Chapter 13

117 8 1
                                    


After meeting Logan inside HA, hindi ko na siya madalas makita. Kaya siguro mas lalong lumalala ang galit at inis ko kay Harden. I'm thankful I'm still able to text Logan pero hindi ko makalimutan 'yong itsura niya nang higitin ako ni Reany paalis. He was kind of disappointed. It hurt me thinking that he drove all the way to HA just to see me but ended up not spending his time with me.

I know Reany was not at fault dahil si Harden naman ang naghahanap sa akin. Kaya nga inis na inis ako.

And when the school announced that the school will have to be suspended dahil may major renovation, grabi yong saya ko. I planned things I wanted to do with Logan. But then luck isn't with me this time either. Sumusubra na!

"Mom! I don't want to come! I have plans." I walked back and forth while Mom was sitting on our couch. My breath started to get unstable, my hands were close tightly.

"Elea, you have to come. It's an event para lang sa mga business partner ng boss ng Dad mo. Lahat ng anak ng business partner nila ay inimbitahan." Si Mom in her strained voice.

I stopped walking and threw her a glare. I sighed annoyingly when I could feel tears forming inside my eyes. "Mom, business partner you said. We aren't their business partner. Employee lang nila si Dad. I don't see the reason why I need to come!" irita kong sigaw. Akala ko naman, quota na si Mom kakaaway sa akin. Hindi pa pala. Gosh! I'm sick of this scenario. Paulit ulit na lang!

"You will come. It's just a week vacation, Elea. Hindi mo ba mapagbigyan ang Dad mo?" Tumayo siya. She eyed me disappointingly before she left. Pumanhik siya sa itaas. Naiwan akong nakaawang ang labi.

I scoffed. I can't believe this! Wala na ba akong karapatang controlin ang buhay ko? They didn't even provide me with reasons why I had to come. Tanginang business partner.

Hindi ako nag impaki kahit sinabi ni Mom na buaks na kami aalis. Kamasa si Fiona actually but I still don't want to come. Mas gusto kong makasama si Logan.

Pero pagpasok ko sa room ko galing sa labas ay nakahanda na ang mga maleta ko. Hinanda na ni Yaya para sa akin. Mas lalo pang nadagdagan ang irita ko.

Hindi ako nag dinner. Pero who am I kidding. Sempre, wala silang paki. Hindi pa nila ako pinuntahan ng malaman nilang wala akong balak kumain. Nang mag 12 at nagrarambulan ang tiyan ko ay napilitan akong bumaba at kumain.

The next day, may pinuntahan sina Mom at Dad. Napapairap na lang ako, coz I know they went out early para hindi ako makasalamuha. They know I will throw tantrum again. Palagi naman!

Edward was trying to lift my mood up pero hindi siya nagtagumpay. Hindi ko siya kinikibo kahit nong dumating ang SUV nina Fiona para sunduin ako. Sabay kaming pupunta sa private island na gaganapan ng shit na vacation.

"Ate... Mom has reasons for this. Please don't get too angry with her. She's still our Mom, hmmm..." sabi nito nang papalabas na ako daladala ang dalawang maleta. I just rolled my eyes at him.

Reasons? I don't see any reason why she's doing this. Aside from, she's using me to be close to this Guevera na sana ay hindi nga totoo. At isa pa, naiinis ako dahil natatamaan ako sa mga pinagsasabi nong mga babae nina Wyatt at Theo. Coincide na coincide ang usapan nila sa situation ko. Sinabi naman ni Mom na hindi totoo ang narinig kong gusto niya akong ipalapit sa Guevera na yon at gusto lang nilang magkaroon ako ng good education pero kahit na. Naiinis parin ako. I feel like they're lying!

Nakatulog kami pareho ni Fiona sa byahe. May nagda-drive sa SUV nila at ng nasa hotel na kami ay saka lang ako nagising. We check-in to this luxurious hotel for one night. Muntik pa kaming maubusan ng room dahil sa maraming nagche-check-in din. Halos lahat ay kilala ni Fiona. Napapairap na lang ako. Mukhang magkaka-business partner nga ang lahat ng nandito. Why am I even here?

Hating Him (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon