8

659 19 35
                                    






"Aia, will you cry if tomorrow I say goodbye?" Napalingon ako kay Ethan. Sinamaan ko siya ng tingin. "What? I'm just asking."



"I won't cry... because you won't die, Ethan. Bakit mo naman naisip 'yan?"



"I told you, I was just asking. It's a random question. If I die, I will give you my house and my shares in the company-"



"Ang nega mo! What if ako ang unang mamatay, sige nga? Let's stop talking about death. No one will die, Ethan. Mas kakayanin kong humiwalay sa 'yo kaysa mamatay ka."



"I'm sorry." Lumapit siya sa akin at ikinulong ako sa yakap. If he dies, I will cry... I don't want that to happen. Hindi ko pa nga nasasabi sa kaniya na mahal ko siya.



Inaya ako ni Pia na kumain ng tusok-tusok after class. Hila-hila niya ako. Maya-maya ay napapatigil kami sa paglalakad dahil may bumabati kay Pia. Gano'n siya ka-famous! Ang ganda ganda niya naman kasi.



Pagkalabas namin, dumiretso kaagad kami sa area ng mga tusok-tusok vendor. Kukuhanin ko sana ang lalagyan ng sauce nang may mauna. Napalingon ako sa may-ari ng kamay at nakita si Mr. Rivas. Nagulat din siya nang makita ako. Binitawan niya kaagad ang lalagyan.



"Nauna ka naman talaga," mahinang aniya. "It's nice seeing you here."



"A-Ah, salamat!" Nilagyan ko na ng sauce ang fish ball at kikiam ko. Nakatingin lang sa amin si Pia habang kumakain siya. "Tapos na klase n'yo?"



"Yeah, it just ended. Kayo?" Nag-thumbs up ako sa kaniya. "Oh okay... Tourism student?"



"Mmm. Ikaw ba?" Pinanood ko siyang maglagay ng sauce sa disposable cup niya.



"First year law student." So, he's a bit older than me... Napatango-tango ako sa kaniya. "You like older guys, 'no?" Para akong nabilaukan sa kinakain ko.



"Paano mo nasabi?"



"Hernandez is older than you..." Tama naman siya. Tahimik lang akong kumain. Nilingon ko si Pia at nakita siyang nakangiti habang nakatingin sa kinakain niya. Weird. "Kuya, magkano? Pati 'yong kanila." Tinuro niya kami ni Pia.



Nagulat si Pia at nanlalaki ang mga matang bumaling sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya. Sinubukan pa siyang pigilan ni Pia. Ngunit hindi pumayag si Mr. Rivas.



"I guess, I'll see you more often now. See you around, Ms. Garcia." A small smile escaped his lips as he turned around to walk away.



Niyugyog ako ni Pia nang makaalis si Mr. Rivas. Mukhang kinikilig siya. Kung kinikilig siya, jowain niya na 'yon! Masaya na ako kay Ethan! Sandali, may jowa pala si Pia.. Si Gio.



We met a couple of times after that encounter. Puro short conversations nga lang ang nangyayari. At ngayon, nagkita nanaman kami. Tumabi siya sa akin at kumuha ng isang stick ng fish ball. Ang hilig niya sa fish ball. 'Yun ang napansin ko.



"You're here again," he said. "Hindi ka susunduin ng boyfriend mo?"



"Hindi niya ako masusundo ngayon. Busy masyado. Lapit na sa finish line, e. Ikaw ba? Hindi ka busy? Palagi tayong nagkakasabay rito." Natawa siya bigla.



"I'm just waiting for the grades. Pa-relax relax nalang ako. Garcia, next week don't eat here. These foods may taste great but they are unhealthy." Tumango-tango ako sa kaniya. Tama naman siya. "Wala 'yung friend mo."



"Kasama boyfriend niya. Nag-uusap sila ngayon. Ikaw? Bakit palagi kang solo? Wala ka bang mga kaibigan sa school?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.



