Beginning

410 9 1
                                    

Falling for you.

Hindi ko mapigilang umirap. Falling for you his ass! Sino kaya minimean niya dito? The last time I stalked him, 'Default' pa ang bio niya dito sa Instagram. Paanong Falling for you na? I wanted to ignore this insecurity that spreading in me but I can't. Ok lang sana kung ako ang tinutukoy. Ang kaso ay malabo. He didn't even know I existed.

I sighed. A vivid memory started to play in my head. Logan and other basketball players played this friendly competition, kasama ang ibang university. The game was held inside our gymnasium. Of course, kapag basketball ang usapan, marami talagang babae ang nanonood. And just like the usual, nag halo halo ang mga babae coming from our school at sa kalaban ding school. I would not come kung hindi lang player si Logan. Kaso player siya and it's my time to make him notice me.

Nanalo sila. Bumili ako ng mineral water para sana ibigay sa kanya. Nakapasok pa ako sa loob ng gym para lumapit sa bleacher nila. And I swear to God, nakita niya ako. Ngumit pa nga pero nang lumapit ako sa kanya, ngiti ngiti pa, nilampasan niya lang ako. Naiwan sa ere ang kamay ko na may hawak na mineral, ibibigay ko sana sa kanya. Napaawang ang labi ko sa ginawa niya. Chilled feeling ran down my system as he ignored me. That's the last time I assume na ako ang ngitian niya. Hindi siguro ako yon. Ang dami pa namang babaeng pumasok din sa loob.

"Hi, Eleanor!" bati ng isang player din nang maibaba ko ang kamay ko. Hilaw akong ngumiti sa lalaki. Gusto kong lingunin kung saan ba pumunta si Logan pero hindi ko kaya. I'm so embarrassed to even glance at him.

"Sino pinuntahan mo dito?" mabait na tanong ng lalaki.

I bit my lower lip.

"Ugh, wala naman. May tubig kana?" tanong ko na lang.

Bigla siyang natigilan. He eyed someone at my back pero agad ding bumalik ang mata sa akin.

"Mukhang ubos na ang tubig namin. Bakit?... ibibigay mo ba yang dala mo?" pa-joke niyang tanong. Tumawa siya. Tumawa rin ako para maitago ang kahihiyan sabay lahad ng mineral water na dala ko. Thanks to that guy I had successfully left the gym, less embarrassed nang sinabayan niya akong lumabas.

I rolled my eyes when I saw my phone again. Nakaopen pa at naka display ang Falling for you. I gritted my teeth. Logan Marquez, you're such a jerk! Hindi mo man lang ako mapansin pansin.

Maybe I was too irritated dahilan kung bakit nag temporary disabled ako ng account. Ngumuso din ako matapos. Mamimiss kaya niya ako? Pero paano na naman niya ako mami-miss? Hindi nga niya ako naka follow! That jerk!

"Ma'am, nasa tapat na po tayo ng school niyo."

Napaangat ako ng tingin sa driver. Iginaya ko din ang mata ko sa labas.

"Sige po, manong. Thank you."

It's funny I was in the right mood earlier but after reading that simple 'falling for you', my mood turn into sour. Good job Logan! Ang galing mo nga naman at simple bio mo lang, ang lala ng impact.  Paano na ako makaka chismis sa buhay mo? I just disabled my account!

"Eleanor!"

Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses. That familiar high pitch voice belonged to my best friend Phabe. Tumatawa siyang lumalapit sa akin.

"Sama ka mamaya?" tanong niya ng nasa gilid ko na siya. Agad din niya akong sinabayan nang naglakad ako.

Umirap ako. "Ayoko! Wala ako sa mood."

"Sure kang hindi ka sasama? Hindi mo pa alam kung saan, ayaw mo na?" tukso niya. She has this tone na nagsasabing kakainin ko din ang sinabi ko.

Napatingin ako sa kanya. "Saan ba?" medyo irita kong tanong. I don't know if she noticed the slight irritation in my voice but she didn't show it if she did.

Hating Him (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon