Chapter 29

93 5 0
                                    


Wala siguro akong karapatang maging magaan ang loob. Bumalik yong pagkabalisa ko noong ibigay ko kay Harden yong folder. The only thing that would make me calm is what Dad said. Hindi naman siya gagawa ng ikapapahamak ko,right?

Pero kahit ganon ay hindi ko parin nagagawang maging kampanti ng boo. That investigator just made me paranoid. He said he'll go to investigate something after he saw my intense gaze on the folders. Alam niya din na hindi nagpapalapit ng babae si Harden kaya naitanong niya kong na-check ba ni Harden yong background ko. He must know Harden that much then! 

I remember I promise Harden a date after our finals pero natapos na lang ang finals ay hindi pa kami nakakalabas. Tumatawag ako sa kanya last week kaya lang ay palaging busy daw siya. I understand, baka may tinatake pa siyang exam non. Pero I call him yesterday and today kasi alam kong tapos na ang exam pero out of coverage siya. 

I sighed when I saw students celebrating. Nasa field ako papasok sa campus pero tanaw ko ang nagsasayahang mga student. Dinaanan ko ang Cafe shop sa labas at nakita kong marami ang students doon na nagsasaya. 

Kung sinasagot lang ni Harden ang tawag ko ay malamang isa kami sa nagsasaya ngayon. What wrong with him anyways? Bakit out of coverage siya? Hindi ko pa alam kong papasok ba siya ngayon o sa company siya. Pero plano kong puntahan siya sa lunch kung wala siya dito. 

"Eleanor!" Bahagya akong nagulat sa pag tawag sa akin ni Dana. I immediately turned to her at kita kong nanliit ang mata niya. 

"W-what?" 

Tumawa siya. "Wala naman. I have something to tell you. Hintayin natin sina Fiona. Nasa Cafe pa sila." Nahimigan ko ang pagka-excited sa tono niya. She even grinned at me. 

I sighed. I looked down at my phone at kita kong out of coverage parin ang number ni Harden. 

"Anong sasabihin mo? Baka pumunta ako sa opisina ni Harden ngayon. Sabihin mo na sa akin." 

She glanced outside the campus para tingnan kung malapit na ba sina Fiona pero nang wala siyang makita ay bumaling ulit siya sa akin. 

"It's about the rumored girl. Hindi si Alicia yong babae diba? I heard Tito this morning. May kausap siya at inulit daw ng mga kalaban nina Harden ang pag lusot ng papeles sa kanila." She trailed off as she went near me to whisper the rest. "Dito daw galing yong papeles sa academy kaya mamaya ay may darating na mga police para dakpin yong salarin."

For a moment, I didn't get what she meant or I didn't like what she said. Pero kahit anong deny ng utak ko, unti unti ding kumakalat sa utak ko ang sinabi niya. 

Nang nag-sink in sa akin yong narinig ko, napaawang ang labi ko. Agad nanlamig ang katawan ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong natulala. Scenarios rush into my mind. Kami na naghihirap, ako na kinamumuhian ni Harden, si Dad o si Mom na nakakulong, si Edward na hindi nakapagtapos ng pag aaral. 

Just like that, I feel like my brain could burst out. Napaatras ako nang nakaramdam ako ng hilo. Pansin kong hindi na pantay ang paghinga ko dahil nagpapanic na ang katawan ko. My body trembled. 

Nagtaka pa si Dana sa inasta ko pero kalaunan ay napahawak siya sa bibig niya nang may mapagtanto. 

"Oh my! Eleanor? We…." nakagat niya ang labi niya. "We passed papers to Harden. The paper was from the academy. Yong ipinasa ko kay Harden ay nasa kay Tito na. So that's mean yong sayo ang…" 

Hindi na ako makahinga. Nanlaki ang mata niya nang mapagtantong pwedeng ako nga ang babae sa rumor. Napaatras pa siya. 

"Eleanor! That's not what I'm expecting from you. I expect you to think who could be the girl. Bakit namumutla ka? Oh my God!" Nagpapanic na siya ngayon. She even walked back and forth. 

Hating Him (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon