Chapter XXXII - Integrity

2.1K 71 1
                                    


A/N: Hi there! Sorry for the late update. Bear with me for awhile since hindi muna ako madalas mag-u-update. But no worries guys, I will try my best to get to you as soon as I can. For now kasi been busy in graduation practice. O 'yeah. This Tuesday I'll be a degree holder na. Fufu. Anyway, sketching will get me busy for awhile too. So the update is kinda slow. Thank you in advance for understanding.

Oh, I dedicate this Chapter to my Bezhfren. Happy Birthday to her and this is my simple gift for now since she's not here.

Here's (Cheers) to never growing up! Hahaha!

#ciao


==================


Hunter Lawson

For the fifth time, simula nung umalis kami sa mall, sinipat ko ang suot ko. Pagkatapos nun eh bumaling ulit ako kay Georgina. She eyed me for a second and for the fifth time too, I heard her laugh. Loud and clear. Nag-init ang pisngi ko at nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtawa niya.

"Oi. Tumigil ka nga sa kakatawa mo diyan!" naaasar kong sabi. Sabi ko na nga ba, pagsisisihan ko na sinama ko ang pandak na babaeng 'to at hayaan siya na mamili sa susuotin ko. Bakit ba kasi kailangan ko pang magmukhang pormal sa harap ng kuya niya gayong ayos naman ang suot ko kanina. I was wearing a tattered jeans, t-shirt and my black leather jacket. Anong problema sa suot ko? Damn. Mukhang nauto nanaman ako ng babaeng 'to.

"I should just go somewhere." I mumbled bago ako lumihis ng lakad pero mabilis niyang nahapit ang braso ko kaya napahinto rin ako at sa bandang huli eh kinaladkad niya 'ko.

"Naghihintay na si kuya aalis kapa? Hindi kaba nahihiya?"

I flashed her a bored expression. "Seriously? Lunch ba 'tong pupuntahan natin o meeting?" tanong ko. I still can't believe na napasuot niya 'ko ng ganito.

"Bakit ba? Eh ayos naman ang suot mo ah!"

I eyed her. "Ayos? Eh kanina mo pa 'ko pinagtatawanan!" Tsk. Baliw na ba talaga ang babaeng 'to?!

Humagikgik siya. "Eh kasi naman. Parang nag-iba yung aura mo. Nakakapanibago."

"Yea. Mukha siguro akong ahente." Suot ko ba naman eh long-sleeves? Pero mabuti na lang itinupi ko 'yon hanggang sa siko at nakasuot ako ng jeans. Nagpagupit na rin ako ng clean cut.

"Hindi no. Nagmukha kang tao!" sabi niya habang nakatawa.

Pinaningkitan ko siya pero nagpatuloy lang siya sa pagtawa.

Nandito na pala kami sa tapat ng bahay nila at nakatayo sa may gate. Nagbuzzer siya ro'n at nanatili kaming naghintay sa labas.

I brought my hands on my pockets saka ako tumingin sa kanya. "So sa tingin mo guwapo na 'ko ngayon?" bigla kong tanong. Parang basta na lang lumabas ang mga 'yon sa bibig ko.

Tiningnan ko siya sa side ng mata ko at tila naging stiff siya sa kinatatayuan niya. Hindi ko masyadong nakikita ang mukha niya kaya hindi ko alam kung anong reaksyon niya.

"Oi." Sabi ko sabay siko ko sa kanya sa balikat. "Narinig mo ba 'ko?" tanong ko. Pero nanatili siyang tahimik. "Georgina?" I was on her side when I lean in front of her to see her face. "Georgi-" Natigilan ako at tila nalunok ko ang huling mga letra nung makita ko ang mukha niya. Her face is a beat red while her eyes was wide when our eyes met and to my surprise, she move her hands to cover her face blocking my view. I can feel my own face getting warm because of embarrassment. But why am I feeling like this when I'm not doing anything?

Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon