I spent the next days searching for information. Ethan helped me, even if we're fighting against his family. He wants to bring his family down.Tinanggal ko ang roba ko at inilapag iyon sa sunlounger. Nilingon ko si Ethan na nasa dulo ng swimming pool at pinapanood lamang ako. Bumaba ako sa swimming pool at lumangoy hanggang dulo. Naramdaman ko kaagad ang pagpulupot ng mga braso ni Ethan sa beywang ko nang umahon ako.
I fixed my hair backwards. Ethan kissed my lips quickly and smiled. Kinikilig nanaman siya. Tumalikod ako at sumandal sa katawan ni Ethan. I showered his jaw and the side of his neck with soft kisses.
"Aia, I think someone's watching us." Natigil ako sa ginagawa nang sabihin 'yon ni Ethan. Luminga ang aking mga mata upang hanapin ang nagmamasid sa amin.
"Who is it?"
"Janette... My secretary." He kissed my shoulder blade. "I'm just telling you because you might be uncomfortable with it."
"I'm not, Ethan. You know what I wanna do? Continue, to tell her that we really are dating. If you can't make me your secretary, then make me your personal assistant. In that way, I'd work for you almost 24/7, right?" I held his chin up with my pointing finger.
"If you want us to be together for 24/7, be my girlfriend or wife then." He smirked like he just won a fight. "I'll fire Jan-"
"No, I was just joking." I looked away, feeling embarrassed. "I am a flight attendant, I don't think I can take another job."
"Nagseselos ka kay Janette?" As if. Umirap ako at nag-freestyle patungo sa kabilang dulo ng pool. Umahon na ako at iniwan si Ethan sa swimming pool.
Sinuot ko ang roba at pumasok na sa loob ng bahay. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko nang makasalubong si Janette. Napaatras kaagad siya at alanganing ngumiti. Something's wrong with her. Is it because she likes Ethan?
Tumigil ako at hinarangan siya. Nagulat siya sa ginawa ko at bahagyang napayuko. Natatakot ba siya sa 'kin? Nilingon ko ang poolside bago ko siya hinatak papunta sa kusina. Gulat na gulat siya sa ginawa ko. Umupo ako sa high chair habang nakatayo siya sa gilid ko.
"May gusto ka ba sa boss mo?" Nilingon ko siya at ayon nanaman ang gulat na gulat na reaksyon niya. "Umamin ka sa 'kin. Nahuli ka namin kanina na nanonood sa amin."
"Ma'am, h-hindi po! Nagkamali po kayo! W-wala po akong gusto kay sir-"
"Bakit ka nanonood kanina kung gano'n?" Napalunok siya sa tanong ko at namumulang tumingin sa akin.
"Ikaw po ang g-gusto ko, ma'am... Nagagandahan po ako sa inyo." Napakamot siya sa kaniyang batok at alanganing ngumiti. "Hindi po ako interesado sa mga lalaki."
Tulala ako habang nanonood kami ng movie ni Ethan. Hindi ko na maintindihan ang pinapanood namin. Nakakahiya naman kay Ethan. Itinabi niya muna ang reviewers niya para manood nang maayos.
Hindi ko alam kung sadyang magaan lang ako o manhid lang si Ethan. Nasa pagitan ako ng kaniyang mga hita at nakasandal sa kaniyang katawan. Nakakahinga pa ba siya? Gusto niya lang lumandi, e. Ang isang kamay niya'y biglang humaplos sa aking tiyan. Hinalikan niya ang gilid ng pisngi ko habang patuloy na ginagawa iyon.
Siguradong-sigurado na ako kay Ethan. After his explanations and those revelations, I've finally realized that Ethan wasn't the enemy. He was my number one and only one ally in this game. Losing him is like losing the game.
"Kuya, puwede po bang umusog ka nang kaunti? May espasyo pa naman po," pakiusap ko sa katabi ko sa jeep. Umusog naman siya.
"Minamanyak ka?" tanong ng lalaking kasasakay lang. Kaagad akong umiling.
"May past experience lang po..." Tumango siya sa akin at naupo sa upuang kaharap ko. Pasimple ko siyang pinagmasdan habang kumukuha siya ng pamasahe sa kaniyang pitaka. Naka-itim na cap at sunglasses. Hindi naman maaraw...
