CHAPTER XVIII - A not so ordinary meetings ( Round I )

2.4K 69 1
                                    

Georgina Reyes

At dahil exam week na, wala naman kaming masyadong ginawa kundi magreview para sa test. Nakakabagot nga eh. Pero buti na lang at mabilis ding natapos ang klase namin. At dahil naiinis pa rin ako sa asungot na lalaking 'yon, ayun, hanggang sa kahuli-huling minuto eh hindi ko pa rin siya pinansin. Buwiset.

Haaaaaaaist—! Kumukulo talaga ang dugo ko kapag naaalala ko ang pangyayaring 'yon! Sino ba naman ang matutuwa dun sa mga pinagsasabi niya sa mga kaklase namin!? Ang kapal talaga ng mukha!! Papa'no niya nasasabi nang ganung kadali ang bagay na yun!? Nakakaasar ah! That was so embarrassing! At.. at... sa harap pa ng iba!! Aaarrgh!! Mamamatay yata ako sa hiyaaa! Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga 'yon?! Baka isipin nila na.. okay. I admit. Flat chested ako. Inaamin ko naman eh. Pero kailangan ba talaga niyang ipagsigawan pa 'yon?!! Putik ah!

Mabigat ang paa ko nung umapak ako sa panghuling step dun sa hagdan, pero hindi ko napansin yun sa sobrang pagiisip.

"Whoa. Watch out." sabi ng kung sino sabay hapit sa braso ko. Tumingin ako at nakita si Ben. "You'll get trip kung hindi mo tinitingnan ang nilalakaran mo." Sabi pa niya sabay bitiw sa braso ko nung makapagbalance ako ulit.

"T-Thanks.." sabi ko na ginantihan lang niya ng ngiti. Pababa na pala ako sa stairs para umuwi at nagkataon naman na kasabay ko siya.

Pinagmasdan ko siyang mabuti lalo na ang kalagayan niya. Mukhang okay na siya pero nakasupport pa rin ang braso niya at meron ding mga gasgas at pasa ang mukha niya. Haayyy. Grabe talaga ang nangyari sa kanya. Mabuti na lang pala at dumating ako that time dahil kung hindi eh baka may pinaglalamayan na kami ngayon. Tch. Buwiset na Carlos na 'yon!   

"W-would you.."

"H-Ha?"

Umiwas siya ng tingin. "Would you stop staring? It's..it's embarrassing.." sabi niya sabay takip sa mukha niya gamit ang sleeve ng school jacket niya. Pero napansin ko na namumula ang tenga niya.

Ohhh~ The dude is blushing. Fufufu.

Humigikgik ako pero hindi rin nagtagal at naging tawa yun. Eh kasi... fufufu. "Hahahaha! Silly!" sa sobrang tuwa eh hinampas ko ang balikat niya. "Oh!" Hinawakan ko ang braso niya. "Omigosh—! Sorry!" sabi ko. Gosh. Napalakas pala ang paghampas ko.

"Uh.. i-it's.. okay..grabe.. mapipilayan yata ako ulit sa'yo."

"He-he. Sorry." Paumanhin ko ulit. Gosh. Nakakahiya.

"It's okay. I'm just joking." Sagot naman niya bago siya ngumiti.

Hay, buti na lang.

Tahimik lang kami habang naglalakad palabas ng skul. Awkward nga masyado. Pero wala naman kasi akong alam na sabihin.


< ... >


Ah! "Kamusta na pala ang pakiramdam mo?" tanong ko.

"I feel better." Sagot niya. "Thanks to you." Dagdag niya sabay ngiti na hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin dun.

Napakunot ako ng noo. "For what?"

He just shrugged. "Well who knows?" sagot niya pero sa totoo lang eh hindi ko magets ang sinabi niya. "Ohh.. Here." May inabot siya na isang kahon. "Those are patches. Masakit pa rin ang katawan mo right?"

"Ahh.. y-yea.. T-thanks.." sagot ko at masaya kong tinanggap ang mga 'yon. Tiningnan ko yung binigay niya. Hindi yun salonpas pero mukhang mamahaling brand ang isang 'to. Magkano kaya 'to? Anyway.. "Thank you ulit." Pasasalamat ko at sana eh effective 'to. 

Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon