Georgina Reyes
Kumuha ako ulit ng scoop ng ice cream at ninamnam ko yun hanggang sa matunaw yun sa bibig ko.
Ahhh~ Grabeee... Ang sarap talaga... Mmmmmmm....
"Oh ano? Okay kana?"
Tumingin ako kay Hunter pero mabilis ko rin siyang inisnob pagkatapos.
"Tch." Naglakad ako ahead sa kanya at iniwan ko siya.
Asar ah. Dapat hindi ako natutuwa sa ibinili niyang ice cream! Meron bang nakidnap na natutuwa? Wala diba? So dapat mainis pa 'kong lalo sa kanya!!
< ... >
Hmm. Pero in fernes. Masarap 'tong ice cream na binili niya. Well. Yun lang. At dapat naman talaga gawin niya 'to since isinama niya ko rito na labag sa kalooban ko right?
Tama.
Hmm.. Papa'no ba 'ko napasunod ng ganito sa kanya...
< Flashbacks, 20 minutes ago... >
Nung mabilis na pinaharurot ni Hunter yung kotse niya eh wala na 'kong nagawa kundi titigan na lang siya. Ano pa ba ang isasatsat ko eh nakasakay na ko rito?! Asar.
Tiningnan ko siya ulit. At kung puwede lang talagang makapatay ng tao gamit lamang ang tingin eh baka nasapul ko na ang isang 'to! "San mo ba kasi 'ko dadalhin!?" naiinis kong tanong. Nakakabuwiset kasi! Sapilitan ba 'kong isama sa kanya?! Leche talaga. Hindi tama yo'n!
Tch. Naalala ko tuloy yung mga tao kanina. Habang nandun nga kami eh kami na lang yung pinagtitinginan lalo na yung mga estudyante. Naku. Panigurado nanaman na kami ang nasa front page ng school newspaper bukas. Haaaiii—!! Asar talagaaa!!
"Puwede bang sumama ka na lang ng hindi nagtatanong?"
Aba't—! Hinampas ko siya sa braso. "HOY! Gunggong ka! Dapat lang akong magtanong dahil kidnapping 'tong ginagawa mo! Gusto mo bang ireport kita sa pulis!??" galit kong sabi.
"Hindi mo 'yon magagawa."
Tumaas ang kilay ko dun sa sinabi niya. "At bakit naman hinde??!!"
"Dahil magrereklamo naman ako ng pambubugbog. Pasalamat ka nga at hindi kita iginapos." sabi niya na ikinagulat ko. "Grabe ka. Andami ko nang pasa mula sa'yo ngayong araw na 'to."
"Anong sabi mo?!! Ikaw—!!!" Hinampas ko siya ulit sa braso ng maraming beses. "EH PA'NO WALANG HIYA KA KASI! GUNGGONG KA! UNGGOY!!"
"ANO BA?!!???"
Huminto ako. "Ganyan ka ba talaga kadesperado?!! Isinasama mo na lang ang isang tao kahit ayaw?!" sigaw ko.
Tumingin siya sa'kin saglit. "At ikaw!? Hanggang kelan mo ba 'ko hindi papansinin at kikibuin?!" balik niyang tanong.
Natigilan ako bigla at narealize ko yung sinabi niya. Pero hindi rin nagtagal nung umiwas ako ng tingin sa kanya at hindi na kumibo pagkatapos.
"O kita mo? Nasabi ko lang yo'n eh hindi mo na 'ko pinansin. Mabuti pa nga siguro na ginagawa ko ang mga ganito. At least kahit na nasisigawan mo pa 'ko at nasasaktan eh napapansin mo pa rin ako. Tch. Problema niyong mga babae kayo? Haaaii—!"
Ano???!! Problema namin?!! Eh sila ngang mga kutong lupa ang may problema!! Mga leche kasi kayong mga lalake eh! Panggulo sa buhay! Dapat sa kanila eh ipinapakain sa pating o kaya sinusunog ng buhay! Asar kasi! Mga walang—teka lang!
BINABASA MO ANG
Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]
ActionShe's just your average teenager who lives a simple life in her own fairytale. A simple girl like the others, but if you mess with her kind, she can be deadly and dangerous. But what happens if she ever finds love and her heart beats for real? Uh...