months, I lost half a million. I don't want to think that they're using you or me. Pero ang hirap magtiwala." His grip on my wrist loosened up a bit but not enough to let me go.



At that moment, I couldn't defend my own family. Because Ethan has a point. Kahit ako, duda na ako. Walang maibigay si Nanay na patunay na totoo ang mga hinihingi niya, ang mga gastusan, at ang mga kailangan.



Binigay ko lang kay Ethan ang address namin at hinayaan na siya. Wala akong imik nang sumakay kami sa kotse niya. Huminto siya sa gasolinahan. Bumaba muna ako at pumasok sa katabing convenience store. Bumili ako ng kape at hotdog sandwich para kay Ethan. Bumili na rin ako ng chips at canned soft drink.



Pagbalik ko sa gasoline station, nakasandal na si Ethan sa kotse niya. I did not pay him attention anymore. Pumasok na ako sa loob at gano'n din siya. Minutes later, we were back on the road again. I opened the cup of coffee and offered it to him.



"Thank you." He drove with one hand. I opened the plastic of the hotdog sandwich and held it for him. Kumagat siya kaagad doon. "Ikaw? Hindi ka kakain?"



"I'll eat after this... I can hold the cup for you kung nahihirapan ka." Umiling siya kaya napatango nalang ako.



Sa huli, hindi ko rin naman nagalaw ang chips at soft drink ko. Pagkarating namin sa bahay, nakita ko ang isa kong kapatid na naglalaba.



"Vince, nasa'n sila Nanay?" Nagulat siya nang marinig ang boses ko. Napatayo kaagad siya at naluluhang tumitig sa akin. "Oh, bakit? Vince, may problema ba?"



"Ate! Na-miss kita!" Yumakap siya sa akin. Niyakap ko siya pabalik. "Umalis si Nanay kagabi. Hindi pa siya umuuwi."



"Kagabi? E, si Vincent? Nasaan?" Tinuro niya ang loob ng bahay namin. "Huh? Ang sabi ni Nanay nasa ospital si Vincent dahil may sakit siya. Kakalabas niya lang ba sa ospital?"



"Hindi, ate... Wala namang sakit si Cent. Magba-basketball nga siya kasama ang mga kaibigan niya mamaya. Baka mali lang ang pakarinig mo, ate-"



"Humihingi ng pera si Nanay para sa bayarin sa ospital, Vin. Hayaan mo na, ako na ang bahala kay Nanay. Kumusta ka? Kayo?"



"Okay lang kami, ate. Sino pala ang kasama mo?" Napansin ko na kanina niya pa tinitingnan si Ethan. "Boyfriend mo?"



"Hindi!" agap ko. "Siya ang boss ko sa Maynila. Sumama siya rito kasi... U-uh ano..."



"Ate, ba't naman sasama ang boss mo rito? Wala naman yata kayong trabaho rito. Kung boyfriend mo siya, wala namang problema. Masaya nga ako na may nakakasama ka na." Bahagya akong natawa sa sinabi ng kapatid ko. "Mukhang mapagkakatiwalaan naman siya."



Bumaling ako kay Ethan at sinenyasan siyang lumapit. Vin looked at him with so much emotion in his eyes. Inilahad ni Ethan ang kamay niya sa kapatid ko na agad namang tinanggap ng huli.



"I'm Ethan Jake Hernandez. You are?"



"Vince Harold Garcia po, Kuya Ethan!" Napangiti ako nang makitang nakangiti si Ethan sa kapatid ko. "Pasok po kayo. Ipapakilala ko kayo sa kapatid namin. Pasensya na po pala, medyo basa po ang kamay ko dahi sa paglalaba."



"No, it's okay." Ethan held my hand as we walked inside the house.



Habang nag-uusap sila, tinext ko si Nanay. Nasa'n ba siya? Bakit siya nagsinungaling sa akin? Ang daming pumasok na katanungan sa isip ko. Unti-unti ay naiisip ko na rin ang naiisip ni Ethan.



Nagulat ako nang pumasok ang isang grupo sa gate namin. Inaalalayan nila si Nanay. Tumayo kaagad si Ethan upang tumulong. Tumayo na rin ako at tiningnan ang kalagayan ni Nanay. Napaubo ako nang maamoy ang pamilyar na amoy ng sigarilyo at amoy ng alak.



"Kami na po ang bahala kay Nanay. Pasensya na po sa abala." Alanganing ngumiti sa akin si Ate Diana at saglit na nilingon si Ethan. Hindi ko alam kung ba't kasama siya nila Nanay. Mas bata siya kila Nanay ngunit mas matanda pa rin ng ilang taon sa akin.



"May problema 'ata ang nanay mo, Qamari. Sino pala itong kasama mo?" Nilingon ko si Ethan. Hindi niya inilahad ang kamay niya ngayon. Naghintay lang siya na ipakilala ko siya kay Ate Diana.



"Si Ethan po, kaibigan ko." Tulad ng kapatid ko, alam kong hindi naman siya maniniwala na boss ko si Ethan. Hindi ko rin naman p'wedeng sabihin na may namamagitan sa amin. Nakakahiya naman kung sasabihin ko kung anong klaseng relasyon ang mayroon kami.



"Oh? Gano'n ba? Naku, maraming magkakagusto sa 'yo rito, Ethan! Maraming single diyan sa paligid." As if Ethan's looking for a girlfriend. "Hanggang kailan kayo rito? May sayawan sa kabilang baranggay mamaya. Punta kayo!"



Ayoko sanang pumunta dahil alam kong pagpipiyestahan lamang si Ethan doon. Ngunit itong si Ethan, may balak na pumunta. Ngayon palang daw siya makakapunta sa sayawan sa baranggay. Gusto niyang malaman kung ano ang mga ganap doon.



Linggo naman bukas kaya pinagbigyan ko na siya. Buti nalang at may mga damit pa siya sa kotse niya. Ako naman ay may mga naiwang damit dito sa bahay. Nagsuot lang ako ng pulang dress na sobrang nipis ng mga strap.



"Qamari..." I looked at Ethan through the mirror. He was surveying my body! "I'm having a damn erection because of that dress of yours." My cheeks burned!



"E-Ethan, magpapalit nalang ako-"



"No, you picked that dress. I have no right to ask you to change. Let's go?" Natataranta akong tumango sa kaniya.



__________________________________

White Lies and SmilesWhere stories live. Discover now