"They are all busy people. Maraming seryoso na masyado sa buhay. And some are bad influences. You wanna go somewhere? Food trip?" Saan naman kaya siya ro'n? Hindi nalang ako nagtanong.



"Sige ba!"



That day, I became friends with Clyde. He took me to a street with lots of food tents. He held my hand while we were walking. Maraming tao at kung hindi niya lang hawak ang kamay ko ay kanina pa ako nawala. Tinuro ko sa kaniya ang corn dogs. Natakam ako bigla.



Hinila niya ako palapit do'n at pumili kami. 'Yung cheesy corn dog ang kaniya at potato cheddar corn dog ang akin. Umalis muna kami saglit para maghanap ng bilihan ng miktea. Nag-crave raw siya bigla, e. Gaya-gaya lang ako kaya milktea rin ang drink ko. Taro sa akin, cookies and cream sa kaniya.



"Natikman mo na ba Matcha?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya. "Sa susunod, try mo. Masarap naman."



"Lasang dahon daw-"



"Natural!" Natawa siya sa naging reaksyon ko. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at binuksan ang cam. Pinicturan ko si Clyde habang gumagamit siya ng phone. Malaya kong napagmasdan ang mukha niya.



Maputla ang balat ngunit mamula-mula ang mga labi. Matangos ang ilong. Medyo singkit ang mga mata. Makakapal ang mga kilay. Napaiwas na ako ng tingin nang dilaan niya nang kaunti ang pang-ibabang labi.



Nag-selfie nalang ako. Nang ilalagay ko na sana sa ig story ko ay saka ko lang napansin na nakatingin si Clyde sa akin. Nakatayo lang siya sa likod ko, hawak-hawak ang phone niya ngunit nasa akin ang paningin. Nilagay ko pa rin 'yon sa story ko dahil hindi naman nila malalaman kung kasama ko si Clyde o hindi.



Bumalik na kami sa corn dogs stall nang makuha na namin ang mga milktea namin. Pinicturan ko ang mga pagkain at inumin namin. Nasabay ang kamay ni Clyde dahil hawak niya ang corn dogs namin at ang milktea niya.



"I'll tag you in my story if that's okay with you."



"Okay lang. Ta-tag din kita. Ano bang username mo?" Umupo kami sa malapit na bench.



"Wait, I'll type it." Binigay ko sa kaniya ang phone ko nang mailapag niya na ang corn dogs at milktea. Pinindot ko kaagad ang follow button nang ibalik niya sa akin ang phone ko.



@god.rivas

19 10.2k 276
Posts Followers Following



Clyde Amadeus Rivas

Studying law, do not disturb.



"Ang ganda ng bio mo. Bakit god.rivas ang username mo?" Kumagat ako sa corn dog ko at hinintay siyang sumagot. Chineck ko ang feed niya. Puro black and white ang pictures niya.



"God is from my name Amadeus. Deus sounds like diyos according to my high school friends." Ang galing naman. 'Yung akin ang simple na nga, wala pang sense. garxaia. Pinaghalo ko lang ang Garcia at Xaia. Parang tanga.



"Ba't puro black at white? Para cool tingnan?" Nagtagal ang tingin ko sa latest post niya. Nagsimula kasi ako sa pinakababa. Iyong latest post niya lang ang may kulay.



"Trip ko lang."



I opened his latest post and my jaw almost dropped when I saw myself. He was holding my hand while I was looking and pointing at a stall. Half of my face was seen and a smile was plastered on my lips. The background was black and white while our hands and my face and body were colorized.



god.rivas Colors...



"Qamari, your face... You look like you've met your crush or something," Clyde pointed out. He chuckled when I went back to my senses. "My post.. Nakita mo na, 'no? I have a boring life but you came. You were asking me earlier about the black and white layout. Like what I've said, my life is dull and boring. You're a great contrast, Qamari."



__________________________________

White Lies and SmilesWhere stories live. Discover now