Pabiro kong sinabunutan si David nang madaanan namin siya. Sa Hernandez hospital pala siya! Binati niya si Clyde at pabirong umirap nang bumaling sa akin. Tumawa nalang ako. 'Di pa rin siya nagbabago."Tangina mo, Qamari. Akala ko may aggressive patient nanaman. Halika nga rito, isang kurot lang sa pisngi." Pilit akong umiwas at magtatago sana sa likod ni Clyde ngunit naakbayan na ako ni David. Nahampas ko ang braso niya nang kurutin niya ang pisngi ko!
"Susumbong talaga kita! Sasabihin ko very unprofessional mo!"
"Oh talaga? Sumbong din kita kay Mr. Greyson. Sabihin ko tanggalin ka sa trabaho kasi nananakit ka, baka passenger na sunod mong saktan-"
"Ewan ko sa 'yo, doc!"
Nagpaalam din kaagad si David dahil may gagawin pa siya. Kami naman ni Clyde ay dumiretso na sa room ni Diana. Nando'n na raw ang lawyer ni Diana at si Ethan. Nagpaiwan nalang ako sa labas dahil hindi naman ako kailangan sa loob.
Pinanood ko ang magkakaibigan na naglalakad. Ang isa'y mukhang pasyente at ang dalawa ay mukhang binisita siya. Nagkaroon kami ng misunderstanding ni Clara. Si Pia naman ay busy sa trabaho at umiiwas din dahil ayaw niyang sabihin sa iba kung ano talaga ang nararamdaman niya. Si Clyde nalang ang nakakasama ko kaya naging malapit kami sa isa't isa.
If only I could understand... If only I could forgive... The special people from my past would've been here for me.
"Ikaw na buntis ka, nasa'n ba kasi tatay niyan?! Ako ang naii-stress. Baka akalain ng mga nurse at doctor mag-jowa tayo. Pero puwede rin-"
"Qams?"
Napalingon ako sa dalawang babae. Umawang ang mga labi nila. Napasinghap si Pia bago nagmamadaling lumapit sa akin. Umiiyak siyang umupo sa tabi ko. Niyakap niya ako at nagpatuloy sa pag-iyak. Dahan-dahan kong inilapat ang aking palad sa kaniyang likod upang haplusin iyon.
Bumaling ako kay Clara na ngayon ay umiiyak na rin. I gestured her to go near. She went to us, still crying. I held her hand with my free hand. After almost a year of being apart, we finally found a way to be in each other's arms once again.
Sakto naman ang paglabas ni Clyde. Napalingon ang dalawa kong kaibigan sa boyfriend ko. Binati niya sina Pia at Clara. Gano'n din ang ginawa ng dalawa. Lumapit sa akin si Clyde at hinalikan ang noo ko.
"Pia, Clara, si Clyde... Boyfriend ko. Kilala n'yo naman siya, 'di ba?" Tumango ang dalawa at 'di makapaniwalang bumaling kay Clyde.
"Boyfriend? Oh my gosh, from boy best friend to boyfriend! Iba ka, Clyde!" Pia tapped Clyde's shoulder. Alanganing ngiti naman ang ginawad ni Clyde kay Pia. "Bakit pala kayo nandito?"
"May binisita lang. Sa kaso kasi na hawak ni Clyde. Kayo ba?"
"Nagpa-checkup 'tong si buntis. Nakita ka niya raw kanina papasok ng elevator. Pinilit niya akong umakyat dito after ng checkup para hanapin ka. Buti nalang totoo! Paano kung hindi?! Umakyat pa kami rito tapos buntis pa kasama ko!" Pia didn't change at all. Maingay pa rin.
Kagat-kagat ko ang sliced bread nang pumasok si Clyde sa kusina. Nataranta ako nang maramdaman kong nahulog ang tinapay! Pinulot ko iyon at pinagpagan. Wala pang five minutes, p'wede pa 'to. Nilingon ko ulit si Clyde. Bukod sa boxers niya, wala na siyang ibang suot!
Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at pinatakan ng halik ang mga labi ko. Inalok ko sa kaniya ang kapeng ginawa ko pagkatapos ng halikan namin. Kinuha niya naman 'yon at ininuman. Tumayo ako saglit upang kumuha ng tissue. Nang makabalik ako'y pinaupo ako ni Clyde sa mga hita niya.
YOU ARE READING
White Lies and Smiles
RomanceQamari is an innocent girl who just wanted to work for her family. But she fell for a trap. The first born of the owner of Hernandez hospital came to rescue Qamari that night. He became her boss but not just the typical boss. They do things that ar...