Georgina Reyes
"Georgii, ready kana?"
Tumingala ako at nakita si Kyle na nakangiti sa'kin. Naririto kami sa gym at ilang sandali nalang maguumpisa na ang laban. Tulad ng napagusapan, maglalaban-laban ang bawat section sa exam at kung sino man ang mananalo sa larong ito ay siyang makakakuha ng malaking grado.
"Uh.. G-Georgii...?"
Tumuwid ako ng tayo at ini-stretch ko ang mga paa ko. "I can handle myself." I said without looking at him.
"Ahm.. sorry Georgii ha.. Sorry kung nagsinungaling kami sa'yo. Ginawa lang namin 'yon para sa ikabubuti mo. Alam mo kasi.."
"Kyle." Huminto ako sa ginagawa ko at hinarap siya.
"Y-Yeah?"
"Stop. I don't wanna hear about it."
"Ahm.. K-Kasi Georgii..." Iniwan ko siya at nagtungo ako sa harap nung makita ko si sir. Minabuti ko nalang makinig at ignorahin ang mga tingin na nagmumula sa mga ito saka ko na rin pinakalma ang sarili ko at nagfocus nalang sa laro.
"We will now start with Section B versus Class E." pagkasabi ni sir nun agad namang nagreact ang ibang section lalo na nung lumapit kami sa court. "Kung sinuman ang manalo sa larong ito ang siyang makakalaban ng Class A."
I take a deep breath before I sigh.
Bawal ang kabahan Georgina. Tiis lang. Ito na ang naging orasyon ko kanina pa. First time kong mag-Volleyball kasama ang ibang section kaya hindi rin mapalagay 'tong dibdib ko. I feel so nervous right now.
"Sino sa tingin mo ang mananalo pare?"
"Haha! Tinatanong pa ba yan? Alam niyo namang walang ibabatbat ang mga losers na yan." narinig naming sagot ng kabilang team at lahat kami napatingin dito. Nakangisi pa nga yung lalaki habang mayabang na nakatingin sa'min.
"Anong panama nila sa astigin na tulad namin? Baka sa akala nila hindi tayo bihasa sa sports na 'to. VARSITY lang naman kami sa volleyball."
"Hahahaha! Hanep p're!"
Marami ang sumang-ayon dito at iba naman na nagreact sa kayabangan ng isang 'to. Kabilang na 'ko ro'n, wala na nga ako sa mood, lalo pa niyang pinapainit ang ulo ko.
"Nah. Mukhang wala na tayong choice at pagtiyagahan na lang natin ang mga uod na 'to." pakiramdam ko kumirot ang lahat ng ugat ko sa katawan sa sobrang galit sa mayabang na lalaking 'to! Ang sarap tuklapin ng mukha sa sobrang kapal!
"Haaay dude. May naririnig ba kayo?" biglang naglakad si Francis papunta sa net at napansin ko na nabaling na sa kanya ang atensyon ng mga tao sa gym. Lumapit naman si Clark at sa gulat namin bigla nitong sinampal sa pisngi si Francis dahilan para magulat at matawa naman ang ilan sa ginawa nito.
"Shit dude! Kala ko nga meron pero lamok lang pala!" nagsitawanan na ang lahat at gumaan na rin ang pakiramdam ko habang yung kabilang team eh nagngingitngit sa galit.
"Enough boys! You're here to play, not fight."
"Yessir!" sabay na sabi ng dalawa bago sila humarap sa kabilang team at sa gulat namin eh nagthumbs down ang mga 'to. Umusok sa galit yung mayabang na lalaki at sumugod sa gawi namin.
"Mga gago pala kayo e!"
"Ano ha?!" sumalubong naman ang dalawa pero biglang pumagitna si Hunter at hinarangan sila. Tiningnan niya ng masama ang dalawa at napatigil naman ang mga ito. Nung bumaling naman ang tingin niya dun sa lalaki, napansin ko ang pagiging kalmado niya sa kabila ng umiinit na salitan ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]
AcciónShe's just your average teenager who lives a simple life in her own fairytale. A simple girl like the others, but if you mess with her kind, she can be deadly and dangerous. But what happens if she ever finds love and her heart beats for real? Uh...