Chapter L - My Kryptonite I

2K 64 1
                                    

Georgina Reyes

Pagkagising ko kinabukasan, nakatanggap ako ng masamang balita galing sa mga kaklase namin noon na nasa ospital daw sina Felisse at malubha ang kalagayan ng mga ito. Dala na rin ng kaba at takot, nagmadali akong nagpahatid sa ospital at lumiban muna ako sa klase para kamustahin ang kalagayan nila.

Habang nasa biyahe pinilit kong kalmahin ang kumakabog kong dibdib para makapagfocus ako ng maayos. Pero shit.. I can't believe this. Okay lang sila nung iwan namin tapos ngayon nalaman ko na..

Napapikit ako ng mariin at pinilit kong burahin sa utak ko ang negatibong bagay na 'yon. Hindi naman sana tulad ng iniisip ko ang nangyari sa mga 'to. Diyos ko, wag naman po sana.

"Nandito na ho tayo Miss."

Pagkahinto ng kotse, mabilis akong bumaba.

"Ma'am hihintayin ko na kayo."

Nilingon ko si manong. "Wag na manong salamat ho." tumakbo ako at tinungo ang receptionist para malaman ang kuwarto nila pero sinabi sa'kin na nasa ICU pa rin sila. Maraming ICU sa part na 'to, pero sa lahat naman yung nasa third floor pa ang kinaroroonan nila. Wala akong choice kundi takbuhin 'yon para makarating ako kaagad.

Pagkabukas ng pinto ng elevator, lumabas ako agad at nadatnan ko ang pamilya nila sa labas ng ICU na naghihintay. Hawak ang dibdib ko, lumapit ako sa mga 'to para makibalita. Hindi pa rin ako mapakali sa sobrang kaba at habang lumalapit ako, palakas ng palakas 'yon.

"T-Tita.." tumingin silang lahat sa'kin at lumapit pa 'ko. "K-Kamusta na po si-"


*PAK!*


My eyes widen in shocked at naramdaman ko agad ang kirot sa ginawang pagsampal sa'kin ng nanay ni Felisse. Tumingin ako sa kanya habang hawak ko ang pisngi ko.

"Hindi kana dapat pumunta rito! Ang kapal ng mukha mo..!" bigla niya 'kong hinapit at pinaghahampas pero hindi ako kumilos para pigilan siya. Hinampas, hinablot niya ang buhok ko at pinagsalitaan ako ng hindi maganda. Pero nanahimik ako at tinanggap ang lahat ng iyon kahit wala akong alam kung bakit siya nagkakaganito.

"Hanggang dito ba naman hindi mo pa rin sila nilulubayan?! Agghh! Ikaw ang may kasalanan kung bakit malubha at hindi pa rin sila nagigising!!"

"Felicia! Tama na!" inilayo siya sa'kin pero nanatili ako sa puwesto ko at hindi makatingin sa mga 'to sa sobrang hiya. "Sige na hija mabuti pa umalis kana muna." Narinig kong sabi ng asawa nito. Sumunod nalang ako at tahimik na lumayo. Pero ramdam ko ang bigat ng pakiramdam habang tinatahak ko ang daan. Parang may batong nakapatong sa dibdib ko at binibigatan nito ang katawan ko kaya pati paghakbang, halos hindi ko na magawa.

Huminto ako pero nagumpisa namang mag-init ang sulok ng mga mata ko. I bit my lower lip and fight back tears but damn, it's too painful to bear.

Pinilit ko ang sarili ko at tumakbo ako para lisanin ang lugar. Bumuhos na rin ang luha ko at kahit anong punas ko, hindi pa rin mawalawala ang mga ito katulad ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Grabe ang tindi ng sakit sa mga salita nila kesa sasakit na natamo ko sa pagsampal at paghampas sa'kin. Yung sakit sa katawan kaya kong tiisin pero ang sakit dito sa dibdib eh hindi. May gamot ba para mawala ang sakit na 'to?

Huminto ako nung makalabas ako sa ospital at kinabog ng maraming beses ang dibdib ko para ibsan ang sakit.

"Aggh!" Stop hurting already! Tama na...

"Georgina.."

Unti-unti akong tumingala nung makilala ko ang boses na 'yon at agad kong nakita ko si Hunter na nakatayo sa di kalayuan. I sob but I bit my lower lips to stop myself yet my tears just don't stop. Lalong bumuhos ang mga 'yon kaya napatakbo ako patungo sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Gaya ng dati, nanatili siyang tahimik at hinayaan niya 'kong umiyak while I sobbed like a child in his arms.

Fall in Love to the Delinquent Princess [ COMPLETED ] [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon