Chapter 33

226 7 0
                                        


Habang nakaupo ako sa kama ay malakas ang kalabog ng puso ko. I was anticipating Dylan to stand in front of me pero hindi naman nangyari. Nakauwi na si Ferah ay wala parin namang nangyayari. When I looked down at the road at nakitang wala na doon ang kotse ni Dylan, doon lang ako nakahinga ng maluwag. 

Siguro nga hindi alam ni Dylan na dito ako nagtatago. Sino nga ba naman ang maghihinala. Just few kilometers away from here are our properties. Malaki din ang lupain ni Lola uphill. Hindi ko nga lang alam kung bakit nanatili siya dito. Hindi rin naman siya ang gumagawa ng harvest kapag harvesting na. Yong mga alaga niyang manok at kabing ay pwede namang mag hire nalang ng tauhan. Pwede siyang sumama sa amin sa Pilipinas at doon na lang mamuhay. 

Pero dahil nga nakasanayan na niya dito, hindi siya nasasanay sa city life. Marami nga din naman ang memories nila ni Lolo dito kaya hindi ko siya masisi kong dito na talaga siya mamuhay. Kaya rin siguro kada vacation ay dito nagva-vacation si Edward at Dylan para masamahan si Lola. 

Nang maluto ang almusal ay kumain na kami ni Ferah. Marami siyang pinamili at kasya na ang isang linggo namin. 

I sighed when I remembered I'm supposedly waiting for Mommy's call. Nakalimutan ko lang dahil sa nakita ko ang pinsan ko. Sana maniwala na ang mga Guevera kay Millicent para makauwi na ako. If our plan succeeded, mag aaral na ako. Those two years na wala akong alaala ay hindi na ako nakapasok. That's because I was acting like a crazy girl na may pinagtataguan. Now I know why. 

"Ferah, hindi kaba tinawagan ni Mommy?" tanong ko matapos kong kumain. Umiinom nalang ako ng juice. 

Ngumuya muna si Ferah pero umiiling na siya kahit hindi pa nakakapagsalita. "Hindi. Hindi kaba tinawagan?" siya matapos lumunok. 

I sighed. Umiling din ako.

"Baka mamaya. Nagpapanggap na kasi si Millicent bilang ako. I want to know what happened."

Agad akong pumanhik sa kwarto ko matapos kumain. I immediately went to my phone but there's just no call in it. Naghintay pa ako ng ilang oras hanggang sa nakatulog na lang ako ay wala pa akong natatanggap na tawag. 

Nagising ako nang gisingin ako ni Ferah para mag dinner. Agad kong dinampot ang cellphone ko only to be disappointed dahil walang missed call doon. Ang tagal namang matapos ng pag papanggap ni Millicent! It's been hours. Magkaiba nga naman ang oras dito at nauuna sila ng isang araw sa Australia kumpara dito sa states pero ang tagal namang tumawag!

Mabilis lang akong kumain at agad ding bumalik sa kwarto. Kung pwede lang ako na ang tumawag ay ginawa ko na. Kaya lang ay baka ma wrong timing ako kaya pinigilan ko. 

It was when I'm done taking a bath when my phone rang. Pero agad din akong napairap nang makitang hindi si Mommy ang tumawag. 

"Anong balita?" agad kong bungad.

"Walang sumasagot sa tawag ko. Busy ata sila. Tita Clarice didn't call?" curios na tanong ni Duke. 

I sighed. "Hindi. Pero baka tumawag din. Balitaan mo ako kapag may balita ka doon ahh!" 

He chuckled. "Yeah." he trailed off. Papatayin kona sana pero nagsalita ulit siya. "You didn't call Christopher? Baka may balita yon." 

I immediately rolled my eyes. Paanong may balita yon kung busy siya sa makamundong bagay? 

"As if… Baka ibang balita ang alam non!" sarcastic kong sabi. Duke let out a laugh. Baka nga alam niya ang minimean ko. 

The next day, wala parin akong natanggap na call or even a text. Hindi ko naman ma text si Millicent dahil hindi ko kabisado ang number niya. I changed my phone at doon naka phone book sa dati kong cellphone ang number niya. 

Hating Him (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon