Hunter Lawson
Pagkatapos ko sa skul ginugol ko ang lahat ng oras ko sa gym para magwork out. Mag-isa lang ako at nagpasya akong magtungo rito dahil hindi ko pa gustong umuwi.
"Wow. You've been working out for an hour. Hindi kapa ba napapagod?"
Hindi ko pinansin ang nagsalita at nagpatuloy ako sa pagli-lift.
"Bakit parang wala yata ang mga tropa mo? Nakakapanibago naman."
Huminto ako at ubod ng lakas na ibinagsak ang barbel sa harapan niya. Napansin ko na natigilan siya at nagulat pero wala akong pake. Tumayo ako at iniwan siya. Pero natigilan ako nung may bumato sa'kin mula sa likuran. Lumingon ako at nakita ko ang isang towel. Tumingin ako sa nanghagis at nakita ko ang pagngisi nito. Pero nanatiling walang kaemo-emosyon ang titig ko sa kanya.
"Hoy tarantado! Ang bastos mo kinakausap pa kita ah! Hindi mo ba 'ko nakikilala huh?" tanong nito sabay turo sa sarili pero..
"Who are you?" walang gana kong tanong. Napansin ko ang pagngingitngit niya sa galit. Bigla namang tumayo ang iilang mga lalake sa tabi na kanina lang eh abala sa paglalaro at ngayon, nakapaligid na sila sa'kin.
I smirk in secret.
"Aba't matigas ka ah!" sigaw nito at biglang nangati ang kamao ko na patahimik ang gagong 'to.
"Bakit kasi hindi mo pa tuluyan tsong?" narinig kong may nagsabi.
"Hahaha! Oo nga! Ang angas ng puta!"
"Banatan na yan!"
Bigla namang ngumisi 'tong nasa harap ko. "Tignan ko lang kung sa'n pupulutin yang kayabangan mo! Gago!" Pagkatapos nun, bigla itong sumugod at ang mga katropa niya ng sabay sabay. Umiwas lang ako nung una dahil ang babagal at hina lang ng mga tira nila. Pero napasuntok na rin ako nung tangkain nila akong hawakan at bugbugin.
Sa totoo lang, wala na sa'kin ang ganito. I'm used to it. Ni minsan eh wala pang nakakatalo sa'kin. Pero ayos na rin 'to. Matagal na rin akong hindi napapalaban.
"Get up." saad ko nung halos wala nang makatayo sa mga 'to. Hinapit ko sa buhok ang lalaking madaldal at nanginsulto sa'kin kanina. Dumaing siya sa sakit nung sapilitan ko siyang pinatayo. I smirk devilishly at him. Natakot siya nung makita niya 'ko.
"Ang lakas mo ring makahamon no? Kahit isang dosena pa kayo, di niyo ko matatalo. Tandaan mo yan." Mariin kong sabi bago ko siya sinuntok sa panga at bumagsak ito sa sahig. Naglakad ako palayo sa kanila pero natigilan ako nung makita ko ang may-ari ng gym at hindi na 'ko nagulat nung hindi na siya natinag sa nangyari. Dumakwat ako ng ilang libo sa bulsa ko at inabot 'yon sa kanya.
"Pakilinis nalang." saad ko at ngumiti ito sa'kin.
"Areglado bossing!"
Kinuha ko ang polo shirt ko sa isang tabi at isinukbit iyon sa balikat ko bago ako lumabas at nagsimulang maglakad. Wala akong sasakyan ngayon dahil hindi ko pa nakukuha kay Kevin ang motorbike ko samantalang nakaparada pa sa pribadong sisidlan ni tanda yung kotse ko. Hindi ko lang alam kung anong balak niya ro'n pero wala akong pake at ayokong ubusin ang panahon ko para lang magmakaawa na ibalik niya sa'kin ang gamit ko. Nakakairita. Mas gugustuhin ko nang maglakad ako kesa humingi ng tulong sa kanya.
< Bzzz... Bzz.. >
Kinapkap ko ang phone ko sa bulsa at agad na nagsalubong ang mga kilay ko nung mabasa ko ang text ni Clark.
Yo Hunt, letz meet.. the guyz R here. Same place N time.
- Clark pogi @ ur service.
![](https://img.wattpad.com/cover/17474729-288-k51426.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]
AkcjaShe's just your average teenager who lives a simple life in her own fairytale. A simple girl like the others, but if you mess with her kind, she can be deadly and dangerous. But what happens if she ever finds love and her heart beats for real? Uh...