Chapter 7

129 6 0
                                    


Halos hindi na rin ako nakapasok sa SL dahil sa sobrang daming inasikaso. Akala ko yong pagpapaperma lang ang kailangan kong balikan doon. Hindi pa pala. Aunt Janine want me to have syllabus of every subject I have para may guide daw ako kung ano ang susulpot sa exams. I told her nakikiset in naman ako sa dati kong school and that I know at some point I can answers the exams pero hindi siya pumayag. The Harden is way different from SL daw.

Kinailangan ko tuloy bumalik. And guess what, she hired a tutor for me. Gosh, she insisted I need it dahil mahirap ang bawat exams. Napapamura na lang talaga ako sa isip habang nasa mansion nina Fiona. Hindi pwede sa bahay dahil malalaman nina Mom.

"Hija, ayaw mo ba sa HA?"

Natigilan ako sa pagsasagot nang marinig ko ang tanong na yon ni Tita Elena, mother ni Fiona na kapataid ni Mom. Napalingon ako sa kanya. She was wearing a white dress kahit nasa bahay lang naman.

Mahina ako lang tumawa. Shit, hindi ko alam ang isasagot. Did she know my situation?

Na-realize niya sigurong kinakabahan ako kaya tumango siya for assurance.

"Alam ko ang ginagawa niyo ni Fiona. I'm not going to tell your Mom. But you have to understand why she is doing this."

Nakahinga ako ng maluwag. I'm not close with Tita Elena kasi nga mayaman sila. And I can't relate to their talks sometimes. But she is close with Mom. Pati si Tita Diana, mama ni Dylan.

Hindi ako nagsalita.

"Hija, I know my sister. She's not doing this if she has no valid reason." Tukoy niya kay Mom.

"Hindi ko alam ang reason niya, Tita," walang gana kong sagot. Ibinalik ko ang mata ko sa notebook ko. I heard her sigh kaya napabaling ulit ako sa kanya. I saw her conceal her worry bago niya natago ang emosyon.

"She just wants you to have a good education, hija." Hindi na tumingin si Tita sa akin.

Umirap ako. As if that's really what she wants. For all I know, she wants me to have a social life or worse to have suitors. How sick!

Umupo si Tita Elena sa couch kung saan ako nagsasagot. Tahimik lang ang tutor na kinuha ni Aunt Janine.

"Did you teach her all the topics in the syllabus?" tanong ni Tita sa babaeng hired tutor. The tutor was sitting just beside me as to why I felt her shift her weight. Napatingin ako sa kanya.

"Y-yes, Mrs. Ortega." agap niya.

I spent my whole week studying and reviewing. Aunt Janine wants me in the Ortega's mansion para daw maka focus ako. Yong hired tutor ay palagi ding pumupunta. Tito Frederick is always busy with their business kaya minsan si Tita Elena lagi ang tumitingin kung nagse-seryoso ba ako. Shit lang ha! I can't even hold my phone.

Aunt Janine assign a maid para bantayan ako. Kapag daw iba ang ginagawa ko ay isusumbong nong maid kay Tita Elena para mapagsabihan ako. Imagine how annoyed I am the whole week! Damn, It stresses me out big time!

Ang malala, bakit ako lang ang need ng tutor? How about Fiona? Just because she is attentive in school doesn't mean she doesn't need one. Or is it minamaliit nila ang SL University kaya nila ginagawa 'to? Kasi alam nila na pumapasok naman ako pero kailangan pa rin ng tutor?

Time flew fast. Hindi ko namalayang Monday na ulit. Pumunta ako nong weekends kina Fiona para e-review ang lahat ng subjects ko pero iba ang atmosphere na nadatnan ko. Dana ang Fiona were sprawled on a couch studying so seriously na ikinahiya ko. I never studied that serious. That's where I realized iba nga talaga ang HA.

And it prove me more now dahil nang pagpasok ko sa room ay lahat nasa notes ang mata. Walang pumansin sa akin and that's unusual. I was dressed in a nerd outfit but they acted like it was nothing. Like it wasn't a big deal when in fact it was.

Hating Him (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon