Georgina Reyes
"Georgina 'nak! Heto na ang damit mo."
It's now Saturday. Kanina pa ako nagising pero parang ayoko pang bumangon sa kama ko at feel kong titigan buong maghapon 'tong kisame na parang isang bangkay.
Narinig kong bumukas ang pinto at hindi na ako magtataka kung sino ang pumasok.
"Hala naman bata ka! Bakit naman hindi kapa bumangon dyan! Akala ko ba may date ka ngayon?"
I sigh. "Manang.. hindi po 'yon date." napabaling ako sa kabilang side saka ako humalukipkip.
"Aba'y hindi ba kamo? Eh ano bang itatawag mo ro'n kapag niyaya ng isang lalaki ang isang dalagang katulad mo?"
Napabaling na ako kay manang Rose at napabalikwas na ako ng bangon.
"Manang naman ehh..!"
"Aba hija sinasabi ko lang ang totoo. Pero ang ipinagtataka ko lang eh kung bakit ka pumayag gayong wala naman sa itsura mo na gusto mong umalis. Eh daig mo pa ang pupunta sa lamay kesa makipagdate ah. Tignan mo nga yang mukha mo. Hindi ka mukhang masaya." hindi ako nakakibo at napasimangot nalang ako. Parati nalang tama si manang at lagi akong mali.
I heave a very long sigh at tinatamad na bumangon ako saka ko kinuha sa kanya ang mga naka-hanger na damit. I muttered a silent 'thank you' before I hang my dress to my closet. Bumalik ulit ako sa kama at sumalampak ng higa ro'n saka ko tinitigan nanaman ang ceiling.
"Alam mo nak, naaawa ako sa lalaking idedate mo." napabaling ako kay manang. "Hija, kung talagang ayaw mo sa kanya, wag mo nang pilitin yang sarili mo. Kasi alam mo nak, hindi lang siya ang sinasaktan mo kundi pati na rin ikaw. Hay! Ewan ko ba sa'yong bata ka. Kung talaga kasing ayaw mo, dapat di mo na pinahintulutan na umabot ka sa ganito. Aba'y hindi mo naman mapipilit ang pag-ibig lalo na kung iba naman ang isinisigaw niyan!" sabay turo sa dibdib ko. Alam kasi ni manang ang totoo kaya ganyan ang sinasabi niya. "Hindi lang ang sarili mo ang sasaktan mo kundi na rin ang taong umaasa at nagmamahal sa'yo. Tandaan mo, ang pag-ibig, hindi pinipilit, kusa yang dumarating. Kahit subukan mo mang magmahal ng iba, kung sino ang itinitibok niyan ang siya pa ring pipiliin nito." Tinitigan ko lang si manang at bago siya umalis sa kuwarto ko, isang makahulugang ngiti ang ibinigay niya sa'kin habang paulit-ulit namang tumatakbo sa kokote ko ang mga sinabi niya.
Hindi ko rin alam kung anong pinanggagagawa ko sa sarili ko. How did I end up like this? Sa tuwing makikita ko si Hunter, sumisikip 'tong dibdib ko. Ang taas kasi ng pride ko, umabot na hanggang Jupiter. But I want to teach him a lesson pero parang ako 'tong nahihirapan. What should I do? Ang engot ko.
Itinaas ko ang mga kamay ko na puno ng band aid dahil sa mga sugat na natamo ko sa laban namin nung nakaraang Miyerkules. Hindi lang sugat maging mga pasa na unti-unti na ring nawawala. Pero sa lahat ng mga natamo kong pasa, ito ang hinding hindi ko makakalimutan habang buhay.
Napangiti ako saka ako pumikit at inalala ang mga nangyari noong araw na 'yon.
< Flashback.. >
"Time out!" sigaw ni sir at agad naman kaming nagtungo sa bench kung saan naghihintay ang mga kasama namin na may hawak na water at gatorade. Natapos ang dalawang set at tie ang score na 1-1.
"Georgii.." inabot ni Kyle ang tubig at agad ko 'yon nilagok. Muntikan na 'kong masamid nung may biglang magpatong ng towel sa ulo ko at natakpan ang paningin ko. Ibinaba ko ang iniinom ko at tiningnan ang nag-abot no'n. Nakita ko si Hunter na nakaupo sa tabi ko pero hindi siya nakatingin sa'kin at gaya ko, umiinom siya ng gatorade at basang basa ang mukha niya ng pawis.
BINABASA MO ANG
Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]
AçãoShe's just your average teenager who lives a simple life in her own fairytale. A simple girl like the others, but if you mess with her kind, she can be deadly and dangerous. But what happens if she ever finds love and her heart beats for real? Uh...