Sa sobrang frustration ko, hindi ako lumabas ng kwarto nang dalawang araw. Harden would then bring me food. Hindi ko pa pinagbubuksan kaya napipilitan siyang ilapag sa labas. Kapag alam kong wala na siya sa tapat ay saka ko lang kukunin ang pagkain. Ilalabas ko din ang tray pag tapos na ako.
But I always have this attitude of being easily gets bored. Walang social media, walang mapanood, walang magawa aside sa pag higa at pag tulog. Umirap ako. I'll surely lose my mind if I continued isolating myself.
Padarang kong binaba ang hawak kong suklay at saka padabog na lumabas ng kwarto. The hallway was empty. Umirap ako. Bakit ba ako nagkukulong? The mansion is big. Pwedeng hindi na kami magkasalubong ni Harden habang wala ako sa kwarto eh.
It's been three days and I hope the yacht can be repaired in a span of one week. Kung aabutin pa ng dalawang linggo ay mamamatay na ako dito.
Bumaba ako sa living area at walang tao. Wala akong marinig na ingay so I assumed Harden isn't here. Pumunta ako sa kitchen at maghanap ng makakain.
"Stupid, Harden! Bakit walang mga kasambahay dito?" bulong bulong ko habang naghahanap ng ready to eat na pagkain. I only found bread and I have no choice. Kumuha nalang ako at isang juice sa refrigerator. Naubos ko nalang ang kinakain ko ay wala pa akong narinig na ingay. Mabuti nalang at well lighted ang mansion dahil kung madilim ay sigurado akong matatakot ako sa sobrang tahimik.
It's when I was about to go outside when I saw Harden descend to the stair. He was topless and sweat was evident on his chest and muscles. May towel sa balikat niya. Agad akong napaiwas ng tingin at saka umirap ng wala na sa kanya ang mata ko.
"Where are you going?" tanong niya. Deretso pa sa akin ang tungo. I expect I would smell bad odor from him but the mix of sweat and his scent didn't irritate my nose. Huminto siya sa unahan ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Sa labas. Kailan maayos ang yate?"
He sighed. He hold the towel at sa harap ko pa nag punas ng pawis. "You'll swim?"
I raised a brow. "Hindi. Just want some air. So, ang yate?"
"Magluluto ako ng kakainin natin. May gusto kang kainin?" he asked ignoring my question.
I glared at him. "Wala akong gustong kainin! Ang yate? Kailan maayos?" Tumaas ang boses ko dahil sa pagkairita sa kanya.
He just smirked. "There are sun lounger at the shore. Doon nalang tayo kumain."
"Oh damn you!" sigaw ko. Iniwan ko siya dahil sasabog pa ako lalo kung magtatagal pa ako. I heard him chuckled.
Padabog akong humiga sa sun lounger na may payong. Pero hindi naman maaraw dahil tinatabunan ng ulap ang araw. I immediately feel peace when I saw the sea with the right atmosphere. Winds blow just right, the waves not that violent, the birds and the trees made the place relaxing. Agad nawala ang iritasyon ko. Hindi ko namalayan at nakatulog na pala ako sa sobrang tahimik ng paligid.
I only wake up when I felt someone kissing my cheek. Pagdilat ko ay may katabi na ang sun lounger ko at nakadungaw sa akin si Harden.
I groaned. Agad umikot ang mata ko dahil sa inabutan kong pagkakadungaw niya. Umayos din siya ng nagising ako.
"What was that?" inis kong tanong. Agad akong umahon sa pagkakahiga.
He raised his brow. "Kumain na tayo. Lalamig ang pagkain."
Gusto kong umapila pero pinigilan ko. Alam kong maiirita lang ako at hindi niya ako sasagutin. He didn't change!
He still thinks he can do whatever he wants!
BINABASA MO ANG
Hating Him (COMPLETED)
Romantizm[Harden Academy Series #2] Eleanor Sofia Cortez, the social butterfly of S.L University -- had an extreme crush on Logan Marquez -- the school women's fantasy. Eleanor could easily catch everyone's attention but not Logan's. But then, It was when...
