"Careful- Shit!" Napahawak si Ethan sa dibdib niya nang makitang muntik na 'kong madulas. Nakahawak naman siya sa beywang ko at nakahawak naman ako sa kaniya. 'Yung reaction niya akala mo mamamatay na ako!"Masyado kang ano!" natatawa kong sabi. Nilingon ko siya at nakitang masama ang tingin niya sa akin. "Ano ka ba?! Okay lang ako! Madulas lang kasi 'tong tsinelas na suot ko ngayon."
"If I'm not here with you, you could've slipped! God, you're going to kill me! Even Dr. Asuncion told you to be extra careful." Tumigil ako sa paglalakad kaya natigil din siya. Hinalikan ko siya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi, nagpipigil ng ngiti. "Where do you want to eat?"
Bati na agad kami!
"Hmm, parang gusto ko sa Chinese restaurant kumain." Iniisip ko palang ang mga ulam, nagugutom na ako! "Okay lang ba?"
"Yes, of course." Sumenyas siya sa driver niya at kaagad itong lumapit sa amin. Pinayungan kami hanggang sa makarating sa naka-park na kotse. Sumakay kami ni Ethan sa backseat.
Nag-video call si Clara habang nasa restaurant kami ni Ethan. Hiniram ko ang airpods ni Ethan. Nag-ayos ako bago sinagot ang tawag. Wala pa naman ang mga pagkain at marami-rami rin 'yon kaya hindi pa kami makakapagsimulang kumain.
[Baby ko, may mga binili ako para sa inyo ni baby! Hindi ko lang madala sa bahay ninyo kasi palagi akong nag-oovertime sa work. Hayaan mo, ipapadala ko nalang kay Edward!]
"Thank you, Clara! Galing palang kami sa checkup. Healthy naman daw si baby. Anytime soon, probably next next week, lalabas na si baby. Can you believe that? Manganganak na ako! Si Pia? May flight ba 'yon ngayon?"
"Surprise!" Nagulat ako nang may sumigaw sa likod namin. Napalingon kami ni Ethan sa sumigaw. Napatayo ako nang makita si Pia. "Nakita namin kayo ni Markus, sinundan namin kayo."
"Where's Markus?" tanong ni Ethan sa kaibigan ko. Sakto naman ay pumasok ang lalaki sa restaurant.
"Oh, you're here.. What a coincidence!"
Siniko ko si Ethan nang tumayo siya habang tumatawa. Pia grabbed Markus' arm. Hilaw siyang ngumiti sa amin. Bahagya niyang hinila si Markus pababa upang magpantay ang labi niya at ang tenga ng lalaki.
"I already told them about it-"
"That's not our script..."
"Nakalimutan ko." Nag-peace sign si Pia kay Markus at alanganing ngumiti.
Sakto ang dating nina Pia at Markus. Sine-serve na ngayon ang mga pagkain. Tumabi kay Ethan ang si Kuya Anton, ang driver niya. Sina Pia at Markus ang nasa harapan namin. Markus ordered additional drinks and dishes.
We had little conversations while eating. Pia and Markus were asking questions about my pregnancy. Itong si Ethan, inasar pa ang dalawa. Dapat ay mag-anak na rin daw para automatic may kaibigan na ang anak namin. Maganda naman 'yon pero... depende 'yon sa dalawa. Kung wala pa naman sa plano nilang magkaanak, huwag nilang pilitin.
Inipon ni Ethan ang mga buhok kong nagkalat. Muntik na ngang masawsaw sa sabaw! I saw him getting something from his pocket. When he took out his hand, I saw my scrunchie on his hand. Tinali niya ang buhok ko.
"I like you for my best friend. Please don't hurt my Qamari. She's not that open to people, so please... Makiramdam ka nalang. And please don't do something that can hurt her." Ethan looked at Pia and nodded politely.
YOU ARE READING
White Lies and Smiles
RomansaQamari is an innocent girl who just wanted to work for her family. But she fell for a trap. The first born of the owner of Hernandez hospital came to rescue Qamari that night. He became her boss but not just the typical boss. They do things that ar...