Georgina ReyesSumapit ang Monday at hanggang ngayon eh hindi kami nagkikibuan ni Hunter.
"Grabe pare ramdam mo ba ang init?"
"Oo nga e. Tang*na.. sobrang INIT!!" sigaw niya. "..ang INIT NO???!!" announce niya sa buong klase.
Tumigil ako sa pagsusulat at bumaling ako kina Francis na nakaupo malapit sa'kin. Kanina pa ang dalawang 'to e. Napipikon na 'ko sa mga pasaring nila. Ba't di kaya nila i-try manahimik?!
"Nangaasar ba kayo?" naiinis kong sabi.
"Hindi naman. Pero natatamaan kaba?" - sabi ni Francis.
Aba't-!! Hambog 'to ah!
I eyed him at kung pupuwede lang MANAKSAK gamit ang tingin eh baka kanina pa chop chop ang katawan ng dalawang 'to.
"Ano bang pinag-awayan niyo? Ang ayos niyo lang nung Saturday tas ngayon.. di kayo nagkikibuan. Di kami sanay na parehas kayong tahimik." sabi naman ni Clark.
"Kaya nga e. Walang araw na hindi kayo nagaaway niyang si Hunter. Nakakapanibago."
Bigla akong natigilan. Bakit ba pati sila apektado samantalang kami 'tong may problema?
"Hindi pa ba kayo magkikibuan?" tanong ni Francis.
Hindi ako kumibo at tumingin ako sa gawi ni Hunter. Andun siya sa pinakadulo ng room at mag-isa lang. Lahat ayaw lumapit sa kanya dahil nasasagap nila yung maitim na aura sa paligid niya. Pero kahit na nakapikit siya alam kong nakikinig siya sa'min. Ano pa ang silbi ng pagiging unggoy niya kung hindi matalas ang pandinig niya?
Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa notebook at ipinagpatuloy ko ang pagsusulat. Nagkunwari na lang ako na hindi ko sila naririnig. Kiber lang.
"Ba't ba kasi ayaw niyong magkuwento? Siguro nga may nangyari sa pagitan niyo kasi naglasing nun si Hunter." pagkukuwento ni Francis na nagpatigil sa'kin. "Ayaw nga niyang paawat nun. Di siya nagsasalita pero alam namin na may problema."
Tumigil ako sa ginagawa ko dahil nadidistract na 'ko sa mga naririnig ko.
Teka, ano bang pakelam ko sa unggoy na 'yon? Kung gusto niyang magpakalasing, ibibili ko pa siya ng marami at ng matuluyan na nga siya!
"Oo nga eh. Ngayon ko na lang siya ulit nakitang ganun. May kinalaman kaba kung bakit nagkakaganyan siya?" tanong naman ni John na nakijoin na rin. Di ako nakakibo. Ano 'to, hot seat?
"Siguro nga meron. Pero kung anuman 'yon eh sana pag-usapan niyo. Kami ang nahihirapan sa ginagawa niyo." saad ni Clark at bigla akong nahiya. Grabe naman. Bakit parang ipinapamukha nila na ako ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito ang unggoy na 'to?!
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen. At kung hindi pa rin ako tatantanan ng mga 'to, baka nga wala sa oras eh makapanaksak ako ng unggoy.
"Puwede ba tigilan niyo na si Georgina? Hindi niyo pa man alam ang buong kuwento eh tinatapos niyo na sa panghuhusga niyo." sabad ni Ivan na nakisali na rin sa usapan. Napatingin ako sa kanya at ang seryoso ng tingin niya sa tatlo.
"Tama si Ivan. Huwag kayong magfafall into conclusion kung hindi pa kayo sigurado sa totoong nangyari." Si Amanda. They're protecting me. Nakagat ko ang labi ko. Ayoko ng mga ganitong sitwasyon. Nakakaasar e.
"Sorry.." the three mumbled pero hindi na lang ako kumibo.
Hanggang sa maglunch break eh ganun pa rin ang drama namin ni Hunter. Medyo nakakahalata na rin si kuya dahil sobrang tahimik namin ngayong araw. Kahit nga ang lunch date ko kay Sky eh apektado rin. Matamlay ako at di ako masyadong kumibo dahil nga iniisip ko ang nangyari kanina lalo na ang unggoy na si Hunter. Ba't ba namomoblema ako ng ganito sa lalaking 'yon?
BINABASA MO ANG
Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]
AcciónShe's just your average teenager who lives a simple life in her own fairytale. A simple girl like the others, but if you mess with her kind, she can be deadly and dangerous. But what happens if she ever finds love and her heart beats for real? Uh...