Chapter XXXIV - The Truth Unfolds I

2K 67 1
                                    


Brandon Lewis

"Boss!"

Lumingon ako at nakita si Bob. Hinihingal na lumapit siya sa'kin.

"Sorry po medyo natagalan dun sa convenient store." saad niya bago niya iniabot sa'kin ang isang coke in can. Kinuha ko 'yon at binuksan para inumin.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nung matapos akong uminom.

"Manood daw tayo sa laban ni Carlos. I think he join some underground street fights in this area. Malaki raw yung cash prize eh."

Nangunot ang noo ko. "Hindi ba't illegal 'yon?"

He shrug. "Well even if it's illegal, Carlos doesn't mind. Parang di kana nasanay sa isang 'yon. That guy is so hard-headed."

"What was that idiot thinking? He's digging his own grave!" sa sobrang inis, nayupi ko ang lata ng coke na hinahawakan ko. Natapon lang ang laman no'n at sa huli itinapon ko na lang 'yon. "Bakit ngayon mo lang sinasabi 'to sa'kin?"

"Uh... eh kasi boss ang sabi niya wag naming sabihin. Alam kasi niya na hindi mo siya papayagan."

"Talagang hindi! Alam mo ba kung anong puwede niyang sapitin do'n!? He could die there!" Papa'no 'yon nakalusot sa mga parak? Hindi kaya nasa likod din ng sindikato ang pamamalakad no'n?

Nagmadali kaming tumakbo ni Bob patungo sa sinabi nitong lugar kung saan nagaganap yung combat. Pero habang papunta kami ro'n, namataan ko ang isang pamilyar na mukha ng isang babae. Huminto ako sa pagtakbo at pinagmasdan ko siya.

I think I know her.

"Anong problema boss?" tanong ni Bob sa tabi ko.

"That girl. I think I've seen her before.." sambit ko at hindi ko inaalis ang titig ko sa kanya. Tumingin din si Bob at gaya ko, kinikilala niya yung babae.

"Oo nga. Parang nakita ko na siya dati.. Teka! Hindi ba siya yung nakita natin na kasama nung mayabang na Lawson na 'yon sa eskwela nila boss?"

Naningkit ang mata ko at nalaman kong tama nga ang sinabi niya. She was really that girl. Pamilyar sa'kin yung makapal niyang salamin at yung nakapusod niyang buhok.

"Lalapitan ba natin?" tanong niya pero mabilis ko siyang hinarangan.

"No. We should keep on going." wika ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Pero napahinto kami ulit sa nasaksihan namin. Nandun kasi yung babae at tila may nakasagutan siya sa di kalayuan. Isang matangkad na lalaki ang nakabanggaan niya at ngayon eh tila nag-aaway ang mga 'to. Nanatili kami sa posisyon namin at pinanood namin sila hanggang sa magulat kami sa sunod na nangyari. Bigla na lang kasing sumuntok yung babae at bumagsak yung lalaki sa sahig. Hindi pa ro'n natapos ang ginawa niya dahil binalikan pa niya ito para sipain kaya gumulong yung lalake. Nilapitan niya ito at hinawakan sa may kuwelyo. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero parang nag-uusap ang mga 'to at nakita kong takot na takot yung lalake.

"B-Boss.. kailangan ba nating umawat?" tanong sa'kin ni Bob.

Sa totoo lang hindi ko rin alam. Hindi ko kasi alam kung anong nangyayari at ganito na lang umasal ang babaeng 'to. Pero ang nakakagulat dun eh yung ginawa niya. Sino bang magaakala na sa lagay niyang 'yon at konti na lang halos dumoble ang height nung lalaking sa kanya eh nakaya pa rin niya itong patumbahin. Sa itsura nga niya tila hindi pa siya nahirapan sa ginawa niya. And the way she moves, parang sanay na siya sa ganitong pakikipag-away.

"Let's stay out of it and watch quietly." I said. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nacurious ako sa babaeng 'to. Despite of her appearance, she seemed so strong to me. Lalo na yung aura niya. I still remember that glare that she gave me nung tangkain kong hawakan ang kamay niya noon. As if in defensive move, she glare me and it warned me to back away. That was terrifying actually and it really resembles that mysterious girl who beats us. Their aura is so similar.

Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon