The rest of the day, I was so preoccupied with my family. Matapos naming kumain ay nagpa tour sina Edward sa mansion. When they saw the pool upstairs, nagpasya silang lumangoy kaya sinabayan ko sila. Matapos non ay kina Tita Elena naman ako naging abala. They want me to tour them in the forest.
"Tita, hindi ko kabisado ang gubat. Asan ba si Harden?" Luminga linga ako sa living area pero wala siya.
Tita Diana immediately stopped me from looking for him. "Surely hija, nakapunta kana siguro sa gubat sa pananatili mo dito? Beside, kasama natin ang mga Tito mo kaya hindi tayo mawawala."
I didn't have the chance to talk or to even look for Harden that day. Hindi din naman siya makita sa mansion kaya mabilis ko din siyang nakakalimutan dahil palagi akong busy sa pamilya ko. Pagkatapos sa mga pinsan, kina Tita tapos kay Mom naman tapos kay Dad. The whole day wasn't enough for our bonding.
Sa gabi ay tabi kong natulog si Fiona. I was so exhausted that I immediately slept that day.
The next morning, akala ko isang payapa ang sasalubong sa akin. But it was not. Pag gising ko ay wala na sa tabi ko si Fiona. I glanced at the digital clock beside the bed and saw it's already 10 in the morning. Kahit marami akong naitulog ay parang pagod parin ako.
Matapos kong maligo at mag bihis ay excited akong bumaba. Pero sa taas palang ay natigilan na ako. Biglang nawala ang excitement ko at napalitan ng kaba.
"Huwag mong kalimutan, Hailey, na ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito. Kaya wala kang karapatang magalit!" sigaw ni Mom.
Kabado akong umabante, just so I could see what's happening downstairs. Nakita ko si Mrs. Guevera with her husband in her side. Si Harden ay hawak hawak ang mama niyang naluluha. Si Mom ay nakatayo at masama ang tingin kay Mrs. Guevera. Tita Elena was standing beside Tita Diana at hawak hawak niya ito sa braso. Tita Diana is mad too. Wala si Dad, Tito Douglas, Tito Frederick at Fiona.
"My son would never kidnap your daughter, Felizia. You know that," umiiyak na sinabi ni Mrs. Guevera.
Tita Diana laughed evilly. "Hindi ba? Bakit dito niya dinala kung ganon? Bakit hindi sa amin? Obviously, may masamang plano yang anak mo!"
"Diana!" banta ni Tita Elena.
"I'm sorry, Mrs. Arceo. Pero alam ni Dylan na kasama ko si Eleanor," magalang na sabi ni Harden. But I notice the anger in his voice.
"Alam nga niya. Pero hindi namin alam kung saan mo dinala! It's still kidnapping. I will sue you!" si Mom. "You probably scare my daughter kaya wala siyang sinabi sa amin. She must be so scared to report you!" bintang ni Mom.
"It's obvious! Kita mong takot na takot si Eleanor, Felizia. Takot mag sumbong!" gatong ni Tita Diana.
"Mom! I don't think Elea is scared." Si Dylan na agad ding tumahimik dahil sa masamang tingin ni Tita Diana dito.
Mrs. Guevera sighed with a hint of frustration. "Please, let's wait for Eleanor to wake up. Let's hear what she has to say. I don't think my son could hurt your daughter, Felizia," pakiusap ni Mrs. Guevera.
Bayolenteng bumuntong hininga si Tita Diana. "Don't you involve Elea here again, Hailey. Baka pag pumayag pa kami ay mawala ulit ang pamangkin ko! Wag mo nang ipilit yang anak mo sa pamangkin ko. She don't like your son."
Bigla akong nahilo at nandilim ang paningin. What the hell is this? Kahit guluhan ay hindi ko na nakaya pang manatili lang sa taas.
"Tita! Mom?" galit kong tawag.
Lahat sila ay napabaling sa akin nang bumababa ako. Tumahimik ang paligid. Agad na umupo si Tita Diana, halatang galit parin. Dinaluhan ako ni Mom.
"It's nothing, hija. Kumain kana." Si Tita Elena.
BINABASA MO ANG
Hating Him (COMPLETED)
Romance[Harden Academy Series #2] Eleanor Sofia Cortez, the social butterfly of S.L University -- had an extreme crush on Logan Marquez -- the school women's fantasy. Eleanor could easily catch everyone's attention but not Logan's. But then, It was when...