"Bayad po," aniya sabay abot ng kaniyang pamasahe sa ibang pasahero. Napalingon siya sa akin pagkatapos. Umiwas kaagad ako ng tingin. Baka kung ano pa ang isipin niya.
Nang bumaba na ang lalaking kaharap ko, sinundan ko siya ng tingin. Bumaba na rin ako at naghintay na magbago ang kulay ng traffic light. Nilingon ko ang lalaki kanina. May something sa kaniya...
Bumaba ang tingin ko sa palapulsuhan niya. Gano'n nalang ang gulat ko nang makita ang suot niyang silver na bracelet. Dahan-dahan akong lumapit sa lalaki. Nang tumigil ako sa tabi niya ay napabaling siya sa akin. Pero wala akong maramdaman... Nagkamali lang ako.
"Is something wrong?" tanong niya. May kung anong epekto 'yon sa akin.
"Clyde?"
"It's Elijah, Ms. Garcia." Tinanggal niya ang sunglasses niya at gano'n nalang ang gulat ko nang mapagtantong si Atty. Contrera iyon. "Do I look like my cousin?"
Kumunot ang noo ko sa tanong ni Atty. Contrera. Pinsan? Magpinsan sila ni Clyde?
"I'm Clyde's second cousin. Was it because of this bracelet? He gave me this... I'm pretending to be him." He put on his sunglasses and smirked. "He's alive and he's actually behind you right now."
"P-paano? Paano siya nabuhay?" Atty. Contrera lowered his head a little.
"I joined the security team of Ethan's parents. They told us to make it look like Clyde took his own life. They ordered us to force Clyde to swallow the pills. Do you get it now?" I slowly nodded. "He didn't die because those were candies. I just changed the bottle after all the hired men left the place. You know, to make it look like Clyde's really dead because he took pills. I also have connections with the police."
"But he was buried! All of us attended his funeral and burial!"
"It wasn't my cousin. It was a realistic figure made of wax. And Clyde was actually watching us from afar during that time. Planado lahat, Ms. Garcia."
"I need to talk to Clyde-"
"No, you shouldn't. There's a possibility that we're being watched right now. If you'll talk to Clyde, then the fun stops there. Kapag kinuha nila ako, hindi naman nila malalaman na buhay pa si Clyde. Mas okay na ako ang makuha nila. They don't even know that Clyde's related to me. We're going to win this war. Have a nice day ahead, miss!" Sumaludo pa sa akin si Atty. Contrera bago siya tumalikod at naglakad paalis.
Bumaling ako sa kabilang banda ng kalsada. Walang tao roon. Umiling nalang ako at pilit na ibinalik ang sarili sa ayos. Naglakad na ako patungo sa kabilang banda ng kalsada. Diri-diretso lamang ako hanggang sa makarating sa Yazzz Café.
Muntik pa akong mapatili nang may humila sa akin pagkapasok ko. Dinala niya ako sa may restroom, kung saan walang tao. Sa isiping may masamang balak ang lalaki ay lumipad sa ere ang aking kamay. Ngunit mabilis siyang gumalaw at kaagad na nahawakan ang palapulsuhan ko.
"Riri..." Nanghina ang buong katawan ko nang marinig ang boses ni Clyde. Nag-init ang aking mga mata at naramdaman ko nalang ang pagtulo ng aking mga luha. "Shush..."
Niyakap ako ni Clyde at inalo. Pero hindi iyon tumalab. Umiyak ako sa dibdib niya...
"Let's not talk about what happened right now... I'm just here to see you. Please be safe, Riri. I'll see you again soon. Take care." Hinalikan niya ang noo ko bago siya naglakad nang mabilis paalis.
Naiwan ako ro'n na tulala at luhaan. Clyde, tutulungan ka naming pabagsakin ang mga taong mapagsamantala.
__________________________________
YOU ARE READING
White Lies and Smiles
RomanceQamari is an innocent girl who just wanted to work for her family. But she fell for a trap. The first born of the owner of Hernandez hospital came to rescue Qamari that night. He became her boss but not just the typical boss. They do things that ar...