44.

1.7K 86 8
                                    


Luhan's POV

Napangiti ako nang makita ang dalawang naglalambingan sa harapan ko. Kahit naiinggit ako sa scene, ngiti lang Luhan. Ngumiti ka lang. Balang araw, may kalambingan ka rin kagaya nyan.

Napatingin ako kay Sehun sa tabi ko na busy sa pagsesearch sa Google. Kaninang umaga pa yan eh, mukha na syang tanga. Ano bang ginagawa nya sa Google?

How to court a girl?

Pakshit! Yun talaga ang nakalagay eh! ANONG COURT COURT YAN AH!!

.... at bakit girl?

"Aish! Ang co-common ng mga panliligaw na to! Tss" bulong nya.

"Huy! Ano yan?" tanong ko. Agad nyang tinago ang phone nya at tumingin sakin.

"W-Wala!" Sabi nya at tumingin sa cellphone nyang naka-off.

"Sino ba ang liligawan mo?" Tanong ko at siningkitan sya ng mata.

"W-wala!" Sabi nya.

"Sehun..." Lumunok sya at tumingin sa buong cafeteria, "Sehun, sabihin mo na"

"W-wala sabi" namumula na sya at di pa nya ako tinitingnan sa mata.

"Ewan ko sayo!" Sabi ko sabay hampas sakanya ng notebook ko.

Bahala sya jan.

------

"LUHAN!!" napahinto ako sa sigaw ng papatakbong kabayo. Chus!

"Ano?" naiirita kong tanong.

"Niregla ka nanaman eh! I just want to ask kung sino ang nabunot mo?" Tanong nya.

Well nagbubunotan na kasi kami ng names kanina sa classroom kasi you know, malapit na ang pasko and napakalapit na ng Christmas Day namin kaya napagisipan na ng adviser namin na magbunot nalang. Mas excited pa yun kesa samin eh.

"Bakit ko naman sasabihin sayo?" Tanong ko sabay irap.

"Kasi alam ko kung sino ang nakakabunot sayo!" sabi nya. Umirap ako sakanya.

"Wala naman akong pakealam! Kahit nerdy pa yan, poor, weird, abnormal or etchetera etchetera, I don't give a puta" sabi ko at nilayasan sya.

"Ang sungit mo ngayon. Highblood ka?" Tanong nya.

"Masakit ang puson ko!! May angal ka ?!?" tanong ko.

Umirap ulit ako at tuluyan nang maglakad. Nakakastress ng araw nato aist! I think totoo talagang meron ako ngayon huhu! Gotta buy napkin laturr.

"Luhan" umupo ako sa tabi ni Baekhyun. Katabi nanaman nya—as always— si Chanyeol. Ewan ko kung ano meron sa dalawang to. Ang close nila as in.

"Sino ang nabunutan mo?" Tanong ko sakanya.

Ngumiti sya at pinakita sakin ang nasa papel.

"Si Daehyunnie~" masaya pa nyang sabi na ikina-irap ni Chanyeol.

"Ikaw yeol?" tanong ko naman kay Chanyeol.

"Si Kyungsoo" sagot nya.

"Sayo?" Tanong  ni Baekhyun sakin.

Umirap ako, "Isa sa mga kinaiinisan ko! Ang malas no?" Sabi ko.

"Sino ba yan?" Tanong ni Chanyeol at kinuha ang papel mula sakin.

"bombom_aww. Sino to?" tanong nya.

Sabi kasi ni Maam na ang ilalagay daw namin na codename sa papel ay username namin sa instagram. Halerr! Don't know kung bakit yun ang naisip ni Maam.

"Putanginang Bomi" sabi ko.

"Anong nasa wishlist nya?!" Tanong ulit ni Baekhyun.

"Aish ewan ko dun! Gusto nya daw LALAKI at kung wala daw akong makita, kahit KSY POSTER nalang daw tapos kung di ko daw afford, pwede lalaki nalang daw ulit. Haist! Ang weird na nga, ang landi pa" sabi ko.

"Oh tapos ano ang plano mong ibigay sakanya?" Tanong nya.

"Condom" nakangisi kong sabi.

Napangiwi naman si Baekhyun at nag-act na parang nasusuka. Achuuuuusss!! Feeling inosente pa tong lalaking to eh argh!

"Gaga ka talaga!" Sabi nya.

"Anong nilagay mo sa wishlist?" Tanong ni Chanyeol.

"Ayown! Huehue! Syempre kakaiba yung akin" sabi ko.

"Ano ba yun?"

Ngumiti muna ako sakanila bago sabihin sakanila ang isinulat ko sa wishlist.

"Boyfriend"

At dun ko nakita ang pagngisi ni Baekhyun sa sinabi ko.

Baekhyun's POV

"Baekhyun?" Tumingin ako sakanya habang nakataas ang isa kong kilay.

"Bakit?"

Napakagat sya ng labi at dahan-dahang kinamot ang likod ng ulo nya.

"As you can see, couple na si Kai at Kyungsoo, may gusto si Sehun kay Luhan. Hmm~ Kung may posibilidad na may manligaw sayo, ano ang first mong gawin?" Tanong nya.

Napakurap ako sa tanong nya. Nanatiling nakadikit parin ang kinain kong cake sa dila ko at di ko man lang mailunok. Nakakabigla kasi ng tanong nya.

Nang makaget over na ako ay agad kong nilunok ang cake na kinain ko at tiningnan sya.

"Irereject ko sya" nakangisi kong sabi. Nakita ko ang pagkalungkot ng mga mata nya pero agad iyun napalitan ng tawa.

"Bakit naman haha!" Sabi nya sabay ngiti sakin.

"Imposible rin namang may manliligaw saking babae no" sabi ko na ikinatawa nya bigla. Nagulat naman ako sa pagtawa nya. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

"Napakaimposible nga yan!!" Sabi nya at patuloy parin sa pagtawa.

"Bakit mo ba natanong ha!" Sabi ko sakanya. Nakita kong umiling lang sya.

"Wala lang.. nagtatanong lang ako" sabi nya, "So ano nga gagawin mo?"

Tumingin ako sa taas at nag-isip isip, "Well irereject ko nga sya. Kasi gusto ko magkaruon ng girlfriend pag nasa tamang edad na ako" sabi ko.

"Tss! Sa itsura mong yan, imposibleng magkagirlfriend ka" bulong nya pero di ko lang yun pinansin.

"So ikaw? Anong gagawin mo pag may manliligaw sayo?" Tanong ko.

"Bakit, liligawan mo ko?" Tanong nya habang nakataas baba pa ang kilay.

"Eww kapal!" Ngumiti lang sya sakin at umiling.

"Irereject ko rin" sabi nya kaya tumango ako.

"So pareho pala tayo" sabi ko.

"No, iba tayo" napatingin ako sakanya.

"Bakit naman?"

Tumingin lang sya sakin ng seryoso. Mga ilang minuto rin bago nya ako sinagot, "Kaya ko irereject yung manliligaw ko kasi bakit pa ako magpapaligaw kung meron nang nagmamayari ng puso ko? At alam mo ba yung nagmamay-ari nito? Isang napakamanhid na tao" sabi nya.

At dahil sa sagot nya, biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.
Ano nanaman to??

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon