Chapter 1

452 12 0
                                        


Kahit anong pilit sa akin ni Phabe ay hindi ako uminom. Kahit isang sip pa yan. Ganon ako sumunod nang sinabi ni Logan na hindi niya gusto ang babaeng umiinom at nagpaparty. Kaya rin kahit anong alok sa akin ni Phabe na magsayaw dahil may sayaw na nagaganap sa bahay nina Marisa ay hindi ako sumama. Kaya wala siyang nagawa at nakaupo lang siya kagaya ko. 

I heard Phabe snort. “Inimbita kita para sana mag enjoy tayo! Kung alam ko lang na uupo lang tayo magdamag, sana hindi na lang tayo pumunta!”

I ignored her.

“Hindi naman tayo makikita ng Mama mo, Elea. Bakit biglang naging santo kana?” Ngumuso ako ng hindi pa rin siya tumitigil. 

Umiinom naman ako kahit papano, nagpa-party din minsan pero hindi na siguro yon mangyayari. Sinabi ni Logan na ayaw niya sa mga ganong babae kaya hindi ko gagawin. Iginaya ko ang mata ko para hanapin siya sa mga bisita. Hindi ko pa siya nakikita simula nang dumating kami sa party. 

Pero agad nangunot ang noo ko nang makitang kausap siya ni Marisa. My brow raise as I saw them laugh at each other. Ramdam kong nawawala na naman ako sa mood. 

“Magkakilala ba si Marisa at Logan?” Hindi ko gustong maging tunog irita pero hindi na yon maiiwasan lalo pa't si Logan yon. Umirap si Phabe bago niya nilingon ang tinitignan ko. 

“Of course. Kaya inimbita ang mga engineering dahil kay Logan. May gusto si Marisa dyan sa Logan mo kaya niya inimbita ang lahat ng engineering… para hindi halatang si Logan lang ang inimbita niya.” Hindi pa rin maganda ang tono ng pananalita niya. Inis parin siguro dahil hindi niya ako mapilit. 

I glared at Logan. Now I don’t know if that Falling for you is really for me. The way he laugh with Marisa irritates me.

Nagpatuloy si Phabe sa mga rant niya dahil hindi niya ako mapapayag uminom o magsayaw.

I rolled my eyes. “Wag mo nga akong sungitan! Ito na at iinimon na!” inis kong baling kay Phabe. She immediately laughed at that.

Pumunta kami sa kitchen at nakita namin ang maraming drinks na nakahanda. Agad niya akong binigyan ng basong may alcohol nang makitang wala akong planong kumuha ng akin. 

“Cheers to your blooming love life!” tumatawang sabi nito. Ngumiwi ako. Hindi talaga maganda ang disposition ko sa nakita. Bakit ba ako nag assume? Shit! Gusto ko na lang umuwi. This is the same feeling when he ignored me and my mineral before.

Hindi ko pa naiinom ang binigay ni Phabe nang napalingon kami sa bandang entrance ng kusina. 

“I thought you’re not drinking? What are you doing?” biglang sulpot ni Logan. Nagulat ako at agad na naibaba ang basong hawak ko. He raised one of his brow. His jaw clenched as he eyed the drink. He seemed disgusted at the sight. 

“Ayy... sorry, Logan. Pinilit ko kasi siya. Hindi ko alam na pinagbawalan mo pala?” Bumaling sa akin si Phabe with her knowing look. 

“Tss… hindi ko siya pinagbawalan. She told me she isn’t allowed to drink,” suplado niyang sabi. I pursed my lips. Hindi naman ako iinom kung hindi lang ako nawalan ng gana. And who's fault is that?

“I changed my mind. Hindi na ako iinom.” Medyo inis ang boses ko. Lumabas ako ng kitchen at iniwan sila doon. Nilampasan ko lang si Logan kahit nakataas na ang kilay niya at medyo umangat ang gilid ng labi.

Dumeretso ako sa labas ng gate nina Marisa. I should just go home. Baka malabag ko pa ang bilin ni Mom and I should be a good girl. 

“Uuwi kana? Ihahatid kita.” 

Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang boses. Umirap ako. Sumunod pa siya! Asan na ang Marisa niya?

“Yes, it’s almost nine… I can go home by myself. Thank you!”

Hating Him (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon