Prologue

1.9K 35 10
                                    

TW: Death | Prostitution



"Ang hirap ng buhay, 'nak. Wala na ang tatay mo, kailangan kong dumoble kayod. Pinag-iisipan ko nga na magtrabaho sa Maynila kaso paano kayo rito?" Pinagmasdan ko ang kabaong ni papa. Bakit mo naman kami iniwan, Tay?



"Nay, magtatrabaho na rin ako. Sa Maynila na ako mag-aaral. Mag-aapply ako sa mga scholarship. Magtatrabaho ako ro'n at 'yung sobra ay ipapadala ko sa inyo-"



"Anak, hindi mo kailangang magtrabaho. Si nanay na ang bahala. Kaya ko na 'to..." Nilingon ko si inay.. Inabot ko sa kaniya ang isang papel. "Ano ito? Anak..."



"Buo na po ang isip ko. Magtatrabaho po ako. Ayan ho, may nag-offer sa akin ng trabaho sa Maynila. Nay," hinawakan ko ang mga kamay ni inay, "hayaan n'yo na ako. Para naman 'to sa ating lahat, e. Tumatanda ka na, ikaw nalang ang bumubuhay sa pamilya natin, kaya alam kong nahihirapan ka na."



"Kung buo na talaga ang desisyon mo..." Nasaksihan ko ang pagtulo ng mga luha ni inay... Pinunasan ko ang pisngi niya at ngumiti. "Hahayaan kita, anak. Basta huwag mong ilalagay sa peligro ang sarili mo ha?" Ngumiti ako sa kaniya at tumango.



Pagkatapos ng ilang linggo, matapos mailibing si tatay, lumuwas ako patungong Maynila. Pagkarating ko sa Maynila ay kaagad kong hinanap ang babaeng nagbigay sa akin ng oportunidad na makapagtrabaho.



Pumunta ako sa address na ibinigay niya. Huminto ako sa tapat ng isang kainan. Nasa tamang lugar ba ako? Lumapit ako sa glass door at natanaw ko ang babaeng hinahanap ko. Kaagad akong pumasok at ngumiti sa kaniya.



"Oh! Salamat sa Diyos at nakarating ka na! Gusto mo na bang magsimula ngayon?" Ngayong gabi? Tumango nalang ako dahil sayang naman ang perang kikitain ko, hindi pa ako nakakakain nang maayos ngayong araw. "Halika na."



Pumasok kami ni madam Analyn sa isang pinto. Nagulat ako nang may marinig na ingay mula sa loob. Ano kayang mayroon doon? Hinila ako ni madam Analyn patungo sa isa pang k'warto. Nagulat ako nang makita ang mga babae na naroon na nakasuot ng makikintab na roba. May mga kolorete sila sa kanilang mga mukha.



"Eris, ikaw muna umalalay sa isang 'to ha. May aasikasuhin lang ako." Bumaling sa akin si madam Analyn at saka ngumiti. "Neng, si Eris na ang magpapaliwanag sa 'yo kung ano ang gagawin mo."



Lumapit ako kay Eris. Ngumiti siya sa akin at pinaupo pa ako. Umupo ako at naghintay sa sasabihin niya. Habang naghihintay, pinanood ko ang pag-alis ng ibang babae.



"Alam mo ba kung anong klaseng trabaho ang pinasukan mo? Ang inosente mong tingnan, hindi ka nababagay rito." Nilingon ko si Eris. Nagtaka ako sa sinabi niya. "Mga pokpok kami. Sana alam mo 'to bago mo pinasok 'tong trabaho na 'to."



"P-Pokpok?" Tumango siya sa akin. "H-Hindi ko alam... Aalis nalang ako.." Bahagyang umawang ang mga labi ni Eris nang sabihin ko 'yon. "Nagmamakaawa ako... Ayoko na rito."



"Eris, ayusan mo na 'yan sabi ni madam. Maiiwan kayo rito!" Tumango lang si Eris sa babaeng napadaan.



"Tumakas ka nalang sa mismong event na pupuntahan natin. Wala akong dalang pera, shit. Ganito nalang... Humanap ka ng p'wedeng malapitan sa party, tapos humingi ka ng tulong. Sabihin mo kung ano 'yung sinabi mo sa akin. Aayusan pa rin kita para hindi makahalata si madam." Tumango ako sa kaniya kahit na sobra ang kaba na nararamdaman ko sa puntong 'yon. "Pasensya na talaga, wala pa kasi akong sahod... Mag-iingat ka."



Nang maayusan na ako ni Eris ay nagpalit ako. Naka-bikini nalang ako sa loob ng makintab na roba. Nang maayos na ang lahat ay hinatak na ako ni Eris palabas. Sumakay kami sa isang van. Nabawasan ang kabang dala ko nang sabihin ng isa na susunod nalang daw si madam. Makakatakas ako...



White Lies and SmilesWhere stories live. Discover now