Chapter XXXVI - The Truth Unfolds III

2.2K 67 1
                                    

A/N: So much happenings and twist. I hope nakakasabay pa kayo sa story. Keep on supporting! God Bless. ^^


==================


Georgina Reyes

In my 17 years of life, ni minsan, hindi ako nakaramdam ng ganitong kakaibang kaba sa dibdib ko. It's true that as human being, it's normal to feel nervous especially in times when we encounter an unexpected situation. But in here, sa sitwasyon na kinasasangkutan ko, kahit alam ko na ang pupuwedeng sapitin ko sa mga kamay ng lalaking 'to, hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan ng matindi. Daig ko pa nga ang matatae o maiihi sa PE pants ko sa sobrang nerbiyos na nararamdaman ko. Eh papa'no naman kasi.. nung nagtanong kanina si sir kung sino ang hindi marunong sa volleyball, obviously, ako nanaman ang kulelat at napagiwanan sa liga. Pero ano bang magagawa ko kung sadyang loser ako pagdating sa mga larong gaya nito? Hindi naman ako ipinanganak na masyadong talented sa sports. Kung meron man, tiyak kong sa fighting. Pero acceptable ba yun dito? Syempre hindi. Kung sa iba siguro pupuwede. Sports din naman yun diba? Tapos nga nangyari 'to. Marami namang puwedeng mag-train sa'kin pero hindi ang unggoy na 'to ang inaasahan kong gagawa no'n!

"Are you listening?"

Mabilis na nabaling ang atensyon ko kay Hunter na nakakunot ang noo sa mga oras na 'to. Hawak niya yung bola habang nakaposisyon siya do'n sa di kalayuan. Siguro mga sampung hakbang mula sa kinatatayuan ko. Ang layo nga niya. Kakayanin ko kaya 'tong praktis na sinasabi ni sir? Jusko! Parusa ba 'to?! At bakit ba naman kasi kailangang ito pang unggoy na 'to ang mag-train sa'kin?! Pinapatay na ba 'ko ni sir!?

"W-What did you said?" tanong ko at sa gulat ko eh bigla na lang niyang hinagis ng malakas yung bola!

Hoooly!! Mabuti na lang nga nasalo ko agad 'yon gamit ang dalawa kong kamay!! Pero masakit din yun ah!

"T-That was dangerous!" sigaw ko habang ako naman ang nangunot ang noo sa inis. Pero parang wala lang yun sa kanya and he was playing it cool pa nga.

"Pay attention 'coz I will not repeat myself twice."

Napalunok ako ng mariin. "I.. uh.. Medyo nawala lang ako. But still-"

"Let's start." Pagpuputol niya sa sinasabi ko.

This guy-! Sinasadya niya ba 'to!?

"Practice on serving. Don't stop until I said it's over." He said direct to the point.

So when he said don't stop, he don't mean until I can make a shot or perfect my serving? Mukhang hindi talaga ako basta-basta pakakawalan ng lalaking 'to hangga't hindi ko na-sa-satisfy yung gusto niya ah! And the way he said it.. sana sinabi na lang niya na loser ako at hindi magaling dito! Haaiii-! Nakakakulo ng dugo ah!

"That's fine. Pero hindi naman magtatagal 'to." bulong ko at tila narinig niya 'yon.

"Really? A beginner like you?"

W-wha-WHAT? A beginner like.. ME?!

"Johrgee-san! Ganbatte yo!"

Tumingin ako at nakita sina Shin. Kumaway silang lahat sa'kin at tila nabuhayan ako ng loob nung lahat sila eh pinagchi-cheer nila ako. Actually idinivide ni sir sa dalawang grupo yung natira. Since 13 kami, tig-five members sila each group at yung isa naman eh taga-score.

"Yeah! Kaya mo yan Georgii!"

I smile widely at them and I raise my fist to let them know that I can do this.

FIGHTING!!

"Tama na ang satsat at tumira kana."

Naningkit ang mata ko sa mayabang na 'to at pumwesto ako para mag-serve.

Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon