Chapter XXV - Identity

2.5K 66 1
                                    


Georgina Reyes

"Good job! I'm totally impressed!"

Napanganga ako sa itinuran ni Sir Jinggo. Hell no! Please tell me he's kidding and I'm just hearing things—Right?

"Ahm.. S-Sigurado kaba s-sir?" halos ikaapat na beses ko na yata naitanong!

Tumingin silang dalawa sa'kin. Umisod ako ng konti. "Ahm. Sir baka naman kailangan niyo lang magsalamin. I-check niyo hong mabuti. Baka mali lang basa niyo."

Sir Jinggo's eyes narrowed on me. "Don't you trust my criticism Miss Reyes?" tanong ni sir at kahit sila lang dalawa eh nanliliit ako.

I cleared my throat and stood straight. "Well.. I-I'm just making sure sir."

"Maybe she's still amazed." said Hunter with a smug look and my mouth just open wide in shock.

AMAZED?! No freaking way would I be amazed monkey! Kung hindi ko pa nalalaman eh baka sinuhulan mo si sir! Arrgh!

Although I want to slap those words to his ugly face just to wipe off that grin—! I can't. Baka ikabagsak ko pa. Not worth it.

"Well, to be honest, this is perfect. Very detailed kahit na maikli lang ang istorya. This is what I'm looking for." komento ni sir at kulang na lang eh mapasuka ako sa mga naririnig ko. "Actually, hindi nga sila nagkakamali na matalino talaga 'tong si Mr. Lawson kung pag-iigihan niya ang kanyang pag-aaral." sabi pa ni sir at yung unggoy, di magkamayaw yung ngisi. Pero bigla na lang nawala yun sa sunod na sabi ni sir. "Alam mo kapag ipinagpatuloy mo 'to baka malampasan mo pa ang kapatid mong si Skyler." sabi nito sabay tap sa balikat ni Hunter. Napansin ko yung mga kamao niya. They're clenched so tight that his knuckles begins to turn white. His jaw tightens and I can sense dark aura around him. Bigla akong naalarma at kinabahan kaya bago pa maging masama ang kahahantungan ng sitwasyon eh umalma na 'ko.
"Ah.. sige na ho sir. A-Aalis na kami." sabi ko bago ko hinapit sa braso si Hunter at kinaladkad siya palabas ng faculty room. Inakay ko siya hanggang makalayo kami. Pero nanatiling ganun pa rin ang reaksyon niya. Blanko.

"So. Ano nang gagawin natin?" tanong ko para maiba yung mood niya. Tumingin lang siya sa'kin ng matagal ng hindi nagrereact. "Haaay.. ano ba yan.. kailangan ko ba talagang gawin 'yon?" I tried again pero mabuti na lang at nagrelax na rin yung mga kamay niya. Mabuti naman.

Nagbalik yung kunot dun sa noo niya. "You lose the deal and you don't want to do it?"

"Jeez. If I know, you definitely cheated." I joked but I think he took it seriously dahil naging dark ulit yung aura niya.

He laugh sarcastically. "I really can't believe you guys. Ganyan ba talaga kayo? Mabilis maghusga kahit hindi niyo pa sila nakikilala ng husto?" he said disappointed before he turned on his heel and left me dumbed founded.

"Hunter wait!" sumunod ako sa kanya. "I was just joking! You don't need to get mad okay?" sabi ko pero hindi pa rin siya lumingon. Damn.. "Okay, I'm sorry. Hindi ko lang kasi mapigilan ang magtaka. Hindi mo naman ako masisisi gayong hindi ka naman ganyan sa klase. Iba ang Hunter na kilala ko. At masyadong malayo sa idinescribe ni sir." Alam ko na hindi lang para sa'kin yung itinuran niya. Para rin yun sa ibang tao na judgmental na hinuhusgahan ang pagkatao niya.

"Oo na. Alam ko naman na barombado at bobo ako sa paningin ng iba. But that doesn't mean you can judge me."

I took a deep breath before continuing. "Look, maybe.. they just don't understand." I replied but he didn't respond and I continue. "Baka hindi pa nila nakikita kung ano talaga ang ugali mo. Nasanay kasi sila na.. troublemaker ka. Tamad. Puro away inatupag. Mainitin ang ulo at hindi nagpa-participate sa mga school activities. Malamang ganun ang iisipin nila since hindi mo naman ipinapakita yung totoo mong ugali at abilidad." sabi ko at bigla siyang huminto. Hinarap niya ako at tinitigan. He suddenly gets more serious.

Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon