A/N: Hey guys! Sorry for the slow update. Anyway, here is Chapter 26. Enjoy the rest of the chaps and keep supporting my story. Thank you. :)
==================
Georgina Reyes
We're not definitely okay. Hunter might still be angry at me. I know it. Hindi naman siya magka-cutting kanina kung talagang hindi eh. Ni-hindi nga niya 'ko matignan sa mata. He avoids me when I'm trying to get close. Damn. Mababaliw na 'ko kakaisip.
"Haay." Nagpatuloy ako sa pagbaba sa hagdan dala-dala yung trash can. Kailangan ko kasi 'tong i-dispose dun sa malaking trash bins sa baba. Medyo marami-rami rin 'to at hindi ko nga alam kung papa'no naging ganito samantalang kakatapon ko lang dun sa iba kahapon. Tch. Siguro nakatanggap nanaman ang mga ugok na 'yon ng pasalubong sa mga fans nila? Hayst.
Nasa panghuli na 'ko ng baitang nung may biglang humarang na tatlong babae sa daraanan ko.
Tiningnan ko sila. "Ahm. Excuse me." Usually hindi ko ugali ang magpaumanhin sa ibang tao. That's not just me. Jusko! Daig ko pa ang may lagnat kung yun ang mangyayari. Pero dahil wala ako sa mood na makipagdebate at sigawan, I keep my temper under control. But alas, parang ayaw yata nila 'yon dahil heto, nang-inis pa at humarang sa dinaraanan ko.
Tumaas ang isang mataray kong kilay sa behavior nila. Pero wa-epek sa mga 'to. Tiningnan ko sila ng masama but the girl in front of me just smirk habang nginunguya niya yung chewing gum niya na parang isang kambing. Pinagmasdan ko silang tatlo at base sa suot nila, pare-pareho silang mga juniors. Napadpad ang tingin ko sa makakapal nilang make-up. Lalo na yung lipstick nila na sobrang pula. Grabe sa sobrang kapal pudpod na siguro 'yong lipstick. Tch. Ang babata pa eh. Mahaharot na.
"Padaan." sambit ko at tinangka kong makadaan. Pero pag-apak ko, isang paa ang humarang at nakapatong sa ding-ding.
"Hoy nerd! Alam mo ba kung bakit kami naririto?" sabi nung isa sa right side na humarang habang naka-crossed arms. Una kong napansin yung mahaba niyang buhok. Half nun eh naka-ponytail paitaas and it's so weird that I don't understand what style it appears. Parang k-pop yung dating na ewan. Anyway..
"Hindi ko kayo kilala so malamang hindi ko alam kung anong pakay niyo sa'kin. Now, get out of the way." sabi ko bago ako naglakad ulit. But they continue to block my way at sa totoo lang, umaabot na sa level one ang temper ko.
"Puwede ba wag kang dikit ng dikit kay Oppa?! Nakakairita ka sa mata e!" sabi naman nung isa sa bandang left. Ito naman nakapusod ng pa-side yung buhok niya at pansinin yung malaking ribbon na palamuti sa ponytail niya. Pero teka nga, sino bang 'tong 'oppa' na sinasabi ng mga 'to?
I frown. "Ano bang pinagsasasabi niyo jan? Pwede ba tigilan niyo 'ko at wala ako sa mood na makipaghulaan sa inyo." sabi ko and this time, pinilit ko na talagang makalusot at nagtagumpay naman ako pero may biglang humapit ng marahas sa braso ko. Napatingin ako ng masama sa taong gumawa no'n at nakita ko yung isa na tila lider ng mga 'to.
"Masyado kang bastos eh. Kinakausap kapa diba?" matalim niyang sabi. Pero sa totoo lang, ayoko ng tabas ng dila ng babaeng 'to.
Temper Stats: Level 1.
"Layuan mo na si Hunter Oppa kung ayaw mong masaktan!" sabi ni Ribbon girl.
"Oo nga! Masyado kang obvious sa pagpapapansin mo! Pati nga si Papa Skyler eh gusto mong akitin! Malandi ka!"
Temper Stats: Level 2.
"Bitiwan mo 'ko." seryoso at may diin kong sabi na sinamahan ko ng pagbabanta dun sa babaeng lapastangan na humawak sa'kin. But the annoying b*tch just flashed me a sly smile.
BINABASA MO ANG
Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]
ActionShe's just your average teenager who lives a simple life in her own fairytale. A simple girl like the others, but if you mess with her kind, she can be deadly and dangerous. But what happens if she ever finds love and her heart beats for real? Uh...