"Your boyfriend texted me. Nagtatanong kung nasa'n tayo. Kung hindi lang siya nagtanong kung ayos ka lang, iisipin kong gusto niya ako." Natawa ako sa sinabi ni Clyde. Gosh, I cannot imagine Ethan liking this man! "Tara na, ihahatid na kita.""Maaga pa. Dito na muna tayo! Minsan lang ako makapunta sa dagat, e. Marunong ka palang maggitara? Nakita ko sa ig story mo nung isang araw."
"Yes.. Do you want me to play the guitar? I have my acoustic guitar with me." Nakangiti akong tumango. "Okay, wait here."
Tumayo siya at nagtungo sa parking area ng resort. Pinagmasdan ko ang isang pamilya na masayang naglalaro sa dagat. Balang araw, bubuo rin ako ng sarili kong pamilya kasama si Ethan. Mamumuhay kami nang simple.
Nang makabalik si Clyde ay dala-dala niya na ang gitara niya. Umupo ulit siya sa harapan ko at inayos ang gitara niya. Pinagmasdan ko siya habang ginagawa niya 'yon. Marami pa akong hindi alam kay Clyde. Marami pa... At plano kong alamin lahat ng iyon.
"What song? Request any song." Napaisip ako sa tanong ni Clyde.
"Pangarap lang kita. Kayo mo ba?" Tumango siya. "Marunong ka rin bang kumanta? Sabayan mo!"
Ngumisi siya, "Basta sasabay ka rin." Natawa ako pero tumango pa rin.
Sinimulan niya ang intro. Doon palang ay namangha na ako. Nagkamali siya kaya natawa siya at saglit na tumigil. Inulit niya ang intro, ngayon ay seryoso na siya. Naghintay ako na magsimula siyang kumanta. Hindi ko pa siya narinig na kumanta.
"Mabuti pa sa lotto. May pag-asang manalo. 'Di tulad sa 'yo, imposible. Prinsesa ka, ako'y dukha. Sa TV lang naman kasi may mangyayari. At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko oh aking sinta. Pangarap lang kita." Napakaganda ng boses niya. Huminga ako nang malalim bago sumabay sa tunog ng gitara.
"Ang hirap maging babae. Kung torpe 'yung lalaki. Kahit may gusto ka, 'di mo masabi. Hindi ako iyong tipong nagbibigay motibo. Conservative ako kaya 'di maaari. At kahit mahal kita, wala ako magagawa. Tanggap ko oh aking sinta, pangarap lang kita." Napangiti si Clyde nang matapos ko ang parte na iyon.
"At kahit mahal kita."
"Minamahal kita." Pabiro akong umirap nang bahagyang natawa si Clyde at umastang kinikilig.
"Wala akong magagawa."
"Walang magagawa." Sinabayan ko nang kaunting paggalaw ng ulo ang kanta.
"Tanggap ko oh aking sinta... Pangarap lang kita." Tumingin sa akin si Clyde. Napangiti ako at naghanda sa mga susunod na linya.
"Suīrán wǒ hěn ài nǐ. Wǒ méi fēnfā gàosu nǐ. Wǒ xīnzhōng yǐ yǒu oh qíng'ài. Dànshì shì wǒ de ài." Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ko ang linya na 'yon. Nagpatuloy kami hanggang sa matapos ang kanta.
"Ang ganda pala ng boses kapag kumakanta ka," komento ni Clyde. "Do you know how to play the guitar?"
"Hindi. Maiikli ang mga daliri ko, baka hindi ko abutin ang ibang chords!" Natawa siya ro'n at bumaba ang tingin sa kamay ko.
"You wanna try?" Mabilis akong tumango.
Tumayo si Clyde at lumipat sa tabi ko. Ipinatong niya ang gitara sa hita ko at iginaya niya ang aking mga kamay sa gitara. Tinuro niya sa akin ang basic chords. Madali ko naman iyong natutuhan kahit na medyo hirap ang aking mga daliri.
Nahapunan na kami ni Clyde dahil do'n. Nakatulog din ako sa byahe. Nang magising ako ay naawa ako bigla kay Clyde. Wala tuloy siyang kausap kanina. Inabot ko ang tubig sa backseat dahil nakaramdam ako ng uhaw. Pumasok ang kotse sa parking area ng isang mall.
"Sorry, kailangan ko mag-grocery. Dad will visit my condo kasi tomorrow. Mag-aalala nanaman 'yon kapag wala siyang nakitang groceries. But if you want to go home na, I can drive you-"
"No, ayos lang, Clyde. Sasama na ako sa 'yo. Alas singko palang naman. Tara!" Tumango si Clyde at tahimik na tinanggal ang kaniyang seatbelt.
Lumabas kami ng kotse at pumasok na sa loob ng mall. Dumiretso kami sa grocery at kumuha kaagad si Clyde ng big cart. Para akong batang nakasunod sa magulang. Pinahawak sa akin ni Clyde ang handle ng cart at pinatong ang kaniyang kamay sa kamay ko. Kapag liliko ay ramdam ko naman 'yon dahil sa kamay niya.
Sinilip ko ang listahan na nasa notes ng phone niya. Ang dami niyang bibilhin! Nagulat ako nang huminto kami sa section na pamilyar sa akin. Kumuha siya ng mga napkin pero kaagad din iyong binalik.
"Anong brand ginagamit mo?" nag-aalinlangang tanong niya sa akin.
"A-ah, iyan!" turo ko sa ginagamit ko. "Para saan ba? Sa mom mo? Kapatid? Girlfriend?"
"No. I just thought that you might want to visit my condo some other time. Put everything you need there..." Sa sobrang gulat ay napatango nalang ako. Para akong robot habang kinukuha ang mga kailangan. Napkins, panty liners, feminine wash, at wipes. "Soap.. Because I use a soap that's not mild. Baka masugat balat mo. Sorry if this sounds like I'm asking you to sleep in my condo or what."
"Ayos lang. Alam ko naman na hindi ito tungkol do'n. Babayaran ko nalang-"
"No, Qams. Wala ka naman sa condo ko araw-araw." Tumango-tango ako, sinasang-ayunan siya. Binili niya lahat ng kailangan at gusto niya. Ang dami niyang pera!
Nang matapos siyang magbayad ay hindi na kami naglibot-libot sa mall. Baka pagod na siya kaya sabi ko ay sa susunod nalang namin gawin 'yon. Pagkarating namin sa parking area ay saka lang namin napagtanto na malakas ang ulan. Hindi naman kami mababasa ngunit paniguradong madulas ang kalsada.
Malayo pa ang bahay ni Ethan... Tinext ko tuloy siya na baka matagalan ako. Kaagad naman siyang nag-reply at sinabing tatawag siya. Nang tumawag siya at sinagot ko ito, narinig ko na may kausap siya. Mukhang may ka-meeting sa laptop.
[Baby? Are you there?]
"Ethan.. Ang lakas ng ulan, e. Baka ma-late ako ng uwi. Mukhang delikado kasi kung ipipilit kong umuwi agad. Narinig ko nga ro'n sa kararating lang na mag-anak, baha na raw sa ibang lugar.."
[It's okay, I understand. Kasama mo pa ba si Clyde? Can I talk to him?]
"Ah sige, sandali." Inilahad ko kay Clyde ang phone ko. Tumaas ang kilay niya. "Gusto ka raw kausapin ni Ethan."
Tumango siya at tinanggap na ang phone ko. Lumayo muna siya sa akin ngunit ang mga mata'y hindi ako nilubayan. Lumapit siya sa akin at ibinalik ang phone ko.
[Baby, as much as I want you here now, I don't want you to risk your life. A friend told me that some roads are not passable right now. Clyde's condo is just around that mall. Just stay with Clyde for the meantime. If he does anything bad, tell me, okay? Naka-standby ako.]
"Okay.. Magpapahatid din ako kaagad kapag tumigil na ang ulan. Ingat ka." Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling dugtungan iyon.
[Okay, baby. Stay safe. I'll be contacting Clyde from time to time. I miss you and I'll miss you. End the call na.] Napanguso ako at sinunod nalang ang sinabi niya.
__________________________________

YOU ARE READING
White Lies and Smiles
RomanceQamari is an innocent girl who just wanted to work for her family. But she fell for a trap. The first born of the owner of Hernandez hospital came to rescue Qamari that night. He became her boss but not just the typical boss. They do things that ar...