Chapter 38

251 6 0
                                        

Umiirap ako dahil matapos kong maligo ay problema agad ang sumalubong sa akin. Pag bukas ko ng closet ay kaunti nalang ang malinis na damit doon at lahat pa talaga ng ayaw kong suutin ang natira! I looked at the other clothes and  rolled my eyes when I saw a bunch of unclean clothes in the laundry basket. Kung hindi pa ako maglalaba ay wala na akong masusuot. Where are his  housemaids anyways. Ako pa ang maghihirap nito? Goodness! 

Pagkatapos kong magbihis ay tinanggal ko ang bedsheet na isa pang problema. Ngumingiwi ako habang iniisip paano ba to lalabhan. Nakakahiya naman kung si Harden pa ang paglalabahin ko. Tapos may stain pa! Mas mabuting sunogin na lang kaisa ipalaba sa kanya! 

Tapos na kaming mag agahan kanina at ngayon ay ang paglalaba ang aatupagin ko. Hindi ko siya nakita nang bumaba ako sa laundry area. Baka nag gy-gym na naman. Dalawang basket na malalaki ang binaba ko. Puno pa ang dalawa. Ikaw ba naman ang hindi naglaba ng isang buwan. 

But then, hindi ko alam ilang minuto akong nakatunganga sa washing machine. Biglang sumakit ang ulo ko. Hindi ko alam na complicated pala ang paglalaba ngayon? Ang daming pipindutin sa kaharap kong machine at hindi ko alam anong gagawin doon. 

Well, I know I should separate the white from other colors. Pero hindi naman ako informed na marami pala ang pipindutin bago ka makapaglaba? 

At shit lang! Kailangan pang e set ang temperature ng tubig? For what? Kailangan pang mainit ang tubig na gagamitin? Sosyal na pala ang mga lalabhan ngayon? 

For a moment, gusto ko nalang na si Harden ang paglabahin pero nang makita ko ang bed sheet ay napabuntong hininga ako. I should do it myself! 

It took me, I think, thirty minutes to set things up. Sa pag set ng tubig, na hindi ko alam kung tama ba ang pag set ko, pag set ng temperature ng tubig, sa cycle ng labahan, sa paglalagay ng detergent. Stress na stress ako nang paglalagay nalang ng labahan sa machine ang kulang. 

"This is stupid!" bulong bulong ko habang nilalagay ang mga puting labahan sa loob ng washing machine. 

Agad akong napairap nang marinig ko ang malakas na boses ni Harden sa labas. 

"Eleanor! Where are you?" sigaw niya. 

Pero dahil stress ako ay hindi ako sumagot. Umirap lang ako sa kawalan. 

Nakarinig ako ng mga binubuksang pintuan. Kalaunan nawala rin ang ingay niya. Nagtuloy ako sa paglalagay ng labahan ko. Kaya lang ay mga twenty minutes ay narinig ko nanaman ang tawag niya. 

"Baby, where are you?" May halong frustration na ang boses niya. Hindi pa ako nakakasagot nang bumukas ang laundry room. I immediately giggled at his annoyed face. 

"Why are you hiding, huh?" inis na inis niyang sinabi. 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Nagtatago ba ako? Naglalaba ako noh… at bakit kaba tawag ng tawag?" 

Busangot ang mukha niya. Hindi niya ako sinagot at saka lumapit sa machine sa unahan. He glance at what's inside bago siya may pinindot doon. 

Umupo ako sa couch sa laundry at kinuha ang isang magazine malapit sa couch. Matapos mag set ni Harden sa labahan ko, na hindi ko naman alam na ganon pala ang gagawin, ay lumabas siya. 

Nang bumalik siya ay may dala din siyang mga labahan. Tinawanan ko siya nang makitang pareho lang kaming tambak ang labahan. Ginamit niya ang isang machine at hindi man lang nagtagal ang pag set niya ng sa kanya samantalang ako ay inabot pa ng tatlong pung minuto! 

Umupo din siya sa tabi ko matapos niyang maipasok ang mga labahan niya. His hands snake on my waist. Hindi nga lang siya nakuntinto at hinigit niya ako kaya napaupo ako sa kandungan niya. His head found my shoulder while I'm reading. 

Hating Him (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon