27

438 12 35
                                    






"Clyde, mamaya na tayo mag-away, p'wede ba? Pagod na ako, e-"



"I'm also tired, Riri. I just want to fix this before the day ends-"



"Fix what, Clyde?" I looked at him. I dropped my bag on the floor. "You're always like that! Acting as if you didn't start an argument! We're not in the courtroom, stop treating me as an enemy!"



He tried to touch me but I stepped backwards. The fear of getting hurt approached me. I clenched my fists as I prepared myself for another argument. I'm getting tired of this...



"Riri, let's talk properly. No fighting-"



"No fighting, huh? Lagi tayong nag-aaway, Clyde! Wala na nga 'ata tayong pahinga! Pagod na ako... Why are you b-being like this? Hindi ikaw 'yan.. Ano bang nangyayari at nagkakaganiyan ka?" Tumulo na ang mga luha ko. Napaluhod si Clyde sa harapan ko. Nakayuko na siya ngayon. Nang makita ko ang paggalaw ng mga balikat niya, alam ko na agad na umiiyak siya.



"I'm tired of my job.. I'm receiving death threats everyday. I'm scared... What if one day they start chasing after you? What if they use you against me? You don't and you won't understand, Qamari. It's not only hard for you... It's hard for me too. I can just quit but I can't because I promised to give justice.."



"Kung pareho na tayong n-nahihirapan.. Bakit pa tayo kumakapit sa isa't isa?" He looked up at me. His eyes were a bit red. "Hindi na 'to kaya ng p-pahinga lang, Clyde. Kasi h-hindi na rin natin kaya..."



Napaluhod na rin ako. Hinawakan ko ang mga kamay niya. Luhaan siyang tumingin sa mga mata ko. Dinala ko ang mga kamay niya sa aking mga pisngi. I want to feel his touch one last time. Before I leave... Before we leave this relationship behind.



"Clyde, hindi pa m-malalim ang pag-ibig natin para sa isa't isa. Kasi hindi tayo aabot sa ganito kung hindi mababaw, e. I'm sorry.. Pero ayoko sa ganito. 'Yun lang ba ang rason mo, hmm? Sabihin mo sa 'kin," mahinang pakiusap ko.



"I love you, Riri.. I love you, I'm sorry. I'm sorry for not being strong enough." I cried more when I felt his warm hug. He kissed my temple.. "I'm sorry..."



"Clyde, it's f-fine. Para naman 'to sa ating d-dalawa. Balang araw, kapag nagkita ulit tayo, y-yakapin mo 'ko tulad ng mga yakap mo noon. Mahal na mahal kita." Humiwalay na ako sa kaniya at mapait na ngumiti. "Aalis na ako. 'Di ko na kayang p-panoorin kang umiyak..."



"Ihahatid kita-"



"Magpapasundo nalang ako kay Pia. Huwag mo na 'kong ihatid, mas masasaktan lang tayo. Mag-iingat ka. Kapag may problema ka, p-puwede mo naman akong tawagan!" Tumango siya sa akin at kita ko kung paano niya pinilit ang sariling ngumiti. "Sabi ko naman sa 'yo, sasabihin ko ng ilang beses na mahal kita. Mahal na mahal kita, Clyde."



"Mahal na mahal din kita, Qamari. Nagsimula ang lahat noong nagkasabay tayo sa jeep. Hindi ko nga inakalang aabot tayo sa ganito. Pero kung kailangan talaga, ayos lang naman siguro, 'no?" Mahina siyang tumawa pero wala 'yong bahid ng tuwa. "Mawawala ka sa tabi ko pero hindi sa puso at isip ko, Qams."



Bumaba ang tingin ko sa baso. Nagsipag-unahan ang mga luha ko. Nilagok ko ang alak at ramdam ko ang pagguhit n'on sa aking lalamunan. Nag-order ulit ako. Luminga-linga ako sa paligid. Sa ilalim at gitna ng mga ilaw ay ang mga nagsasayang tao. Sumasayaw, sumasabay sa kanta, umiinom kasama ang kaibigan o ka-ibigan, at mga naglalandian.



Kumusta kaya si Clyde? Napalingon ako sa bartender nang ilapag niya sa harap ko ang panibagong baso. Nagpasalamat ako sa kaniya at unti-unti nang inubos ang alak. Ramdam ko na ang pag-ikot ng mundo. Pero hindi ako natinag. Kailangan kong ilabas lahat ng sakit. Tulad noong ginawa ko noon. Uminom ako mag-isa. Wala akong pinansin ni isa sa paligid ko. Nagpakalasing ako dahil nasasaktan ako.



"Are you trying to kill yourself?" Napaigtad ako sa gulat nang may bumulong sa tenga ko. Lumayo naman siya kaagad. Nilingon ko siya... Hindi naman siya 'yung katabi ko kanina. Nilingon ko ang katabi niya, iyon 'yung katabi ko kanina! "Is that her order? Give it to me, I'll drink it. She had enough. Even if she's a customer asking for another set of drinks, stop giving her drinks. Will you take responsibility if something bad happens to her?"



"Hoy! Akin 'yan! B-binayaran ko na 'yan, eh!" Pilit kong inabot ang isa ko pang order ngunit inilayo niya sa akin 'yon. "Akin na, p-please.."



"No. Woman, that's the last shot for you. You're obviously drunk. What the fuck are you on?" Napairap nalang ako sa pinagsasabi niya. Inubos ko ang huli kong alak. "Where's your boyfriend? Where are your friends?"



"I'm alone-"



"I'm gonna call Atty. Rivas-" Kaagad kong inagaw sa kaniya ang phone niya.



"No! H-hayaan mo na si Clyde... Sigurado akong n-nasasaktan pa 'yon. Kailangan niya ring magpahinga t-tulad ko. Hindi ko na siya boyfriend kaya hindi niya na ako responsibilidad, Ethan." I cried while looking at Ethan. He sighed heavily and nodded. I dialed Pia's number in his phone. "I'll call Pia. Magpapasundo na ako."



[Hello?] My forehead creased when I heard a different voice.



"Who's this? Pia? Where's Pia?"



[Pia? Who's this? This is Zelena. May I know who you are? Why are you calling me with Ethan's phone?] Napasinghap ako nang mapagtanto na namali ako ng pindot!



"I-I'm Qamari... Sorry, nakigamit lang ako ng phone kay Ethan. I clicked the wrong one, I'm sorry! Can I drop the call now?" I looked at Ethan. I pursed my lips together when I saw him watching me.



[Oh, can you please pass the phone to Ethan? I'll just talk to him for a bit, if that's okay.] Pinasa ko na kay Ethan ang phone niya.



"What the fuck? It's Zelena..." Nilapat niya sa tenga niya ang phone niya at nakipag-usap na kay Zelena. "I'll just send it to your personal email, sweetheart."



Sweetheart? Sila pala talaga. Hindi nalang ako umimik hanggang sa matapos ang pag-uusap nila. Parang nahimasmasan na ako. Kaya ko na sigurong umuwing mag-isa!



"I'll take you home." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Your place," he clarified.



"Okay, tara na." Bumaba ako mula sa high chair at muntik na 'kong madapa. Kung hindi lang nahawakan ni Ethan ang braso ko'y sumubsob na ako sa sahig!



"Can you walk?" Tumango ako sa kaniya. I'm a strong independent woman. Though he could say that I'm a drunk person right now.



Hinatid niya ako hanggang sa loob ng apartment. Kinuhanan niya pa ako ng tubig na tinanggap ko naman. Nakatayo lang siya sa harap ko habang ako'y nakaupo sa sofa.



"Ethan, sa tingin mo, kailan ako makakahanap ng lalaking hindi mapapagod magmahal sa 'kin? Si Clyde... Natakot siya para sa akin dahil sa trabaho niya. Napagod din siya at sa huli'y sumuko na. Gusto ko lang naman... maranasan 'yung mga n-nararanasan ng iba, ng mga kaibigan ko. Wala ba talagang para sa 'kin?" My tears began to fall.



"Maybe you need to love yourself first, Qamari. Stop looking for the 'one' and just wait for the right one to pursue you. Take a rest for the meantime." Tumango ako sa kaniya, umiiyak pa rin. "I'll go now. Are you going to be okay here?"



"Y-yes... Thank you, Ethan." I tried to smile at him but failed. Ethan nodded at me.



"If you need help, you can dial my number." Inilahad niya sa 'kin ang isang calling card. "Take care. Good night, Qams."



__________________________________

White Lies and SmilesWhere stories live. Discover now