Chapter LI - My Kryptonite II

1.7K 65 4
                                    

Georgina Reyes

I think I'm just dreaming right now. Hindi ito totoo.

Will you be my girlfriend?

Stupidly, I pinch my cheeks and.. "OW!" Hoooly...!! I still can't believe this is happening to me. I thought I was really going to die of heart attack after he said that. I mean.. I can't stop myself at napapakilig pa rin ako habang inaalala ang moment na 'yon! Huwaaaa! Nakakaloka..! Kaso.. Aish. Hindi ko naman siya masagot. Eh ano naman kaya ang sasabihin ko diba? Baka patayin ako ni kuya. Isa pa, girlfriend agad??? Eh hindi pa nga siya nanliligaw!

"Tss. Unggoy na 'yon.." Inilublob ko ulit ang mukha ko sa bathtub nung maramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.

Anak ng pitong tupa naman oo! Kanina pa 'ko nagkakaganito kahit sa harap nina kuya. Mabuti nalang at hindi nila ako tinanong. Pero hindi rin magtatagal eh mahahalata rin nila 'tong nangyayari sa'kin.

< knock knock >

"Nak, naririyan kapa ba? Napansin ko na naroroon pa sa kama ang mga damit mo. Aba'y kanina kapa nakalublob dyan hija baka sipunin kana niyan." narinig kong sabi ni Manang Rose at tumalima naman ako agad.

"Patapos na ho ako." umalis ako sa bathtub at nagmadali akong nagtungo sa tapat ng shower. Nung matapos ako eh nagtapis ako at dali daling lumabas ng banyo. Pero nagulat ako nung madatnan ko si manang dala dala yung gamit ko.

Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. "Akala ko nakatulog kana sa banyo. Ano bang nangyayari sa'yong bata ka ke-oras na't naisipan mo pang maligo?" pagalit niya at napakamot lang ako ng ulo habang kinukuha ko yung damit ko.

"S-Sorry po nay." sagot ko lang bago ako tahimik na nagbihis. Kahit malaki na 'ko naging ugali pa rin ni manang na bantayan ako kahit nagbibihis. Wala namang malisya sa'kin 'yon pero parang nahihiya na 'ko.

"Hija.." hindi ako tumingin sa kanya dahil nahuhulaan ko na kung ano 'tong sasabihin ni manang. "May problema kaba hija? Aba'y napansin ko lang simula nung makauwi ka hindi kana makausap ng maayos. Baka kako may dinadamdam ka at hindi mo masabi sa kuya at lolo mo." tinapos ko ang pagbibihis ko bago ako umupo sa kama at tumingin kay manang Rose.

"Eh kasi.." nakagat ko ang labi ko saka ako napabuntong hininga ng malalim at nalaglag ang mga balikat ko. "What should I do manang? I don't think I can take this. Gulong gulo na 'ko.." at sa huli, hindi ko na mapigilan magkunsulta sa kanya.

Nagkatinginan muna kami bago ko ikinuwento sa kanya ang lahat pati na rin ang simula nung magkakilala kami ni Hunter. At habang nagkukuwento ako, panay ang tawa ni manang. Hindi ko nga malaman kung bakit. Pero nagpatuloy pa rin ako hanggang sa maikuwento ko maging ang nangyari kanina.

"Hindi ko na ho alam ang gagawin. Naguguluhan na 'ko.." nahilot ko ang sentido ko. Tila sumakit 'yon sa kakaisip. Ikaw ba naman sabihan nun di ka magugulantang at mapapa-speechless??! Worst, baka di nanaman ako makatulog mamaya niyan. Haay.

"Kung gano'n na naguguluhan ka, ibig sabihin may posibilidad na gusto mo rin siya."

Napakurapkurap ako. "H-Ho?"

"Bakit, mali ba 'ko hija?"

"..."

Hinawakan ni manang ang kamay ko saka niya 'yon pinisil ng konti. "Naguguluhan ka kasi nag-iiba na ang nararamdaman mo sa kanya. Kung talagang ayaw mo sa kanya, nung unang beses na nagtapat siya sa'yo, sana sinabi mo na agad na hindi mo siya gusto. Pero iba ang ginawa mo at ibig lang sabihin no'n eh may posibilidad na mag-iba pa ang desisyon mo. Marahil hindi mo lang napapansin pero parati kitang nakikitang malalim kung mag-isip at natitiyak ko na isa ang lalaking 'yon sa mga gumugulo sa isip mo." hindi ako makasagot sa sobrang accurate ng mga sinabi ni manang. It's as if she can read my mind. "Ang sabi mo sa'kin nagiging mainitin din ang ulo mo kapag nakikita mo siyang may kausap na ibang babae. Naiinis ka ba dahil nagseselos ka?"

Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon