Chapter 2

354 11 0
                                        


Dahil sa naging sagutan namin nina Mom at Dad, lumayo ang loob ko sa kanila. Yes, I accused them of setting me up with this certain son of Mr. Guevera pero dahil yon naman talaga ang narinig ko. Gusto nilang mapalapit ang loob sa taong yon. And then what? 

Pero natitigil din ako minsan kasi nag a-assume akong lalaki ang anak ni Mr. Guevera. Paano pala kong babae at gusto lang ni Mom na makipag kaibigan ako? I didn’t think of that when we were arguing. Nito ko lang na realized ang pag a-asume ko na naman. 

Kapag nacha-chambahan kong mag isa si Mom sa living area o sa kitchen ay sinasabi kong hindi ako mag aaral sa Harden. Palagi siyang nagagalit dahil doon. Kaya this past few weeks ay palagi na lang dalawa sila ni Dad ang naabutan ko, sa living area man o sa kitchen. Hindi na ako makapag complained. Nakakainis!

Bumaba ako ng isang araw na late ang gising. It was Sunday kaya wala akong planong lumabas. Wala nga bang plano? Napairap ako. Shit lang! I have plans. Niyaya ako ni Phabe gumala pero hindi pwede. Mom confiscated my car. She even cuts my debit card. Saving account nalang ang inaasahan ko. Pag yon nawala pa, I will be poor of the poorer. 

Naabutan ko si Edward sa living area na malalim ang iniisip. He’s usually out every Sunday kaya tumaas ang kilay ko dahil sa nakita ko siya. 

“Why are you here? Aren’t you supposed to be out already?” nakataas na kilay kong tanong. 

Napatingin siya sa akin. He sighed problematic after that. “Ate please, will you stop that rebellious attitude? It’s affecting my social life.” reklamo niya. 

Umirap ako. “Excuse me? In what way, Ed?” Huminto ako sa harap niya at saka humalukipkip.

“Dad is guilty.” 

Natigilan ako dahil don. “Si dad? Paano?” Hindi ako makapaniwala sa narinig. 

“Mom freezes your debit card and hid your car. Dad is guilty. He freezes my debit card too. I can’t even use my car, dahil sayo,” inis niyang sinabi. “He thinks freezing mine will make you less miserable.” 

I laughed mockingly. “And why is that my problem? Si Dad ang gumawa. Siya ang may kasalanan. Don’t blame me for it!” 

Aalis na sana ako para pumunta sa kusina nang pinigilan niya ako.

Tumayo siya ng tuwid. “Can’t you see the problem here, Elea? Dad don’t actually want you in Harden kaya guilty siya. Maybe Mom and Dad has deep reason why they are doing this on you!” sabi nito na gustong ipaintindi sa akin ang point niya. 

“You didn’t hear them! They want me in that academy to be close to this son…” napahinto ako. How sure am I that the person I'm talking about is a guy?  “Or maybe, daughter of this certain Mr. Guevera! They will use me!” pagtatapos ko. Tumataas na ang boses ko. 

“I talked to Mom. Sinabi kong ako na lang… pero hindi siya pumayag. She want you kaya dapat ikaw. Can’t you please be more sensible, Ate? Mom and Dad were stressed.” Huminto siya. “I’m not saying this to guilt you but….” Bigla siyang huminto nang binalingan niya ako. Ganyan siya kapag galit, sunod sunod ang sinasabi. Nagtaka lang ako dahil bakit siya huminto ngayon? Para siyang natauhan at hindi na lang niya gustong sabihin. 

“What is it, Ed?” bigla akong kinabahan sa itusra niya. Parang namutla siya. 

“Nothing, just forget it!” 

Hinarangan ko siya ng gusto niyang umalis. “What is it, Edward? May nangyari kay Dad?” kabado kong tanong. 

He sighed guiltily. “Well, wala naman… pero muntik na siyang ma-stroke. Naagapan naman.” 

Hating Him (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon