Chapter XXXIX - Bedlam

2K 69 1
                                    

Georgina Reyes

Kinabukasan pagkagising ko, ibang iba yung mood ko. Pakiramdam ko nga nakalutang sa Cloud 9 yung utak ko. Nakakaamaze kasi yung feeling. Parang hindi totoo yung kagabi. Ewan ko ba kung bakit ganun ako kababaw samantalang anong espesyal dun na nakijoin lang naman si manong janitor sa'min sa dinner diba? Ang weird. May saltik na kaya ako? O abnoy?

"Earth to Miss Reyes?"

Padala na kaya 'ko sa mental?

< Flashback.. kagabi. >

Busy ako sa pagkakalkal sa phone ko nung biglang ianunsiyo ni kuya na may bisita. Napatayo ako at mabilis na tiningnan yung dumating pero natigilan ako nung makita ko kung sino 'tong bisitang sinasabi niya.

Napako ako sa pwesto ko na parang isang bato. Nagsimula na rin dumagundong ang pintig ng puso ko nung magkatitigan kami ni manong janitor. Oo, siya nga. At hindi ko nanaman maintindihan kung bakit biglang napapatalon 'tong puso ko sa tuwa. Grabe.. ang labo. Ang lakas ng kabog na tila ba sasabog. Hindi ko maintindihan kung bakit pero parang ang saya sa pakiramdam na makita ko siya?

Dinama ko ang puso ko. Ang bilis talaga. Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit ganito ako kung makapagreact?

"Good evening hija." isang simpleng bati ni manong na nagpainit sa mukha ko at dahil do'n, napatungo na lang ako sa hiya.

< end. >

Ang weird talaga. Ano bang meron at ganito ako umakto sa harap niya? Oo at well, guwapo si manong. Pero hindi ko siya type no. It's just.. my heart felt so warm whenever I see him. Weird but, why does it makes me so happy?

"MISS REYES!!"

Napatayo ako bigla nung marinig ko ang pangalan ko. Sumigaw ba naman si ma'am di ka matatakot?

"Y-YES MA'AM!!" sigaw ko rin sabay tuwid ng tayo. Kulang na lang nga saluduhin ko na. Pero bigla rin akong natigilan nung makita ko na nakasalubong yung mataray niyang kilay. Mukhang bagong shave pa naman at tama ba yung nakikita ko? Nagdilim yung paningin niya? Grabe ang talas talaga ng mata ko pagdating sa ganito. Nakakatakot. Kamukha na tuloy niya si Becky Flores. Hihihihi. Pero ang taray ng kilay ah.

Napahagikgik tuloy ako sa naisip ko. Di ko mapigilan.

"MISS REYES." Mariin na sabi ni ma'am kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Po?"

"Nakikinig kaba talaga?" mataray at naiinis niyang tanong.

Napalunok ako at sinubukan kong ngumiti. "A-Ano nga po 'yon ma'am?" tanong ko at bigla niyang hinimas yung sentido niya.

"Seriously, you're distracting my class Miss Reyes." She said at bigla akong natigilan.

Halaaa si ma'am OA. Distracting daw eh ang tahimik nga ng klase namin. Sus.

Napatingin ako sa paligid at tumambad sa'kin ang mga reaksyon nila. Lahat nakatingin nga sa'kin. Si Francis na nakanganga habang si Clark na nakanguya ng chewing gum na pumutok yata nung sumigaw ako. Andun pa kasi sa mukha niya yung gum. Kadiri. Tas si John na nagising from a nap.. si Jake at Kyle na naka-facepalm at umiliing habang nakatingin sila sa'kin. Teka, anong ibig sabihin no'n? Tch. Gunggong.. Tapos ito namang si Shin, Rico, Ben at Kevin e humagikgik! Anong nakakatawa?! Tch. Si Amanda at Ivan na nakangiti at si--as usual, wala nanaman siyang pake. Sarap batukan para magising. Hmph!

Pero teka. Bakit ako lang 'tong napapagalitan samantalang pati ang unggoy na 'to eh natutulog lang!? Ang unfair ah! Ganito ba talaga rito?! O baka naman may crush 'tong si ma'am kay Hunter?

Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon