4

852 23 36
                                    

TW: Slut-shaming | Stigmatization of Prostitution and Sex Workers



"Nay, hindi ko pa po kasi nakukuha 'yung pera. Pero susubukan ko pong tanungin ang boss ko kung p'wede akong mag-advance. Para saan ba, Nay? Importante po ba 'yan?" Sumandal ako sa pader ng banyo at bumuntong-hininga.



[Anak, wala ka bang tiwala sa akin? Importante 'to. Para 'to sa mga project ng mga kapatid mo.]



"Sige po... Kapag naka-advance po ako, magpapadala kaagad ako. Ilan po ba kailangan n'yo, Nay?"



[10k, anak-]



"Nay? Parang ang laki naman. Project lang, 10k? Anong klaseng project 'yan?" Napapikit ako, iniisip kung paano ko maibibigay ang hinihingi ni Nanay.



[Mahal talaga ang project nila, anak! Oh, ibababa ko na 'to at marami na tayong customer! Ingat ka riyan!] Hindi na ako nakasagot dahil ibinaba na kaagad ni Nanay ang tawag.



Napalingon ako sa mga pumasok na babae. Ngumiti sila sa akin kaya ngumiti rin ako. Lumabas na ako ng banyo ngunit hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na ang usapan nila.



"Si Qamari 'yon, 'di ba? Nakita ko siya sa party. Nando'n si Ethan at nilapitan siya ni Qamari. Guess what? She's a prostitute. She's one of those girls. God, inakit niya si Ethan! And she's living with Ethan right now. Grabe, that girl is using Ethan." Nagulat sila nang pumasok ako. Plastik na ngumiti 'yung nagsasalita kanina.



"I'm not using anyone. I'm not a prostitute, and even if I'm one of them, I wouldn't feel embarrassed. Hindi ko inakit si Ethan. As far as I remember, siya ang lumapit sa akin. My business is none of yours."



"Matapang ka pala, 'no? I'm Janella, Ethan's ex-girlfriend. Balita ko, boss mo si Ethan. So, binabayaran ka niya? But you're living with him. Everyday ka ba niyang ginagalaw? Oh my gosh! Kadiri naman. Parang binebenta mo ang katawan mo sa kaniya."



Maybe, Janella's right. Ethan's paying me in exchange of my body. I went home carrying a heavy pain. Dumiretso ako sa k'warto ni Ethan at humiga sa kama niya. Bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.



It's just unfair to me. How can I fall in love with him in just a short period of time? Why didn't I realize that he's paying me because he wants my body? He made me look like a fool. He did all of that without me noticing.



"Baby, I'm home!" I immediately wiped my tears with the back of my hand. "Are you crying? What's the matter? Did something happen, Qamari?"



"W-Wala... Nami-miss ko lang ang pamilya ko, Ethan." Umupo ako at tumingin sa kaniya. "Kakauwi mo lang ba?"



"We can visit your family this weekend," he said, ignoring my question.



"Ethan, mag-aadvance sana ako. Kailangan ko lang magpadala ng 10k kay Nanay. May projects daw kasi ang mga kapatid ko."



"Qamari, I just payed for the bills. I'm sorry but I can't-"



"Ethan, kailangan na kailangan na kasi, e. Kahit mag-overtime nalang ako!" He sighed and went to me. I held the comforter tightly when he kissed my forehead.



White Lies and SmilesWhere stories live. Discover now