Chapter XLII - Heart Desires

2.1K 69 2
                                    

Georgina Reyes

Tahimik kaming naglunch ni Hunter sa McDo kanina. Oo, sa bandang huli dun ang bagsak namin. Hindi rin naman ako nakakain ng maayos dahil na rin sa nangyari kanina. Papa'no kasi, naiilang ako sa harap niya. Awkward kasi. Hindi ko nga magawang makatingin sa mata niya eh. Haay. Naalala ko nanaman 'yon. Buong buhay nang tatatak sa isipin ko yun. At at..

Nag-init nanaman ang pisngi ko nung maalala ko ang pagyakap ko sa kanya. Mabilis kong binuhusan ulit ng tubig ang mukha ko para mawala 'yon.

Sh*t! That stupid hugging part is bothering me. Kanina pa 'ko mamatay matay sa sobrang hiya sa sarili ko. Siguro ang weird ko na sa harap niya?? Gosh... I can't believe na nagawa ko yun sa unggoy. What the hell am I thinking? Augh..! Nakakahiya talaga..!

"Miss okay ka lang?"

Napatingin ako sa side ko at nakita ang isang magandang babae. Ngumiti siya sa'kin at napabaling naman ako sa suot niya. We're wearing the same uniform. But she's not familiar.

Tumango ako. "Yeah. I'm alright." sagot ko bago ako naghilamos ulit. Kanina pa 'ko rito sa restroom dahil gusto ko rin mawala na ang pamamaga ng mga mata ko. Kadiri.

"You need some towel?"

I glance at the girl again and she's still smiling. Hindi ko alam pero kahit gusto kong kunin, may isang parte sa utak ko na sumusuway na wag kong tanggapin. But I will looked rude if I didn't get it. Nakatingin pa naman sa'min ang mga tao rito.

"Ang bait naman ng magandang babaeng 'to."

"Kaya nga, kasing ganda ng budhi niya."

"Thanks." sagot ko at inabot yung tuwalya. Pahamak kasi yung mga tao sa tabi. I've had enough embarrassement today at nakakahiya naman kung daragdagan ko pa.

"You're welcome!" sagot niya bago siya naglakad palabas ng restroom.

Nanatili ro'n ang tingin ko hanggang sa mawala siya at nung tingnan ko ulit ang towel..

"Jusmiyo! Anong ginagawa mo-!!"

Hindi ko pinansin ang maiingay na babae sa likuran ko at ipinagpatuloy ko ang pagbabasa sa towel. Nung tuluyan yung mabasa, nakita ko na iba yung kulay ng tubig.

Sinasabi ko na nga ba.

Itinapon ko yun sa basurahan sa labas at mabilis kong kinuha ang gamit ko saka tumakbo ako palabas ng restroom. Hinanap ko yung babae at sinundan pero hindi ko na siya mahagilap.

"Georgina!"

Lumingon ako at nakita si Hunter na patakbo sa gawi ko.

"What the hell is that? Bakit mo 'ko iniwan?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paghahanap.

"Have you seen a girl na nakauniform din tulad natin? I mean, Lawson High's uniform? Have you seen one?" tanong ko sa kanya.

He scowl. "I haven't seen one. Nandun lang ako sa tapat ng CR pero wala akong nakitang babaeng sinasabi mo." sagot niya at napaisip ako. "Wait, what's wrong? May nangyari ba sa loob?"

Tiningnan ko siya pero hindi ako sumagot. Wait..!

Bumalik ako sa restroom pero wala naman dun yung babae. Hindi kaya nagkakamali lang ako? Tumakbo ulit ako patungo kay Hunter at agad naman niyang hinawakan ang braso ko.

"Tell me what's going on." seryoso niyang sabi at iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya 'tong nangyari sa'kin o hindi. Baka naman kasi namamalik mata lang ako at hindi napansin ni Hunter na nawala yung babae.

Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon