1. Baekhyun

9.4K 238 71
                                    

"Name: Byun Baekhyun

Age: 17

Place: Sa harteu mo

Status: Virgin

Sex: Saan?

Birthday: Every Year

About me: Maganda, Sexy, Bakla, Cute---"

Napatigil ang lalaki sa nabasa nya sa isip —thankfully—habang si Baekhyun na nasa harap nito, kagat-kukong nakatingin lang sakanya.

"Pasok na po ba ako?" Inosenteng tanong ni Baekhyun.

"Who wrote this shit?!?" May halong pagkainis na tanong ng lalaki. Hindi man agad naintindihan ni Baekhyun ang tanong pero agad nalang syang napasagot dahil sa gulat.

"Who wrote that sheet of paper? Ahm, my friend" nakangiting sabi ni Baek pero agad naman itong napawi nang muntik nang mapunit ang dating malinis na papel.

"GET OUT!!" sigaw ng lalaki sabay tapon ng bio data ni Baekhyun sa mukha nito.

-----

Baekhyun's POV

Naglalakad ako ngayon sa isang pamilyar na daan patungo sa bahay naming habang umiinom ng coke. Parang feeling ko ang itim itim ko na dahil ang init tangina. Mahal na nga yung skincare ngayon, mas mahal pa yung pamasahe pantaxi. Sirang sira na nga araw ko ngayon dahil sa paulit-ulit na sagot na kanilang itinapon sakin like "get out", "I'm sorry", "do you think this is a joke?" pagkatapos basahin tung papel na to.

"Kahit security guard ayaw pa akong i-hire. OA naman kala mo malaki kita"

Biglang lumipad mula sa kamay ko ang folder nang dumaplis sa gilid ko ang nakabike na mama.

"Sorry!"

Kelaki laki ng kalsada, dito pa talaga sakin papunta. Gagu yun ah.

Kinuha ko nalang ang papel na kumalat na ngayon sa putik dito sa kalsada. Kung hindi ba naman kamalasan tawag dito.

Kunot-noo kong dinampot ang isang papel na humiwalay sa folder at taimtim itong tinitigan. Speaking of, hindi ko maalalang nabuksan ko tong folder nato ever since naibigay to sakin ng lintek kong kaibigan. Siguro nga may something wrong talaga dito eh. Knowing him, mas gagu yun eh.

At hindi nga ako nagkamali, picture ko palang sa cover letter, alam mo bang kalokohan na talaga lahat.

"Bweeeesit!!"

----

"Oh ineng! Kumusta naman ang paghahanap mo ng trabaho?" Tanong sakin ni Yaya Yoyo habang nakangiting sinalubong ang kamalasang dala ko sa mundo.

Hindi kami mayaman okay. Kaya nga ako naghahanap ng trabaho diba? Hindi porket yaya tawag ko sakanya, katulong ko na sya.

"Aling Yoyo, wag nyo nang ipaalala sakin yung nangyare" sagot ko tsaka umupo sa couch namin.

"Bakit naman ineng"

"Aling Yoyo naman!! Wag mo na akong tawaging Ineng. Lalaki po ako and 100% straight" sabi ko sabay nguso. Aware akong pambabae yung ineng. Parang inherited name na nya yan para sakin galing kay Mama.

"Basta, ikaw si Ineng" sabi nya sabay kurot sakin sa pisngi.

Hindi ako si ineng. Ako si Byun Baekhyun. 17 years old. Kung tutuusin mas alam pa ng ibang tao tong sexual orientation ko kesa sakin eh. Ang alam ko lang straight ako pero ewan ko kung bakit palagi nalang nila akong tinanong kung may boyfriend ba daw ako. Just so you know, kamukhang kamukha ko si Mama kaya naalala nila ako sakanya. 5 ako nung namatay sa aksidente sina Mama at Papa habang yung dalawang kapatid ko naman, nawala pagkatapos ng aksidente. The reason why I only have yaya yoyo right now.

"Peek-a-boo!!"

"Ay tangina" kakasimula palang ng storya, mamamatay na ako sa gulat.

"Eey! Anong iniisip mo?" Tanong sakin ng nagiisa kong kaibigan. Nag-iisa na nga, demunyu pa. Kung pwede lang mambura ng taong nangagalang Oh Sehun sa mundo, kanina ko pa ginawa letse.

"Ewan ko sayo! Hindi kita papansinin!" Tampong tampo ako ngayon nang dahil sakanya tapos nanggugulat pa.

Wala narin ako sa mood ipakilala tong baliw kong kapitbahay dahil tbvh, wala naman tong naidulot na maganda sa buhay ko eh bukod sa itinuring nya akong kaibigan.

"Babe, sorry na" sinapak ko sya sa sentido para matauhan naman sya sa pantasya nyang puro kabaklaan.

"Tigilan mo ko" sabi ko at tumayo, "at pakilayas narin dito bwesit ka"

"Babe, sorry na kasi! Ginawa ko lang naman yun dahil baka wala ka nang time sakin" sabi nya at mas humaba pa mukha nya dahil sakanyang malungkot nyang awra.

"Ang dami namang paraan Sehun pero bakit ganun ang naisip mo!? Pinahiya mo naman kasi ako eh! Ang babastos ng mga nakasulat!!" Sigaw ko sa mukha nya.

"Ang bango ng hininga mo Babe!! Pwedeng pakiss?" Binatukan ko sya ng paulit-ulit.

"Aray oo na nga titigal na. May sasabihin nga pala ako. Sabi ni Mommy, punta ka daw samin. Birthday ni Greil" tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. Tingnan mo to, pati sa buhay malabong magiging seryoso pa to. Buti pa aso nyang babae nagkakabirthday party. Nahiya naman ako na isang tao lamang.

"Maghahanap pa ako ng trabah--" bigla nyang hinawakan ang braso ko.

"Samahan mo ko bukas sa mall kasi sabi ni Mommy, ipapasyal daw natin si Greil. Bye!" Sabi nya tsaka lumabas ng bahay. Timang din to eh.

Mayaman sina Sehun dahil millionaryo ang Daddy nya. Kung hindi ko lang to tinanggap bilang kaibigan, pineperahan ko na yun eh. Pero wala eh, loyal ako sa barya.

---

feeling ko kailangan ko bang magedit dahil putangina, anong klaseng pagkakasulat to?? Ahaahahaaha grade 7 pa ata ako dito eh.

*EDITED

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon