Chapter 3

304 10 0
                                        


Hindi malala 'yong sugat ko pero medyo malalim. I’m not sure if it will leave scars but I hope it didn’t. Nilagyan ko lang ng betadine tapos ay gauge. Kita kong namula ang gauge dahil sa dugo pero hinayaan ko lang. Nakatulala lang ako sa living area, thinking how my life in Harden Academy will be. Hindi marami ang tao sa school ngayon pero paniguradong bukas ay marami na. Si Fiona at Dana pa lang,  nakakapagod na, paano kung marami? I may have attitude of a rich kid but what they have is too high. Nakakairita! 

“Elea!” 

Napasinghap ako sa biglaang tawag ni Mom. I was so engrossed in my thoughts at ganun na lang ang gulat ko. Yong puso ko, bumilis din. 

Bumaling ako kay Mom habang nakahawak sa puso ko para kumalma. Nakakakaba ang bigla na lang niyang pagtawag. Kailan pa sila dumating? 

“What happened to you? Did someone bully you?” kabadong tanong ni Mom. Her eyes were on my wounds. Bumaba ang mata ko sa sugat at nakitang pulang pula na ang ginamit kong gauge. Medyo masakit pero bearable naman. 

“Ahh… it’s nothing. Aksidente lang.” 

She sighed. “Accident? You’re not bullied?” 

Umiling ako. Pero agad din akong napatingin sa kanya nang mapagtantong nag-aalala siya dahil akala niya ay na-bully ako. What is it? Kung sinabi ko bang na-bully ako ay hindi na niya ako papalipatin ng school? Did she know that there will be a possibilities na ma-bully ako? 

“Just tell me, hija, if someone bully you,” sinabi ni Mom bago siya pumanhik sa taas. I even heard her calls yaya para gamutin ang sugat ko. 

My thought probed long into what she said. Paano kung ma-bully ako? Anong gagawin niya? Gusto kong itanong kanina kung ano ang gagawin niya kung ma-bully nga ako kaya lang ay nagmadali siyang umalis. Nakita niya sigurong nangungunot na ang noo at alam niyang marami na naman akong masasabi. 

Hindi ko alam pero nagtagal ako sa living area para makaharap si Mom at Dad pero hindi sila bumaba. Magpapakaawa sana ako for the last time pero hindi nangyari. Even Edward didn’t go down. Nakita kong dinala ni Yaya ang mga pagkain nila Mom sa taas. Pagod daw sila kaya hindi sila bababa. I understand…. pero bakit pati si Edward? He can’t be tired kasi one-week siyang nasa bahay. Nagpapahinga daw dahil sa pagod galing sa Tennessee. Don’t tell me one week of staying home didn’t heal his tiredness? Feel ko talaga iniiwasan nila ako. Like they were guilty of something. 

Nagtatampo akong pumasok na lang sa kwarto ko ng mag alas dose at wala na akong nakikitang tao. Natulog na lang din sina Yaya at nanatili pa rin akong nasa living area. Thinking about S.L tears me up. Ang sakit lang na hindi na nga ako makakabalik doon, hindi ko pa alam ano ba talaga ang dapat kong gawin. Nakakalito na! Why would I use Ortega? Mom denied my accusation about being close to this certain son/daughter of Mr. Guevera. Guni guni ko lang daw yon. Ok kung guni guni nga, why is it only me that needs to transfer? Edward needs proper education too! 

Kinabukasan ay maagang nawala ang mga tao sa bahay. Sumosobra na sila! Si Yaya ang nagsabi sa akin na pwede ko nang gamitin ang kotse ko. Mom unfreeze my credit card. Lahat binalik na. That only made me think there is something fishy why I need to transfer to that academy. 

Kaya nagpasya ako. I need someone to bully me! Kahit sino! Irita akong umalis ng bahay papasok sa shit na paaralan. 

Bago ako tumuloy ay pumunta muna ako sa mall. Dahil gusto kong ma-bully ako, I bought wigs and a big think glasses. I know H.A.  Sa isang araw ko lang doon ay kita ko na ang pagiging matapobre nila. I know the moment I enter that school with my disgusting get up, mabu-bully ako. I will tell Mom and probably, she will then send me back to SL university. 

Hating Him (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon