Buong weekend ako nagkulong. I want to call Phabe and tell her my situation pero hindi ko magawa. Mom confiscated my phone and I was grounded. I tried to divert my attention by studying but I can't focus. Palaging natutulala lang ako. I can't believe my life in SL ended so fast. Hindi pa nga kami naging ni Logan at siguro hindi na nga yon mangyayari pa!
I cried hours an hours but since I am at fault too mabilis ko lang ding natanggap lahat ng ginagawa ni Mom.
When Monday came, sinamahan niya ako. I'm driving my car while our SUV trails behind me. Nakahinga din ako nang pagpasok ko sa loob ay hindi sila tumuloy. Dumeretso lang ang kotse at nilampasan ang school.
I sighed deeply. Kinuha ko ang pang disguise ko at saka sinuot. I was conflicted if I should still continue my facade pero naisip ko, ibabalik ko lang kay Harden ang polo niya saka ako titigil. And I want to know if he has something to do with what happened. Sinabi naman ni Mom na naghired siya ng imbestigador, but I feel like she was lying. I feel like someone gave her that information. Someone na may galit sa akin. And I don't know... I feel like it was Harden who made it. Or baka rin may gusto akong sisihin sa mga nangyayari at kay Harden ko gusto isisi 'yon?
Dahil siguro sa nangyari sa cafeteria last week kaya nag-iba ang tungo sa akin ng mga student. Ewan ko, hindi na nila ako nilalait at hindi na ako pinagtutuunan ng pansin. I even heard a faint whisper saying na hindi na dapat nila ako pinapansin at baka mapasama sila sa galit ni Harden.
My two subjects in morning passed normally. Walang pamamarinig at walang nanlalait. The only problem was my score in exams.
Shit lang, bakit pa nila ibinalik? I saw my papers with a red 'F' scribed on top. Nanlumo ako. Hindi ko matanggap na ganon. Natutulala lang ako sa papel ko. I was used to have higher grades... Paanong fail na ngayon? Ang bobo ko ba?
Natapos na lang ang dalawang subjects ng wala ako sa sarili. I can't accept my scores. Lalo pa't nakita ko ang unahan ko na malaki ang sa kanya but she concluded that she has the lowest score among us. I bit my lower lip and hid mine. Nanliliit sa sarili.
Nagpaiwan ako sa room nang mag lunch break. I don't feel hungry. I start to doubt myself. Naisip ko lahat ng achievements ko sa San Luis at feel ko hindi ko deserve ang lahat ng 'yon.
I let my little sobs when I'm sure no one was around. Pinatong ko ang ulo ko sa table ng upuan at doon umiyak.
Ang bobo ko ba?
Hindi ko alam ilang minuto akong nasa ganong posisyon... Crying just because the school slapped me that I'm a disappointment. Natigil lang ako nang biglang may pumasok sa loob. I immediately wiped my tears away... but then again, I know my puffy eyes were not visible dahil naka disguise naman ako.
"Pinapatawag ka ni Harden sa cafeteria," inis na sabi ng lalaki nang nasa tapat kona siya.
Binalingan ko ang paper bag sa tabi ko. Naisip kong baka kukunin niya ang polo niya.
Mahina akong sumama sa lalaki. Umalis lang siya nang nasa tapat na ako nina Harden na matalim na ang titig sa akin. I just sighed. Him eyeing me with his disappointed gaze triggered my doubt about myself. Disappointment nga siguro ako. Pati nga si Mom disappointed sa akin.
"Here's your polo..." mahina kong sabi.
I saw him raise a brow. Hindi niya kinuha ang paper bag. Humiliation spread in me like a wildfire. This is the same familiar feeling when Logan ignored me when I was about to give him the mineral water. Matagal kong inilahad sa kanya pero hindi niya talaga kinukuha. Binaba ko na lang sa table nila. I heard some mock laughter around us. Agad akong napatungo. Nanliit sa sarili.
BINABASA MO ANG
Hating Him (COMPLETED)
عاطفية[Harden Academy Series #2] Eleanor Sofia Cortez, the social butterfly of S.L University -- had an extreme crush on Logan Marquez -- the school women's fantasy. Eleanor could easily catch everyone's attention but not Logan's. But then, It was when...
