Chapter LVIII - Falling in

2.1K 49 2
                                    

Georgina Reyes

It's now Saturday, and the thing called 'date' finally arrived.

"Nay Rose, ano ho okay lang ba talaga 'tong suot ko?" tanong ko ulit habang hindi mawala-wala ang worry sa dibdib ko na baka weird 'tong get-up ko.

This is not my first time to wear a dress but I think it is! God I'm nervous!

"Hay nako miss Georgina! Ang ganda niyo kaya!" napangiti ako sa comment ni Lucy pero nahiya rin ako pagkatapos. Hindi kasi ako sanay sa mga compliments.

"Alam mo hija, kahit nakaka-isang daang tanong kana simula kanina, iisa pa rin ang sagot ko. Bagay sa'yo." I frown but then I smile afterwards before I continue staring my reflection on the mirror.

Bagay daw sa'kin 'tong suot ko. It's a blue-green V-neck casual dress that has a cute collar as a design. Mahaba ang manggas nito pero itinaas ni manang ng konti yung sleeve. Actually, siya ang pumili nito dahil sabi niya, ito raw ang "in" base sa nakita niya sa internet para sa edad ko. Nilagyan pa nga niya ng maliit na white belt sa gitna para magmukha raw fashionable at nagsuot ako ng simpleng white doll shoes at isang maliit na shoulder bag. I really looked so different. Hindi tuloy ako sanay.

Dumako ang tingin ko sa mukha ko at hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Wala na ang salamin na lagi kong suot at nakalugay na ang mahaba kong buhok. Kinulot iyon ni Lucy at mukhang nahawa na yata siya kay manang dahil may pa-K-pop pang nalalaman. Nilagyan pa nila ako ng headband at konting make-up kaya nga halos hindi ko makilala ang sarili ko nung makita ko ang pinaghirapan nila.

"Haaay... nakakainggit naman ang kagandahan niyo.." Lucy said with a dreamy look. Natawa ako at pati sila hindi mapigilan mapangiti.

< knock knock >

Napatingin kaming tatlo sa pinto.

"Georgina are you done?" si Papa.

"I..." napatingin ako kina manang at nakita ko silang tumango. "Y-Yes... I-I think I am." Huminga ako nang malalim at hinawakan nang mahipit ang strap ng maliit kong bag.

Grabe, kinakabahan talaga ako.

Napalunok ako nang mariin bago ako naglakad. Akmang bubuksan ko na ang pinto nung bigla naman akong hawakan ni manang Rose sa siko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang ngumiti.

"Masaya ako na nakikita kitang totoong maligaya dahil hindi pilit ang lumalabas dyan sa puso mo." napangiti ako sa sinabi niya at kung hindi ko lang pinagalitan ang sarili ko, maiiyak nanaman ako.

"Salamat po nay." saad ko at saglit siyang niyakap. "Hindi ko ho alam ang gagawin kung wala kayo."

"Haay ano ka bang bata ka! Pinapaiyak mo naman ako." Tinignan ko siya at natawa ako sa pag-iyak niya. "Oh siya siya na nga at lumabas kana. Aba'y hindi tamang paghintayin ang boyfriend mo." bigla akong namula sa sinabi niya.

"Nay naman eh! Di pa kaya kami!"

"Haay nako. Pasasaan pa at dun naman papunta yan. Hindi ba't mahal ka niya, mahal mo siya.. edi kayo na."

Natawa ako. "Nanay Rose palabiro eh no. Naku Lucy.. bantayan mo yan si manang sa panonood ng mga teleserye at maging siya nahahawa na."

"Haha! Sige po akong bahala sa kanya."

Ngumiti ako at nagpasalamat ulit sa kanila bago ko sila iniwan. Binuksan ko na ang pinto at nakita kong gulat na gulat si papa nung makita niya ako.

"G-Georgina... i-ikaw ba yan anak?" bigla akong kinabahan sa tono niya lalo na nung makita ko ang pangingilid ng mga luha niya. May inilabas siyang isang panyo at mukhang may ideya na ako kung para saan iyon. "I never thought you'd grow like this.. so beautiful just my Rina..." tumayo lahat ng balahibo ko nung magdrama siya sa harap ko. Pang-Oscars ang peg kala mo naman kakandidato bilang best actor.

Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon