Chapter 26

109 8 3
                                    


It's been a year since Reany was kicked out. Wala rin akong inasahan kay Leo. Noong mga ilang buwan ng pagka kicked out niya ay unti unting nawawala ang usapan sa kanya. And when finals came, tuluyan ng naglaho ang usap usapan tungkol sa kanya. Hanggang sa magtapos ang school year ay wala na akong balita. 

When vacation came, kanya kanyang lugar kami ng pinuntahan. Si Fiona ay sa Italy sila. Sina Edward at Dylan ay bumalik ulit sa Tennessee para doon mag vacation. Ako sumama ako kina Mom sa New York. Pero nang new year ay sa Tennessee lahat kami. Family nina Fiona, family nina Dylan at kami. It was boring since I'm really not into farm like place. Sina Tita Elena, Tita Diana at Mom lang tong tuwang tuwa. Halos hindi mawala sa labas, doing horse riding, picnic, swimming in the lake. Halos wala akong ginawa at sa kwarto most of the time. Minsan kausap si Harden na nasa Germany with his family. 

Kaya tuwang tuwa ako nang balik pasukan ulit. And since it was another school year, new fashion and new branded clothes and accessories paraded the hall as students walk. Lahat ay halatang excited din kagaya ko. 

"Yes! They are so dead. I can't believe she approached Harden." 

Agad nangunot ang noo ko sa narinig. I immediately took off my shade and glanced at the girls who were talking about my Harden. 

"Did you just mention Harden?" 

Natigilan ang mga ito. No, lahat nang nakarinig sa akin ay natigilan. Kita kong ayaw akong sagutin ng mga babae pero yong isa sa kanila ay sumagot din. 

"Well, I don't know why you haven't heard about it pero… you know Alicia Ocampo?" tanong niya sa akin. I just shook my head, still maintaining my serious face.

The girl sighed. "Well, she's one of the students here. Nag vacation siya sa Germany para sundan si Harden at doon sinubukan ang planong panloloko para sa personal gain nila. Hindi siya nagtagumpay." 

"What?" Bigla akong kinabahan. 

"Siya daw yong rumor na gustong pabagsakin ang mga Guevera," sabat ng isa sa kanila. "The very girl who was supposed to use Harden pero bobo naman. Buti nga at nahuli din. She looked so innocent back when I didn't know she was that girl in the rumor." 

I thought it was a good beginning for me. I almost forgot about that part of me. Pero heto at binagabag na naman ako nito. Agad kumalat ang lamig sa katawan ko. Harden wants to see me but because of what I heard hindi ko nagawang pumunta sa kanya. 

Akala ko excited din ang iba sa pasukan. Yon pala ang akala kong excited nilang mga usap usapan ay chismis pala. Suddenly Alicia Ocampo's name were the talk of the academy. Hindi ko pa kilala ang taong yon. How come napagbintangan siya?

I don't want what's happening pero some part of me was somehow thankful that it's not my name who was mentioned in that rumor. Gusto kong paniwalaan na hindi siguro ako yong babae sa rumor pero my Mom would laugh every time she sees me talking to Harden. As if may plano siya. As if may plano silang magkapatid. Sila ni Tita Diana. Napansin ko yan noong nasa Tennessee pa kami. They even asked me where Harden was at that time, sinabi kong nasa Germany. They both nodded and then this happened. 

Kaya hindi ko maiwasang kabahan. What if they have something to do with it? Tito Douglas left Tennessee after celebrating the new year. Hindi ko alam saan siya pumunta. So baka siya ang may gawa? Shit! 

Umuwi ako kahit kakarating ko lang. Mom were not around when I got home. Tinanong ko si Edward na nanonood at sinabing nasa kina Tita Diana. God! Tell me this is not happening! 

"Wala kayong pasok? You were so excited when you left!" Sinamaan ko ng tingin si Edward na nakataas ang kilay sa akin. 

I went to my room at nagkulong. Saktong pagsara ko ng pintuan ay ang pag ring ng phone ko. 

Hating Him (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon