CHAPTER VIII - A long day

2.8K 80 1
                                    

Hunter Lawson

"G-Gosh.. s-sorry po talaga... hindi ko ho alam na kayo po pala ang may-ari nitong bahay." Paulit ulit na paumanhin ni Georgina kay tanda habang nananahimik ako sa tabi at pinapanood siya. Sa totoo lang, kanina pa 'ko naaasar sa ginagawa niya. Hindi na natapos sa kaka-sorry magmula nung magising siya. Ang babaeng 'to talaga wala ng ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko.

Tumayo ako at nilapitan siya. Marahas kong hinapit ang braso niya at sapilitan siyang itinayo sa pagkakaluhod niya dun sa sahig. Sa sulok ng mata ko, nakita ko siyang natigilan at napatitig sa'kin. But damn her. Ako ang nahihiya sa mga pinanggagagawa niya. She's acting so pathetic and the hell! My eyes were already sore to see her today and now?

"W-What are you doing?"

"That's enough." Nakakunot noo kong sabi bago ako tumitig sa kanya. "Masyado ka nang nag-eenjoy sa pagso-sorry mo. Nakakasawa na."

"But.."

"Oi. 'Wag mo sagarin ang pasensya ko. Kapag sinabi kong tama na, okay na 'yon. Hindi ba tanda?" bumaling ako kay tanda at nakita ko lang itong nakangiti. Hindi ko tuloy maiwasan ang maningkit ng mata sa makahulugang tingin na ibinibigay nito. Something was up with this oldman. I knew it. Hindi pwedeng magkamali 'tong mga mata ko dahil— "FVCK!" ngiwi ko sa sakit at nahimas ko ang binti ko. Marahas akong tumitig sa pandak na babaeng nasa harap ko at ubod ng sama ko siya tinitigan. "Ano bang problema mo?!" asik ko at nakita ko ang pangungunot ng noo niya.

"Wag mo 'kong tawaging 'Oi' dahil may pangalan ako! At isa pa, ganyan kaba talaga makiusap sa nakakatanda? Lolo mo yan kaya respetuhin mo naman siya!" sigaw niya at seryoso ba ang isang 'to?

Tumuwid ako ng tayo at hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Kung anuman ang itawag ko sa kanya, wala ka nang pake—OW!" tiningnan ko siya ng masama nung sipain nanaman niya ako. "Hindi kaba titigil?!" nagkasukatan kami ng titig at lalong sumama ang tingin ko sa kanya. Naikuyom ko ang mga palad ko at sa huli, napamura na lang ako.

"Bahala kana nga dyan!" sigaw ko bago ako umalis pero napatigil ako nung marinig ko ang malamig na boses ni tanda.

"Hunter." Huminto ako pero hindi ako lumingon. "Ikaw na ang maghatid kay Miss Georgina." Napatingin na ako sa kanila at nakita ko na nagulat din ang pandak na babaeng 'to.

"Naku Lo wag na ho.. k-kaya ko nang umuwi mag-isa."

"But it's already too late. And besides, Hunter is more than willing to take you home. Right son?" Bumaling si tanda sa direksyon ko at binigyan ako nito ng isang makahulugang ngiti na ngayon ko lang nasilayan. Pero ang ngiting iyon ay puno ng pagbabanta na tila ba magpaparusa sa'kin sa oras na suwayin ko ang gusto nito.

My jaw clenched and my fists tightens on my sides. Pero sa huli, ibinulsa ko na lamang ang mga iyon bago ako nagsalita. Tumitig ako kay pandak at sinalubong naman niya ang tingin ko. Naglakad ako patungo sa kanya at hindi ko inalis ang titig ko hanggang sa magsalita ako. Nagbago agad ang ekspresyon ko.

"He's right, Georgina. I will take you home." Mahinahon kong sabi bago ko hinawakan ang kamay niya. Pero natigilan ako nung makaramdam ako ng saglit na kuryente sa mga palad namin. I thought I felt an electrifying sensation that runs quickly through my veins and it stops right at the center of my chest as if something stir from it. I was shocked for a second but then decided to ignore it.

"May problema ba hijo?" nagbalik ang tingin ko kay tanda at nakita ko kung papa'no tumaas ang sulok ng bibig nito sa isang makahulugang ngiti. Umiling ako habang nakakunot ang noo.

"Nothing. Aalis na kami." wika ko at matapos magpaalam ni Georgina, kinaladkad ko na siya patungo sa garahe kung nasaan ang motorbike ko. Just what in the world happened there? That's so weird.

Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon