Chapter XXVIII - Friend Request

2.3K 71 1
                                    


Georgina Reyes

"Oh, Georgina, hindi kapa ba uuwi?" tanong sa'kin nina Jake kasama niya sina Kyle at Ivan na nakatayo sa may hamba ng pintuan.

Nginitian ko sila. "Ah, hindi pa. Tatapusin ko muna 'tong lecture ko." pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan, hinihintay ko lang silang mag-alisan para makapagumpisa na 'kong maglinis. Hindi kasi alam ng mga 'to ang deal na ginawa namin ni Hunter. Hindi ko na kasi sinabi at baka kuyugin nila ang unggoy na 'yon. Ako pa ang mamoblema.

"Hindi ba pupuwedeng mamaya mo na tapusin yan sa bahay niyo?" tanong ni Ivan. Nag-iba bigla yung ekspresyon niya at sa totoo lang, hindi ko mabasa kung ano. Medyo worried siya pero may nasasagap pa rin akong higit pa ro'n. Hindi ko lang matukoy kung ano.

Umiling ako. "Hindi na. Sige, mauna na kayo. Saglit na rin lang naman ako eh." sabi ko at mabuti na lang hindi fairytale 'tong buhay ko at hindi ako sa pinocchio na humahaba ang ilong kapag nagsisinungaling.

"Are you sure?" tanong ulit ni Ivan at sa totoo lang, naiilang na 'ko sa ikinikilos niya.

Tumango na lang ako at umiwas ng tingin. "Oo naman.. Tsaka, kasama ko naman umuwi si kuya." Well ewan ko lang kung sasabay sa'kin ang isang 'yon.

"Alam mo-"

"I'm fine. Really." putol ko sa sasabihin niya habang nakatingin ako sa kanya. Napansin ko na nagulat sila sa inasal ko kaya iniba ko agad ang ekspresyon ko. I sigh. "Okay lang talaga ako at mauna na kayo please." saad ko bago ko binalingan ang ginagawa ko.

"O-Okay.." narinig kong sabi nila.

Narinig ko ang mga yabag nila papalayo. Pero kahit nakayuko ako, sa gilid ng mata ko eh napapansin ko pa rin si Ivan na nakatayo dun sa may pinto at nakatitig sa'kin. Sinikap kong huwag iangat ang ulo ko at tingnan siya. Baka kasi magkulit nanaman siya at sa bandang huli eh magpaiwan pa rito.

"Take care Georgina." he said before he leave. Nung masiguro kong wala na siya eh nag-angat na 'ko ng tingin at bigla akong nakaramdam ng relief.

Haay.

Pero nananatili sa isip ko ang tingin na ibinibigay ni Ivan. Nitong mga nakaraang araw eh medyo weird siya. Hindi man niya pinapahalata sa iba pero hindi niya maloloko 'tong mapanuri kong mga mata. Tsaka may napapansin akong bago sa ikinikilos niya kapag kasama ko siya. Lagi na lang siyang nagaalala gayong hindi naman siya ganun dati. Madalas ko rin maramdaman ang titig niya at sobrang protective niya kahit hindi ko naman kailangan ng tulong eh lagi siyang naririyan. Ano kayang problema niya?

"Hm. I wonder what you're thinking right now."

Blink blink.

"Seems like serious stuffs.."

Blink blink blink blink.

I frowned. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Hunter. He was leaning against the back of the chair habang nakapatong yung mga braso niya sa sandalan at nakaharap siya sa'kin. Nakatitig siya actually. Pero nakakapagtaka naman at hindi ko siya agad napansin. Kelan pa siya dumating?

"Your face is so interesting so I decided to hang out a little."

"Ah. So nandito ka para pagtawanan ako?"

Narinig ko siyang tumawa. Pero hindi 'yon yung tawa na masarap pakinggan sa tenga.

"Well, hindi naman." He said at ngalingali ko siyang batukan.

Nagbuntong hininga ako at inayos na ang mga gamit ko.

"Bakit hindi kapa umuuwi?" tanong ko.

"Wag mong sabihin nakalimutan mo agad?" balik niyang tanong at natigilan ako.

Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon