I don't know what happened, but I remember a fragment of memory after I was drugged. Naalala kong nagising ako ng ilang minuto and I saw white ceiling and I felt like we're flying before I succumbed to darkness again. Pero ngayon ay ramdam ko na naman ang katawan ko. My head hurt a bit and I felt my back on a soft surface. I could also smell a familiar scent of a man I know.
Dahan dahan kong minulat ang mata ko at ang unang nakita ay ang white ceiling. Iginala ko ang mata ko at medyo naguluhan kung bakit ako nasa familiar na lugar. And then suddenly, what happened in the mall played in my mind.
I was kidnapped!
At ngayon ay nasa private island ako ni Harden, specifically nasa kwarto niya! Ano ang nangyari sa akin? Paano ako nakapunta dito? How dare him drugged me? Ano gagawin niya sa akin dito? Si Ferah? Si Mommy! Am I going to die here?
Agad akong bumangon pero agad din akong napahawak sa ulo dahil sa hilo. I waited for minutes for my dizziness to subdue at nang nawala ay agad akong tumayo.
Medyo nanginginig at hinay hinay akong naglakad. When I arrived at the door, dahan dahan ko itong pinihit at napasinghap nang bumukas ito. Agad din akong naglakad sa hallway nang wala akong makitang tao. But as I was descending at the stair, pansin kong masyadong tahimik ang paligid.
The last time I went here, may mga tauhan pa sila but now, it look abandoned. May namuong luha sa mata ko nang maisip na baka walang tao kasi dito na matatapos ang buhay ko?
I sprint out of the mansion nang makalabas ako ng tuluyan. Nanghina nga lang ako nang makita kong nakatayo si Harden sa gilid ng dagat. Nakatanaw siya sa malayo at malalim ang iniisip. I stop midway at napaatras.
Pero naramdaman niya siguro ang presensya ko dahil agad siyang lumingon sa akin bago pa ako makalayo. Nanuyo ako sa kinatatayuan ko nang makita kong madilim siyang naglakad sa akin. I wanted to run but his intimidating and scary aura freeze me. At wala rin akong matatakbuhan dahil as far as I remember, through yacht lang ang way para makapunta dito.
He stopped in front of me. Agad akong napatingin sa baba because I couldn't find myself looking at his dark stare. I realized then when I saw my hands that I'm shaking. Nakita ko yong kamay niyang dumapo sa bewang ko. I then feel his lips on my shoulder when he crouched. Nanigas ako sa ginawa niya.
"You're awake… you should rest." Dumausdos ang kamay niya sa likod ko and then he hugged me tightly. Halos sumubsub ako sa dibdib niya.
Nanigas ako dahil sa ginagawa niya pero ng matauhan ako at naisip na dito na niya gagawin ang paghihiganti niya ay nagawa ko siyang itulak. Hindi ko alam kung malakas ba ako o nanghihina lang siya dahil napaatras siya. He was shocked. Nakita kong namumungay pa ang mata bago siya nag iwas ng tingin.
"Why did you bring me here? Dito mo ako papatayin?" sigaw ko.
He sighed. Hindi siya nagsalita. Pero kita ko ang pagsisikap niyang magsalita kaya inunahan kona.
"Two years na! Ano to? Dahil hindi mo nasilayan na namatay talaga ako matapos kong maaksidente, kaya hinahanap mo ako para sigurado kang makakapag higante ka? Kaya dinala mo ako dito?"
"No," namamaos at pagod niyang sinabi.
"Oh don't lie to me! Alam kong malaki ang galit mo! Hindi ko alam kung bakit hindi pa sapat sayo na naaksidente ako dahil sayo. Gusto mo na namatay nalang ako! Tang ina mo!" sigaw ko pa.
Nanlaki ang mata niya at agaran ang pagsilay ng galit sa mukha niya. "Shut up! That's not what I want!" he roared menacingly. Nagsimulang mamula ang mukha niya.
I gulped and stepped back when he advanced. I then gasped when he again snake his hands on my waist. This time, napakahigpit na.
"Bitawan mo ako! Ibalik mo ako sa Australia! Bakit mo ba ako hinahanap?" I felt a tear come out of my eyes. "I'll pay for what I've done years back, okay? Just let me go! Maganda na ang buhay ko. Nakialam pa kayo!"
BINABASA MO ANG
Hating Him (COMPLETED)
Romance[Harden Academy Series #2] Eleanor Sofia Cortez, the social butterfly of S.L University -- had an extreme crush on Logan Marquez -- the school women's fantasy. Eleanor could easily catch everyone's attention but not Logan's. But then, It was when...
