Georgina Reyes
Matapos kaming sabihan ni kuya na may i-a-announce siyang importante, we follow his instructions na bumalik sa room. Medyo magulo pa nga ang isip ko sa nangyari kanina pero inignora ko na lang at sinubukan kong mag-focus sa sasabihin ni kuya. Ang seryoso pa naman nito kaya kailangan kong liwanagin ang sarili ko at kalimutan ang nangyari sa pagitan namin ni Hunter. Wala naman talaga 'yon, diba?
We settle down to our respective seats. This is what I like about our class. Even if we're just 13 and the other students thought us as troublesome and dangerous, still, we're prompt when it comes to our homeroom. Epal lang kasi ang iba. Kung ano lang ang kanilang marinig, iyon na ang paniniwalaan. Tch. Mga close minded.
Saglit na nagbalik sa isip ko ang mga Section A kanina. Nakakainis talaga ang mga gano'ng ugali. Hindi pa man nga nila kami nakikilala ng lubos, kung husgahan naman kami sobra. Napa'no naman kung dati kaming mga patapon at walang direksyon sa buhay? Tao pa rin naman kami at kailangan namin ng respeto. Kaya rin naming magbago at hindi naman kami gano'ng kasama para magbitiw sila ng masasakit na salita. Mga walang hiya.
"Alright! Good Morning Students." panimula ni kuya at natahimik kami. "I know this is unexpected. Pati ako hindi ko rin inaasahan ang meeting na 'to. But I've been informed by the principal and he gave me the job, well of course, as the new Counselor to make this announcement." Tila kinabahan ako sa tono nito. Hindi ko kasi alam pero parang may something sa sasabihin ni kuya na hindi namin magugustuhan. "I just wanted to inform you that your classmates, Mr. Benjamin Mendoza and Mr. Enrico Fernandez.." there's a pregnant pause at lahat kami eh nanahimik. Nanatili ang tingin namin dito at halos pigilin ko ang hininga ko. "Unfortunately, they are suspended." Gasped and silence follows after that shocking announcement. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na magulat at magtaka. Papa'no nangyari na na-suspende sila? Anong ginawa ng dalawang 'yon?
"Sir!" Nakita kong tumayo si Francis at bakas sa itsura nito ang pagaalala. "A-Anong ibig niyong sabihin? Bakit ho sila na-suspende?"
"Yeah. Anong ginawa nila?" ulit naman ni Clark na tulad ni Francis ay hindi makapaniwala sa narinig.
"Kailan ho sila papasok?" – Jake.
Nakita kong pumikit si kuya at nagbuntong hininga ito pagkatapos. "Calm down and be seated. I'll explain everything." sumunod naman ang mga ito at natahimik ulit ang klase. Pero kahit ako, hindi ko na alam ang salitang 'calm down' sa ibinalitang ito ni kuya. "Nalaman ko lang ang balitang ito kanina. Hindi ko pa masyadong alam ang totoong nangyari o pinagmulan ng lahat but I'll investigate it further para malaman natin ang totoo at sigurado 'yon." Naguluhan kami sa sinabi nito at hindi rin nagtagal nung magsalita ulit ito. "Actually, the Counselor from another school visited Lawson awhile ago and he informed us about what happened. According to him, Mr. Mendoza and Mr. Fernandez are involved in a fight last Friday with some students from Pearson High."
"Pearson High?" Lahat eh napatingin kay Amanda at ako naman ay nagtaka.
"What?" naiiritang tanong ni Amanda na nakasalubong ang mga kilay.
"Okay that's enough. I'm sure she didn't know about it. Right Miss Pearson?" tanong ni kuya kay Amanda.
"It's the first time that I've heard it." tanging naisagot ni Amanda sabay irap sa mga ito. Tingin ko naman nagsasabi ito ng totoo.
"Ang sabi sa report, may nakakita sa dalawang iyan na binubugbog ang mga estudyante sa kabilang skul. They're still wearing their uniforms kaya nakilala sila na taga-Lawson." Kuwento ni kuya. "Hindi ba't parati namin kayong pinalalahanan na kahit nasa labas kayo, bawal pa rin ang makipag-away dahil dala-dala niyo ang pangalan ng skul na 'to? Kahit school hours o kung hindi man dito naganap ang insidenteng iyon, we're still responsible for your safety. Kami ang malalagot at hindi kayo. That punishment is nothing compared to mocking our professionalism. Naturingan kaming mga guro niyo pero hindi namin kayo makontrol at madisiplina ng maayos. Hindi naman sa inuuna namin ang status namin pero bilang guro, gusto lang namin kung anong makakabuti sa inyo. Iyon lang. But since your classmates refused to tell us the truth, the principal have no choice but to suspend them."
![](https://img.wattpad.com/cover/17474729-288-k51426.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]
AcciónShe's just your average teenager who lives a simple life in her own fairytale. A simple girl like the others, but if you mess with her kind, she can be deadly and dangerous. But what happens if she ever finds love and her heart beats for real? Uh...