Baekhyun's POV"Kumain ka lang Baek. Mamaya itotour kita sa buong school kaya kumain ka ng marami kasi baka mapagod ka" sabi sakin ni Sehun tsaka nilagay ang mga pagkain na inorder nya sa counter. Nasa table ako ngayun ng kanyang mga kaibigan at nakakailang kasi andun ang weird na lalaking humila sakin slash yung lalaking kilala mama ko at yung lalaking humawak sa hita ko slash yung lalaking nasipa ko sa junior. Ang awkward.
"Wag mo lang pansinin ang mga titig ng mga tao dito" biglang nagsalita yung lalaking nasipa-ko-sa-junior, "Kung di mo pa ako kilala, I'm Kai. Kim Kai" sabi nito sabay lahad ng kanang kamay nya sa harap ko. Inabot ko naman kaya nagshake hands kami. Nakakahiya naman! Ang lambot ng kamay nya, sayang di ako nagsanitizer, "Woah! Ang lambot ang kinis ng kamay mo" sabi nito tsaka pinaglaruan ang mga daliri ko.
"Tsk, hyung!" Tawag ni Sehun dito tsaka binawi ang kamay ko, "Lalandiin mo nanaman si Baekhyun?!" Tanong nya dito. Ako? Lalandiin?
"Chill lang Se! Rerespetuhin ko yang si Baek no!" Sagot naman nya dito at kumindat sakin. Ano bang klaseng lalaki si Kai?
"At yan naman si---"
"Park Chanyeol" pagputol ng lalaking weird. Tumingin kaming tatlo sakanya. Ewan ko kung bakit natahimik silang dalawa. May mali ba sa sinabi ng lalaki? "Call me Chanyeol...... Hyun noona" nanlaki ang mga mata naming tatlo.
"Anong noona yan Chanyeol hyung?!?!" Gulat na tanong ni Sehun. Naku, mapapatay ko tong lalaking nasa harapan ko ngayun!! Tinawag ba naman akong noona?! Mukha ba akong babae?? Kelalaki kong tao tungunu nya!!!!
"I just remember someone!!!! Makareact kayo wagas!!!!" Sigaw nya samin. Nabigla naman ang mga tao sa loob ng canteen at napatingin samin. Yumuko nalang ako, "Bullshit" Ang lutong ng mura nya ah! Bulsit. Tama ba?
"Chill bro!! Si Sehun lang yung nagreact k? Putek, gusto mo Baek ako ang magtotour sa--" pero bago pa pinatuloy ni Kai ang sasabihin nya ay binatukan na sya ni Sehun.
"Alam kong mas gurang ka kesa sakin hyung pero di ko ipagkatiwala si Baekhyun sayo. Kasi baka sa oras na nasa tapat na kayo ng storage room--"
"Wag mo nang ituloy puta! Kebata bata mo pa, ang rumi na ng pagiisip mo!!" Sagot naman ni Kai dito.
Tumungo nalang ako para kainin ang nilibre ni Sehun sakin.
"Psst!" Habang nagdaldalan ang dalawa, tinawag ako ni Chanyeol. Yung lalaking weirdo.
Nilunok ko ang nilamon kong spaghetti tsaka humarap sakanya."Hmm?"
"Halika" sabi nya sabay galaw ng index finger nya sa harap ko sign na lumapit ako sakanya. Dahil curious ako sa gagawin nya, lumapit naman ako.
" Ang rumi mo kumain " nanlaki ang dalawa kong singkit na mata nang nilagay nya ang thumb nya sa gilid ng labi ko at pinunasan ang kung ano dun. Tumaas naman bigla ang mga balahibo ko tsaka napatitig lang sa mukha nya.
"Ch-Chanyeol... A-anong ginagawa mo? " sabi ko dahilan ng pagtigil ng daliri nya sa gilid ng labi ko. Nanlaki rin bigla ang mga mata nya tsaka tumayo bigla at naglakad paalis. Ang weird talaga. Baliw na ba sya? Galing ba sya sa mental? Nakadrugs ba yun? Tangina nya ah!
Luhan's POV
"Baek, anong nangyare dun?" Rinig kong tanong ni Sehun kay Baekhyun. Andito lang naman ako sa tabi ng table ng KSY, nakichismis.
"D-di ko rin alam S-Se.." nakita ko ang pagkuha ni Sehun ng tissue sa tray ni Kai tsaka pinunasan ang pisngi ni Baek then bigla itong tumayo.
"I-totour na kita. Tara!" Sabi nya tsaka hinila si Baekhyun paalis ng table nila.
BINABASA MO ANG
[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)
Fiksi PenggemarEDITING PROCESS CHANBAEK;KAISOO;HUNHAN It all started in a damn pretend. Oo may damn. Sino bang gustong maging boyfriend ng mga nagagwapuhang lalaking sikat at celebrity? SYEMPRE TAYONG LAHAT. Pero support yung tadhana sa LGBT kaya napili nya ang da...