Chairman of Hernandez Hospital, Dr. Eduardo Hernandez Jr., and his wife, Dr. Anastasia Hernandez, received their sentence today, following the imprisonment of Diana Perez."I found out that they've been using their power to manipulate things. They killed innocent people and fooled a lot. I won't go easy on them."
- CEO of Hernandez Hospital, Ethan Hernandez on the case he filed against his family
"Don't you have any regrets, Ethan? You fought against your family." I closed the article and faced Ethan. He looked at me and immediately shook his head.
"Family? The moment they ruined things, I stopped labeling them as family. Come here, my love." I transferred to his seat but he pulled me to make me sit on his lap instead. "Don't worry, I still have Edward. I have my friends. And I have you, Aia."
"I love you so much, Ethan. Thank you for helping me with the case. Nakamit na namin ang hustisya. Nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni tatay." Pinatakan ko ng halik ang mga labi ni Ethan, bagay na ikinangiti niya.
"Aia, you're the only woman who matters to me now. Share your sorrows, happiness, and love with me. I will never ever judge you." He said that while caressing my cheek.
I carried Clara's baby in my arms. He's getting bigger and heavier. My heart melted when I heard his little voice. He was giggling while looking at Ethan. I smiled while watching them. Clara's baby was holding Ethan's pointing finger. He giggled again when Ethan did a peek-a-boo.
The baby looked like someone we know. I just didn't ask Clara because it looks like she doesn't want to tell us. Maybe because it was the biggest regret she had. I won't blame and judge her though. I just know that she's happier now. Her smiles are no longer fake.
"Ano 'yan? Preparation?" Napalingon kami sa pumasok sa k'warto. It was Clara. "In fairness, bagay kayong maging mga magulang. Wala pa ba akong aabangang lumabas?"
"Wala pa, Clara. Nagpa-inject ako. We're taking it slow. Kung ako ang masusunod, gusto kong ikasal muna kami," sagot ko kay Clara. Ngumiti si Clara at nilingon si Ethan.
"May nagpaparinig na, oh. Malay mo may plano na 'yang si Ethan." Natawa si Ethan sa sinabi ni Clara. Nag-init ang mukha ko sa asaran nila. "Ay si ate girl, namumula. Kilig na kilig ka naman?"
"Spoiler," biro ni Ethan. Mas lalong nag-init ang mukha ko. Tawang-tawa si Clara habang kinukuha ang anak niya mula sa mga braso ko. Awtomatiko namang pumulupot sa beywang ko ang isang braso ni Ethan. Hinigit niya ako palapit at iginiya na palabas ng k'warto, sunod sa paglabas ni Clara.
"Pia! May ichichismis ako! Alam mo 'tong dalawa rito- Ay borlogs. Markus, ilipat mo na si Pia sa k'warto. Mamaya pa naman matutulog 'tong anak ko at kagigising lang. Mukhang pagod na pagod 'yan, ah. Huwag mo na dagdagan ha, easy ka lang." Sabay na natawa sina Markus at Ethan. Hindi ko gets. Ano raw?
"Clara, mauuna na kami. We need to go somewhere pa." Napalingon sa amin si Clara. Tumango siya at ngumiti. Ethan tapped Markus' shoulder before nodding politely at Clara.
"Thank you! Ingat kayo!"
Ethan parked his motorcycle in front of me. He put a helmet on my head. I fixed myself before sitting on the space. Ethan was holding my hand for support, so that I won't fall. I encircled my arms around his waist as he started the engine.
Gabi na at wala na masyadong sasakyan sa daan. Mabilis ang pagpapatakbo ni Ethan. Noong una ay nabalot ako ng takot ngunit 'di kalaunan ay naisip ko na mas mabuti na rin 'yon. Mas maaga kaming makakarating sa pupuntahan namin sa ganoong paraan.
Wala pang araw nang makarating kami ni Ethan sa sementeryo, kung saan nakalibing si tatay. Binuksan ni Ethan ang flashlight ng kaniyang cellphone dahil hindi sapat ang mga ilaw ng sementeryo. Nang mabasa ko sa isang lapida ang pangalan ni tatay ay huminto ako. Sinindihan ko ang kandilang dala-dala ko at nilagay 'yon sa lapida ni tatay.
"Tay, kasama ko po ngayon 'yung lalaking madalas na laman ng mga kuwento ko sa inyo. Siya po ang tumulong sa atin na makamit ang hustisya... Alam n'yo po ba? Nag-away kami ni nanay. Nagalit siya sa 'kin dahil pinaglaban ko si Ethan. Pero hindi ko po 'yun pinagsisihan. Mahal na mahal ko po si Ethan." Naramdaman ko ang pag-upo ni Ethan sa tabi ko. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at bahagya iyong pinisil. "Mahal, si tatay nga pala. Noong hindi pa kita nakikilala, si tatay ang sandalan ko. Sinusunod niya lahat ng gusto ko. Prinsesa nga raw ako ni tatay, e."
"Tito raised a strong lady." Ethan smiled at me. "Tito, ako na po ang bahala sa prinsesa ninyo. Ituturing ko po siyang reyna. I'm a puzzle, she is and will always be the missing piece. No one can complete me but only her. I'm loving her without a limit."
"I love you, tay. Babalik po kami. May inaayos lang kami ngayon. Kapag maluwag na ang lahat, babalik kami rito. Bibisitahin din namin si nanay at ang mga kapatid ko. Aalis na po kami ni Ethan. May mga aasikasuhin pa po kasi kami-"
"Qamari..." Natigil ako sa pagsasalita nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. "Anak... Patawarin mo ako.."
Tumayo ako at hinarap si nanay. Kasama niya ang mga kapatid ko. Naramdaman ko ang pagtayo ni Ethan sa likuran ko.
"Nakamit na natin ang hustisya. Sana naman... Sana matanggap n'yo na ang lalaking naging sandalan ko nang mawala si tatay. Siya ang uuwian, babalikan, at mamahalin ko bukod sa inyo. Ni minsan hindi ko pinili ang sarili kong kaligayan... Hindi ko kayo pinabayaan.. Alam ni Ethan 'yan." Humawak si Ethan sa beywang ko nang marinig niya ang paghikbi ko.
"Qamari, patawarin mo si nanay.. Naunahan lang ako ng galit. Hindi ko lang matanggap noong una na minahal mo ang anak ng mga taong sumira sa buhay natin. Pero ngayon tanggap ko na. M-mabuting tao nga si Ethan. Masaya ako para sa 'yo, anak. Hahayaan kitang mamuhay kasama siya. Hindi ako magiging hadlang. Ethan, pasensya na at salamat sa lahat. Ingatan mo ang anak ko. Kapag hindi mo na kayang alagaan si Qamari, ibalik mo siya rito nang maayos. Iyon lang ang pakiusap ko. Mahal ko kayong dalawa. Salamat.." Nagulat ako nang lumapit sa akin si nanay at hinalikan niya ang aking pisngi. Niyakap ako ng mga kapatid ko pagkatapos n'on.
"N-nay, sa Maynila na rin po kayo tumira. Doon muna po kayo sa apartment ko. Papagawan ko po kayo ng bahay-"
"Anak, okay na kami rito. Mag-ipon ka nalang para sa sarili mo. Nakahanap na rin ako ng magandang trabaho. Malaki ang nakukuha ko. Sigurado na ba kayo na babalik na kayo sa lungsod? Hindi pa ba kaya pagod?" Nilingon ko si Ethan. Umiling siya at bahagya akong tinaasan ng kilay.
"Hindi rin po ako pagod. Saka may kailangan pa po kasi kaming asikasuhin. Babalik nalang po kami rito, nay. Bakit nga po pala kayo nandito? Ang aga pa po.."
"Ate, kausap ko kasi si kuya Ethan. Sinabi niya sa akin na dadalawin ninyo si tatay. Nadulas ako kay nanay, e." Napakamot sa ulo ang kapatid ko. Napangiti na lamang ako.
"Ingat kayo, anak." Niyakap ko si nanay bago hinayaan si Ethan na magpaalam sa kanila.
__________________________________
YOU ARE READING
White Lies and Smiles
RomanceQamari is an innocent girl who just wanted to work for her family. But she fell for a trap. The first born of the owner of Hernandez hospital came to rescue Qamari that night. He became her boss but not just the typical boss. They do things that ar...