Chapter 24

313 14 0
                                    

Hailey'S POV

Andito ako sa Condo ko habang tinititigan Ang picture ni Eros sa Instagram nya. Hindi ko mapigilang mapangiti at maalala Yung Time na Una ko syang Nakita.

Flashback:

"You Fr*ak! Napaka Hina mo talaga!".
"You're the reason Kung bakit natalo Tayo!".
"Dapat Hindi kana sumali! Looser ka talaga Hailey panget!".

Sigaw saakin ng mga ka Team ko after naming matalo sa Higitan ng Lubid.

"I-I'm Sorry!". Umiiyak na Sabi ko.

I am grade 3 that time and I am supper weak since then till now. Lagi nalang Akong na- bubully even my Own sister hated me.

"Wag ka nang sumali samin sa susunod! Nakakairita ka Hailey!". My Classmate shouted.

"Mag laro nalang Ulit Tayo! Pabayaan na natin siya!". Anas ng Isang batang babae. Napaka Ganda nya.

Nanatili ako sa kinauupuan ko habang pinanonood silang maglaro. Napaka saya nila samantalang ako ay walang gustong makipag laro.

"Are you Okay?".

Nilingon ko Ang batang lalaking lumapit saakin. Ang kapal ng kilay nya pero Bagay iyon sa kanya. Napaka puti nya at naka suot sya ng itim na Polo.

"O-Oo okay Lang ako". Sagot ko Bago ako ngumite sakanya.

"You shouldn't allow them to treat you like that.. I saw everything and I think you did great earlier sa laro nyo". Nakangiting Sabi nya saakin.

'A-Ang bait Naman nya at Ang Cute nya mag Smile'.

"I-Ikaw bakit Hindi ka nakikipag laro sa Mga kaibigan mo?". Tanong ko dito.

"I don't have friends.. I don't want to have one". Nakangiwi nyang Sabi.

"Huh? Bakit Naman?". Takang tanong ko.

"Wala lang.. Tinatamad lang akong makipag kaibigan sa Mga Bata dito sa park. Mga Salbahe Kasi sila eh". Nakanguso nyang Sabi.

Mariin akong tumawa.

"P-Pwede ba Tayo nalang Ang maging magkaibigan?". Nahihiyang tanong ko.

"Hmm.. Ayoko nga!". Aniya.

"H-Huh? B-Bakit ayaw mo?". Malungkot Kong tanong.

"Kasi ayaw ko ng kaibigang iyakin. If you promise me that you never cry anymore then sure.. You can be your friend".

Napatingin ako sa kanya Bago ako marahang napangiti. Pakiramdam ko ay tumatalon Ang puso ko sa Tuwa.

"Meron ka na bang babaeng Gusto?". Nahihiya Kong tanong habang nakasilip sa Mukha nya.

"May babae na akong gustong pakasalan pag laki ko". Masayang aniya na ikinalungkot ko.

"S-Sino sya?". Naiiyak na tanong ko.

"Secret". Nakangiting Sabi nya.

"G-Ganun ba?". Malungkot akong yumuko. "Ano nga palang pangalan mo?".

"My name is Eithan Ruis Ortis pero Eros Ang tawag nila saakin". Aniya.

"Ako Naman si--------".

"Eros.. Halikana umuwi na Tayo". Tawag sa kanya ng Isang batang babae. Sya Yung Magandang Bata kanina.

'Sya Kaya Yung gustong pakasalan ni Eros?'.

I sadly look at them.

"Okay.. aalis na ako!". Anas ni Eros Bago tumakbo papunta dun sa tumawag sakanya.

"H-Hailey Ang pangalan ko..". Malungkot Kong Sabi pero Hindi nya nayun narinig pa.

End of Flashback.

Yun Yung Una Kong Nakita si Eros and after nun Araw-Araw na akong pumupunta sa park pero never ko na syang Nakita dun. Nabalitaan ko na pumunta na sa US Yung Family nila Eros. Sobrang nalungkot ako nun pero Sobrang Saya ko Nung Grade 6 Kasi bumalik ulit sila dito sa Pilipinas.

'Doon nag Umpisang tumibok Ang Puso ko para Kay Eros'.

But sad to say Hindi na ako natatandaan ni Eros nang Bumalik sila. Napakarami ng gustong makipag kaibigan sa kanya at bukod dun Hindi na sya palangite tulad ng Dati. Lagi nang naka kunot Ang noo nya at salubong lagi Ang kilay.

Pretending To Be My Weak Twin-Sister {S1 COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon