69. LuBaekSoo

844 49 30
                                    


3rd person's POV

Napahawak si Luhan sa doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto. Binagsak nya pasara ang pinto kaya napatingin ang dalawa sakanya.

"Luhan, san ka galing?" Tanong ni Kyungsoo at inalayan si Luhan na umupo sa sofa. Hindi nya pinansin si Kyungsoo at nagsimulang umiyak.

"Lu, anong nangyari?" Tanong ni Baekhyun at hinawakan ang kamay ni Luhan. Hindi parin sya sumagot.

Napasabunot si Luhan at sumigaw. Lumayo naman si Baekhyun at Kyungsoo sakanya.

"Ayoko na!! Hirap na hirap na ako!" Sigaw nya at napatakip ng mukha.

"Luhan..."

"Hindi ko na kaya! Gusto ko nang itigil to! Hindi ito yung plano natin diba?!" Tanong nya sa dalawa.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Kyungsoo.

"Ang hirap magpanggap na hindi ko sya kilala. Ang hirap makita syang nasasaktan ng dahil sakin. Ang plano natin ay sinisira ng plano natin, naintindihan mo ba ako!?" Tanong ulit ni Luhan.

"Hindi kita maintindihan" sabi ni Baekhyun. Napahilamos si Luhan at napatitig sa sahig.

"Magdidisband ang KSY" napasinghap ang dalawa dahil dito.

"Hindi maaari!"

"Bakit?!"

Tinuro ni Luhan ang sarili nya, "Dahil sakin. Dahil sainyo. Dahil saatin. Nakausap ko si Sehun kanina. Syempre, nagpanggap akong hindi sya kilala. Nakita ko kung pano sya nasaktan habang sinasabi nyang aalis sya sa grupo. Aalis sya kasi gusto nya akong bumalik sakanya. Baek, Soo, gusto lang naman nating makalimutan nila tayo diba? Pinili natin tong planong to para makalimutan na nila tayo at bumalik sila sa dati. Ang plano nating ibalik ang dating sila nung panahong hindi pa nila tayo kilala. Pero ang planong yun ay nasira nang dahil satin.... Ewan ko, gusto ko lang naman syang maging masaya kahit nasasaktan na ako eh!!" Umiyak ulit sya.

"Tanginang yan. Ano bang nangyayari kay Sehun?!" Tanong ni Baekhyun sa sarili nya.

"I think he's mature enough" nabigla si Baekhyun sa sinabi ni Kyungsoo. Mature? Panong naging mature yun? "The fact na pinili nya si Luhan kesa sa magpatuloy sa career nya? He's mature enough right?"

"No Kyungsoo. Hindi pa sya mature sa lagay na yan. He loves his career so much!! Mas mahal nya yun kesa sakin!" Sabi ni Luhan.

"Siguro hindi natin alam na may nagbago, Luhan" sabi ni Kyung. Kunot noo syang tiningnan ni Luhan, "Siguro narealize nyang mas mahal ka nya kesa sa career nya. Narealize nyang hindi magiging buo ang buhay nya pag wala ka. May ibang pinipili ang trabaho nila kesa sa makasama ang taong mahal nila. But Sehun's sacrificing himself to chose love over his job... Pareho lang tayo Luhan. Naalala ko nung panahong nakipaghiwalay ako kay Kai dahil sa isang issue. Sabi nya sakin titigil na daw sya sa pagiging sikat para lang sakin. Hindi ako pumayag... Sa sinabi nyang yun, alam kong mahal na mahal talaga nya ako"

Lalong umiyak si Luhan kaya niyakap sya ni Kyungsoo. Tahimik silang tiningnan ni Baekhyun.

"Ako... Kelan kaya nyang isakripisyo ang sarili nya para sakin?" Tanong ni Baekhyun. Napatingin ang dalawa sakanya, "Kailan kaya nya akong handang ipaglaban? Kailan kaya sya aalis sa grupo para lang sakin? Siguro nga mas mahal nya ang career nya kesa sakin diba? Siguro nga. Hindi nga nya masabi saking mahal nya ako eh" napaiyak si Baekhyun dahil dun.

"Duwag si Chanyeol. Hindi nya lang siguro alam kung pano ipakita ang pagmamahal nya sayo Baekhyun" sabi ni Kyungsoo.

"Hindi eh. Hindi nya ako mahal. Nihindi nya ako kayang ipaglaban. Mas pinili pa nyang pakasalan si Hyuna noon kesa sa ipaglaban ako sa Lola nya. Hinayaan nya rin akong umalis noon kesa sa pigilan ako at sabihin saking mahal nya ako. Siguro nag-a-assume lang ako? Siguro hindi nya talaga ako mahal kagaya ng pagmamahal ni Kai at Sehun sainyo. Siguro ako lang yung nagmamahal saming dalawa"

Humiwalay si Luhan sa pagkakayakap nya kay Kyungsoo at lumapit kay Baekhyun.

"Baek, mahal ka ni Chanyeol. Alam namin yun. Yung mga tingin nya sayo, hindi mo ba yun napapansin?" Tanong ni Luhan.

"Kasi nakikita nya ang Mama ko sakin. Siguro yun nga" Parang lahat ng naiisip nya puro negatibo.

"Baek..."

"Aamin kayo, magpapatuloy ako. Mahal na mahal kayo ng taong mahal nyo kaya tapusin nyo nang pagpapanggap nyo. Ako, ako ang magbabalik kay Chanyeol sa dating buhay nya nung hindi pa nya ako nakilala. I'll continue to pretend like I don't know him. Siguro mas tatahimik sya pag wala ako diba?" Hinawakan ni Kyungsoo ang braso ni Baekhyun.

"Wag kang magsalita ng ganyan Baekhyun! Magsama-sama tayo. Walang maiiwan" sabi ni Kyungsoo.

"Hindi ako aamin hanggang hindi nya maiparamdam saking mahal nya ako Kyungsoo" sabi ni Baekhyun sakanya.

"Kung hindi ka aamin, hindi rin kami aamin. Hihintayin ka namin Baekhyun. Sama-sama tayo sa plano to" sabi ni Luhan, "Kailangan muna nating gawin ang isang mission"

"Mission?" Tanong ni Baek.

"Wag nating hayaang masira ang KSY. Yun ang mission natin"

~~~

Ang pangit na ng mga updates ko ngayon huhuhu how sad TT

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon