Pagdating namin sa apartment ay agad nag ayos si Ferah ng mga gamit namin. I realized I was disturbed at what I've heard between Dylan and Edward. Pero hindi ko naman magawang magpakita. There's just something stopping me from going out. Two years of not seeing them, and almost two years of forgetting them changed something in me. Parang ang layo ko sa kanila. It didn't help that I was somehow blaming them for what happened to me. Especially my parents.
"Sige po, Madame," paalam ni Ferah sa katawag.
Agad napaangat ang tingin ko sa kanya ng mapagtantong si Mommy ang katawan niya.
Kumunot ang noo ni Ferah nang tingnan niya ako. "Hindi mo daw sinasagot ang cellphone mo? Mukhang stress si Madame dahil hindi ka daw sumasagot."
"Huh?" Hinanap ko sa table ang cellphone ko dahil palagi ko naman yong dala kahit saan ako magpunta. Kaya lang nang wala akong makita ay napagtanto kong naiwan ko sa kwarto. "Shit! Naiwan ko sa kwarto. Bakit daw tumatawag?"
"Anong bakit tumatawag? Ang tagal niyang hindi nakatawag tapos hindi ka daw sumasagot nang tumawag siya. Galit ata yon, Sheona!" banta niya. Umupo siya sa unahan ko para kumain na din. She then sighed when she realized something. "Pansin kong kanina kapa tulala dyan. Wag mo ng alalahanin ang nangyari kanina. Wag ka nalang umulit."
I nodded and sighed. I shrugged the thoughts that keep on bothering me. Nangangalahati na ako sa kinakain ng biglang nagsalita ulit si Ferah.
"Hindi nga pala tayo makakabalik sa Australia bukas. Sa makalawa na daw sabi ni Madame para siguradong wala na ang mga bisita."
Matapos akong kumain ay dumeretso ako sa kwarto. Kaya pala hindi ko naririnig ang mga tawag ni Mommy ay dahil naka silent parin ito. Tinanggal ko ang pagkaka-silent.
Tumawag ulit si Mommy ng gabi. Medyo nagtatampo nga dahil hindi ako ma contact noong umaga at tanghali. Matapos ang lintanya niya ay ipinaalam niyang hindi nga kami matutuloy bukas. Sa makalawa na daw para siguradong nakaalis na ng tuluyan ang mga bisita. They believed Millicent and they seemed disappointed when they saw her. Rinig na rinig ko ang tuwa sa boses ni Mommy habang nagkukwento siya. She was like an evil witch that finds happiness when her enemy suffers. Ganon ang tunog ng pagkatuwa niya. At some point, natutuwa din ako sa mga nangyari sa Australia. Kung hindi lang sumasagi sa isip ko ang kapatid ko ay baka pa nag celebrate na ako.
"Sige, Mommy. Goodnight. I'll see you the next day then!" pagtatapos ko ng tawag namin. Huminga ako ng malalim at napatulala sa ceiling.
Kinabukasan ay nagising lang ako nang gisingin ako ni Ferah. Nakapag luto na siya ng agahan at baka lumamig daw kaya gising na ako kahit tulog pa.
"Iyong mga bodyguard ba, Ferah… paano sila nakakakain?" tanong ko ng pasimula na akong kumain.
Natigilan din si Ferah sa pag subo. "Marunong silang mag luto para sa sarili nila."
I nodded. "Ano gagawin mo ngayon?" tanong ko ulit.
"May bibilhin akong bilin ni Madame. Maiiwan ka muna dito."
Agad nangunot ang noo ko. "Sasama ako. I can't stay here."
Thinking about staying here for another day started to stress me. Dapat ay ngayon nalang kami bumalik sa Australia eh. Why the delay?
Pabalang na suminghap si Ferah. "Hindi pwede, Sheona. Kita mong muntik ka nang makita ng Lola mo kahapon. Ako talaga ang malilintikan kay Madame pag naulit pa iyon!"
I shook my head. "I swear alam ko ang pasikot sikot dito. Beside, I'm thinking of shopping too kaya hindi tayo dito mamimili. May alam akong shopping mall na malayo dito."

BINABASA MO ANG
Hating Him (COMPLETED)
Romance[Harden Academy Series #2] Eleanor Sofia Cortez, the social butterfly of S.L University -- had an extreme crush on Logan Marquez -- the school women's fantasy. Eleanor could easily catch everyone's attention but not Logan's. But then, It was when...