74.

818 39 10
                                    

Kyungsoo's POV

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng kaluskos sa gilid ko. Ang sakit ng ulo ko shit parang mabibiyak talaga eh.

Tumingin ako sa gilid ko nang maramdaman kong gumagalaw nanaman ito. Dun ko narealize na nakatali pala ako. Agad akong napatingin sa gilid ko.

"Luhan?!" Napatingin sya sakin nang tawagin ko sya. Napatingin ako sa kabilang gilid ko at nakita ko si Baekhyun na nakatali rin kagaya namin pero hindi parin nagigising... Sinusulit talaga yung beauty sleep eh no.

"Kyungsoo, ano nang gagawin natin!? Katapusan na ba to?" Tanong ni Luhan.

Pilit kong tumango. Pilit kong iniisip sa sarili ko na okay lang kami. Magiging maayos lang ang lahat. Pero hindi ko kaya dahil alam kong hindi naman kami makakaligtas sa sitwasyong to.

Ginamit ko ang kanang paa ko para sipain si Baekhyun. Kailangan na nyang gumising dahil hindi ito ang tamang panahon para sayangin ang oras sa pagtutulog.

"Kyung? Luhan? Nasaan tayo?" Nagtanong pa.

Hindi namin sya pinansin at tiningnan yung nakatali samin. Bukod sa mahigpit ito, sino bang makakaligtas sa chain? Ulol lang. Ano to, pelikula tapos may baong susi para i-unlock yung lock o di kaya ililigtas kami ng kung sino dito.

Pero hindi ito isang palabas. This is the reality.

TOTOONG MAMAMATAY NA KAMI!!!

Pilit kong ikalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kailangan kong kumalma at magdasal.

Bago ko pa mabanggit ang pangalan ng panginoon ay biglang bumukas ang pinto. Napatingin kami dun.

"Well~ Looking fresh huh?" Iniwas ko yung tingin ko sa CEO. Kapag tititig ako pabalik, para narin akong nakatitig sa isang demonyo. Parang hinihila ako sa impyerno eh.

"Ginawa naman po namin eh!!" Nangingiyak na sabi ni Baekhyun. Napatili sya nang sipain sya ng isa sa mga lalaki. Agad naman kaming natahimik.

"I already told you to stay away. Magpakalayo kayo! Live your own life! Pero ano? NAGING IDOLO? MANAGER? PUTANGINA, GUSTO NYO BA TALAGANG MAMATAY" sigaw nito.

Hindi totoo yung sinabi ko kay Kai na nagpanggap kaming may amnesia para makalimutan nila kami. Kahit ako, masyadong lame yung reason na yun. Pero actually, isa rin yun sa reason.

But the real reason is, utos lang yun ng CEO. Kailangan naming lumayo sa KSY para matahimik sila at kalimutan kami. Yun ang gusto ng CEO. Ang CEO LANG ang may gusto nun.

Nangyari ang pangb-blackmail ng CEO namin nung kakarecover lang namin sa hospital. Hindi totoong pumunta kami ng China nun. Isang palusot ko lang yun kay Kai para maniwala sya sakin. Nahihirapan nga akong mag-isip nun eh.

So yun nga, may inutos sya samin nun.

"Stay away from Chanyeol, Sehun and Kai. Hindi nyo ba alam na parang sinisira nyo na yung grupo? Hindi kayo deserve ng KSY. Mga salot lang kayo sa buhay nila. Come to think of it. Nung panahong hindi pa nila kayo kilala, maganda yung pamumuhay nila. Tapos ano ngayon? Pag-ibig? Fcking shit!"

Napahigpit yung hawak ko sa hospital gown ko nang binato ng CEO papunta sa pader yung tray na pinagkain namin. Natahimik kaming tatlo at niisa samin ay walang sumagot.

"Kai, Sehun and Chanyeol don't deserve faggots like the three of you! Kung lalandi man kayo, sa iba nalang huwag sa mga idolong ako yung nagmamay-ari. Kayong mga walang maggawa sa buhay, wag na wag kayong magpapakita sa tatlo. Naintindihan nyo!?" Tanong nya ulit.

Again, walang sumagot.

"Isa lang ang aasahan nyo sakin. Tatandaan nyo ang pagmumukha ko dahil sisiguraduhin kong itong mukhang to ang tatapos ng mga buhay ninyo"

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon